Tila nanlambot ang aking mga tuhod noong makita ko si Marro dahilan para muntikan na akong matumba. Mabuti na lamang at naroon si Ivanka na aking nakapitan.
"Sab okay ka lang?" Mahina niyang bulong sa akin nung itayo niya ako. "O-okay lang ako Ivanka, s-salamat." Saad ko naman nung bulungan niya ako.
"I'll leave you two for a moment para makapag-usap but you have to keep it short. Remember, your husband might be on his way home now. Baka makita ka niya with other man, you know exactly what will happen if that happens." Mahinahon at may pag-aalala niyang saad kaya naman tumango ako.
Pagkaalis na pagka-alis ni Ivanka ay nagtangkang lumapit sa akin si Marro kaya naman agad ko siyang pinigilan.
"H-hanggang jan ka nalang! W-wala na rin namang dahilan pa para lumapit ka sa akin." Mariin kong saad dahil baka hindi ko kayanin kapag mas nakalapit pa siya sa akin.
"B-Babe..." Tanging tugon niya lamang sa malamlam na mga matang hindi maalis sa aking mga mata.
"Babe please..." Saad niya pang muli kaya naman nginisian ko na lamang siya para itago ang tunay na nararamdaman ko.
"Babe?! Nakalimutan ko na yan Marro. Isa pa wala nang dahilan pa para tawagin mo ako niyan dahil hindi na tayo." Matigas at malamig kong saad.
"Pero Sab hindi pa tayo naghihiwalay!"
"Do you really think that matters now hah! Hindi na yun mahalaga pa!"
"Bakit?!" Punong puno ng emosyon niyang pabalik na sigaw sa akin dahilan para mamuo ang mga luha sa mga mata ko ngunit pinigilan ko iyun.
"Sabina please sabihin mo sa akin na mali yung narinig ko sa tatay mo. Sabihin mong hindi totoo please!" Umiiyak niyang saad.
"Totoo yun, Marro oo nagpakasal na ako sa iba kaya makakaalis kana!" Napaatras siya ng bahagya sa tinuran kong yun. Kitang kita ko ang pagpatak ng kanyang mga luha kaya naman labis akong nasasaktan ngunit pilit ko itong pinagtatakpan.
"Sabina bakit? BAKIT?!" Sigaw niyang muli.
"Hindi na mahalaga kung bakit. Isa pa hindi mo na iyun dapat pang malaman. Umalis kana!"
"But you said you'll wait for me. You said ako lang. Sab ano to ngayun? Anong nangyari sa mga pangako mo? Sab nangako ka!" He exclaimed in a cracked voice dahil narin sa pag-iyak.
"Nagbabago ang tao Marro. Kasal na ako sa iba. I have now a ring around my finger that's it! Tapos ang usapan kaya umalis kana!"
Nagpunas muna siya ng luha at tumingala saglit bago ako muling tiningnan."Dahil ba sa pera Sab?" Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
"Tell me, dahil ba sa pera? Bakit, sawa kana sa buhay mo, hindi kana nakahintay kaya ka nagpakasal sa mayamang tao to have it all? Bakit hindi mo ako hinintay Sab? I've been working hard and did my very best para pagbalik ko dito maibigay ko sayo ang magandang buhay na deserve mo. Bakit hindi mo ako hinintay Sab? Kung marangyang buhay lang kayang kaya ko nang ibigay sayo yun ngayun!" Mahaba at mariin niyang saad at lumapit pa sa akin holding me on my shoulders.
Kumawala ako sa kanya bago magsalita.
"3 years Marro, 3 years lang ang sinabi mo. Naghintay ako ng tatlong taon. Pero hindi ka umuwi. Ang sabi mo maghintay pa ako ng dalawang taon. Fine, naghintay ako. Limang taon akong naghintay Marro pero hindi ka dumating. Instead of you, dumating si Argus sa buhay ko, and now I'm married to him. Kung ano man ang meron tayo, itinapo--" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nung bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Tuluyan ng magsihulugan ang mga luhang kanina ko pa pinipigil dahil doon. Tila nanlalambot ang aking mga tuhod.
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
RandomSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...