CHAPTER 33

1.2K 31 5
                                    

Paglabas ko ng palasyo ng hari kinaumagahan ay nasa tarangkahan na si Pim at ang mga greehill palace guards na naghihintay with my carriage.

“Emperial Noble Consort Ling, kumusta po kayo?” Ngiting-ngiting bungad sa akin ni Pim bago sila yumukod lahat para batiin at magbigay galang sa akin.

“Maayos naman Pim. Tayo na at marami pa akong aasikasuhin.” Seryoso kong saad bago ngumiti ng tipid at umupo na sa sedan.

Habang lulan parin ng sedan ay malalim ang aking iniisip nung matigilan ako dahil sa lalaking namataan ko sa di kalayuan where we’re heading. It’s Marro. Nakatingin lamang siya ng deretso sa akin habang kami ay papalapit ng papalapit ngunit pinili kong ituon sa daan ang aking pansin at hindi na siya tingnan.

Noong makatapat ako sa kanya ay agad lumuhod ang mga emperial guards na kasama niya habang siya ay bahagya din yumukod bilang paggalang sa akin ngunit nakaangat parin ang mukha niya para titigan ako hanggang sa makalampas na kami.

I know that’s it’s tearing him up to see me go in and out from the King’s palace which is obviously related to me being a bed chamber but there’s nothing I can do but to feel sorry for him. Kung sabagay, kung madalas niya akong makitang ganito, mas mabilis din ang pagkumbensi niya sa sarili niya na itigil na ang pantansya niyang maging kami ulit at maging masaya na lamang para sa amin ng kapatid niya o nang kanyang hari.

Tumulo ang isang butil ng mainit na luha mula sa aking mata ngunit agad ko lamang iyung pinunas at itinuun ng muli sa daan ang aking atensyon.

Ilang minuto pa ang lumipas at narating na rin namin sa wakas ang greenhill palace kung saan napalitan na naman ang laman ng aking isipan. Hindi na si Marro kundi ang si Lady Lawana.

“Pim...” tawag ko kay Pim habang pababa ako ng sedan.

“kamahalan, narito po ako.” Nakangiti niyang saad na tila may ibig ipahiwatig kaya naman sinabihan ko na siyang itigil na ang mga iniisip niya.

“Pim, itigil mo na yan. Halika na lamang at ipaghanda mo na ako nang panligo.”Saway ko sa sutil niyang pag-ngiti.

“Ay ililigo niyo po agad, sayang naman yung amo’y nung---“

“Pim! Ang sabi ko itigil mo na yan. Masyadong marumi ang iniisip mo.” Kunwari ay sersoyo kong putol sa kanya ngunit ngumisi din ako pagkatapos kaya naman ngumiti siyang muli.

“O siya sige kamahalan, masusunod po.” Sutil niyang saad at umalis na.

Nagpalakad lakad muna ako sa loob ng aking silid habang iniisip kong ano ang gagawin ko kay Lady Lawana.  Laman din ng aking isipan ang mga pinagsasabi ni Argus kagabi na hindi ko na halos maproseso sa subrang komplikado.

“Ano na bang nangyayari Argus, dati ako lang, tapos may reyna, ngayun may Lady Xiao tapos may Lady Lawana pa, baka naman naman may pang-lima pa jan para kumpleto na, nahiya ka pa eh.” Bulong ko sa sarili habang nginangat-ngat ang aking kuko sa hinlalaki dahil narin siguro sa dami ng iniisip ko.

“Hay, ano na ba ang gagawin ko. Bahala na, basta hindi lang ako ang maging kulilat dito sa palasyo. Nakatitiyak akong may labanan ng posisyon na magaganap dito kaya naman magfocus ka na lamang sa pagpapatibay ng pundasyom mo upang manatili sa ganito kataas na posisyon Sabina because you’re already here, there’s no turning back.”Bulong ko na lamang sa aking sarili.

Matapos kong maligo at maayusan ni Pim ay pinuntahan ko na si Lady Lawana at katatapos lamang siyang tingnan muli ng emperial physician.

“Emperial Consort Ling, m-magandang umaga po.” Bati niya sa akin bago yumukod ng bahagya.

“Magandang umaga rin sa’yo Lady Lawana. Kamusta na ang iyung lagay?” Saad ko bago ngumiti ng bahagya.

“M-maayos-ayos na, ang sabi ng emperial physician mabilis daw ang pagtalab ng gamot sa aking sugat at paa kaya bukas makalawa ay maari na akong makalakad at magiging maayos na din ang aking mga sugat.”nakangiti niyang tugon.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon