"h-huhhh…” singhap kong awtomatikong bulalas habang magkasangga parin ang aming mga labi. Akmang lalayo na sana ako sa kanya nang agad niya akong hapitin sa aking bewang papalapit sa kanya. I quickly leaned back para ilayo ang mukha ko sa kanya bago ako lumingon-lingon ng bahagya sa mga nasa paligid naming tagapag-lingkod.
“M-Mahal na hari, a-anu hong ginagawa ninyo, marami hong tao.” Mahina kong bulong ko sa kanya bago ngumiwi dahil sa hiya.
“Ginoong Khut…” Tipid niya lamang na saad matapos iyun ay nagbigay na nang signal si Ginoong Khut sa mga tagapaglingkod kasunod nun ang pag-yukod nila at paglisan.
Nilisan nila kami ng hari maging si Pim na kumindat pa sa akin bago ngiting-ngiting umalis.
“Hay Pim ka talag—“ hindi ko na nituloy ang sasabihin ko sana at nagtigil din ang aking pagngiti nang mapaharap muli ang mukha ko sa hari na noon ay hawak-hawak parin ako ng mahigpit sa bewang.
“A-ah--- k-kamalahan, ano ho’t naririto kayo?” asiwa kong tanong avoiding an eye contact ngunit sinusundan niya ang mga mata ko.
“ Iniiwasan mo ba ako?” kunot noo niyang saad kaya naman kumawala na ako sa kanya at tumalikod papaharap sa hardin. Dahan dahan lamang siyang naglakad para tumabi sa akin.
“Kamahalan bakit niyo naman nasabing iniiwasan ko kayo…” Mahinahon kong usisang tanong.
“Uhmm, nevermind. So what were you doing, gardening? Should I have all your people receive their punishments for letting you do gardening?” Biglang sarkastiko niyang saad kaya naman agad akong napatingin sa kanya.
“A-ano? P-punishment ?” Bulalas ko dahilan para kumunot ang noo niya. “And why not? Haven’t you read it sa books na ipinagkaloob ko sayo, you can’t do chores and shouldn’t lay your fingers even to a bit of soil.” Seryoso niyang saad kaya naman lalong nanlaki ang mga mata.“P-pero kamahalan, how else can we live then? Ipinabawas mo ang suplay namin dito sa palasyo for some reason!” Pagsisimula kong malakas na saad kaya naman napakunot siya ng noo at tumitig sa akin. “Dinala-dala mo ako dito sa palasyo tapos aabandunahin mo ako. Binigyan mo pa ako nang sangkatutak na tagapag-lingkod na lahat umaasa sa akin. Tapos bigla mo kaming pagdadamutan ng makakain, aba eh saan naman ako kukuha ng ipapakain ko sa mga iyan! Kawawa naman sila eh Pinay ako syempre laki ako sa hirap alangan namang tumunganga lamang ako dito sa palasyo at mamatay sa gutom ng dilat ang mata eh ang laki-laki ng kalupaan ko dito. Naturingan rin lang akong amo ng palasyong ito abay hindi na ako mag-iinarte pa. Argus walang kasalanan ang mga tagapaglingkod ko sa bagay na ito. Besides, wala naman talaga kaming kasalanan, it’s your fault! Ikaw ang nagbigay ng parusa eh--” Dere-deretso kong litanya with my palengke-accent forgetting all the modesty and elegancy kaya naman gulat na gulat lamang siyang nakatitig sa akin. Nakagat ko na lamang ang aking mga labi at napangiti ng ilang nang magbalik si Imperial Noble Consort Ling sa aking diwa at marealize ang ginawa ko. Nahihiya akong tingnan siya sa mga mata ngunit ginawa ko parin.
“A-ah…uhmm, ah s-sorr--”
“So… are you my Imperial Noble Consort now or still the palengkerang babae that I’ve just saw a while ago?” Maya-maya pa ay sarkastiko niyang saad na tila hindi pa nakakabawi sa pagkagulat sa inasal ko.
“A-ah, p-patawad mahal na hari, a-akala ko kasi nasa-palengke ako. P-pasensya na ulit.” Nakangiwi kong tugon na nagbalik na sa pagiging maharlika ang kilos.
“Hay, hindi ako makapaniwala.” Naiiling niya pang saad kaya naman ginawaran ko na lamang siya ng isang maliwanag at malawak na ngiti dahilan para kumunot noo siyang muli.
“A-anong ginawa mo?” maang niya pang saad nang mapaigtad siya dahil niyakap ko siya sa katawan ng mahigpit resting my head on his chest bago ko siya tiningala nang nakangiti parin.
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
RandomSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...