CHAPTER 38

957 18 0
                                    


3rd Person’s POV

Sa bulwagan ng hari ay nagtipon-tipon ang mga opisyales ng emperyo dahil sa usaping politika noong hapon ring iyun.

“Kamahalan, napasok na ng Baoluan Clan ang syudad ng Guandong at nagbabandyang tumawid sa border ng ating emperyo bukas na bukas din ng umaga. Maaring abutin lamang sila ng tatlong araw para marating ang probinsiya ng Shaondong sapagkat ito ang pinakamalapit sa border .” Pag-uulat ni Prinsipe Ri.

“Tama ang Prinsipe Ri mahal na hari, marami na sa mga kawal natin ang ngayun ay nagtungo sa Guandong upang tumulong sa digmaang nagaganap at marami na rin sa kanila ang namatay na at yung iba ay nabihag ng Baoluan Clan.” Dagdag namang saad ng Vice Premier.

“Masyadong malakas ang Baoluan Clan, hindi sila kakayaning mapigilan ng pamahalaan ng siyudad ng Guandong at kahit pa magtungo roon ang iba nating mga kawal para tumulong ay hindi sila magtatagumpay. Katuwang ng Baoluan Clan ang Lhiang State, ang pinakamalaki at pinakamalakas na hukbo na lumupig at sumakop ng hindi na mabilang na kalupaan at kaharian.” Seryoso at may pag-aalalang saad ng hari.

“Siyang tunay mahal na Hari kaya naman nagpaabot na ang Grand Empire  ng mensahe para sa ating pakikiisa sa kanila sapagkat malapit na tayong mapasok ng Baoluan Clan sa oras na malupig nila ang kahariang Guandong.”

“Kung ganun ay inaatasan ko ang mga heneral ng una hanggang ikaapat na distrito ng emperyo upang tumungo sa Guandong. Magsama sila ng tig-lilimang libong kawal upang sumapi sa hukbo ng Grand Empire.”

“Masusunod mahal na hari. Ngayun ay akin na silang titipunin upang kami ay makapaghanda na sa aming pag-alis ngayung gabi—“ Hindi naituloy ni Prince Ri ang sasabihin ng putulin siya ng hari.

“H-Hindi ka sasama.”seryoso nitong saad.

“A-ano? Ngunit ako ang punong heneral ng emperyo ano’t hindi ako sasama?”

“Prinsipe Ri, ipaubaya mo na lang muna sa heneral ng bawat distrito ang misyong ito at dumito ka lamang muna sa emperyo.”

“Ngunit kamahalan, delikado ang lagay ng ating mga kawal. Hindi ako dapat mawala roon kasama nila. Pakiusap mahal kong hari, payagan niyo akong samahan ang ating mga lingkod.” Muli pang saad ni Prinsipe Ri bago lumuhod sa harap ng kanyang kapatid na sinundan naman ng iba pang mga opisyales.

“Tama ang mahal na Prinsipe Ri kamahalan, kailangan niyo siyang payagan.” Sabay sabay pa nilang saad habang nakaluhod sa harap ng hari. Bumaling lamang ito kay Prinsipe Ri bago magsalita.

“Hindi mo ba narinig ang aking tinuran. Ang Baoluan Clan ang naroroon at napakadelikado ng kanilang hukbo. Hindi rin malinaw kong sasama ba ang Lhiang State sa digmaang ito ngunit paano na lamang kung oo. Delikado ang buhay m—“

“Mahal kong hari, batid kong bilang iyung nakababatang kapatid ay labis ang iyung pag-aalala sa akin ngunit bilang iyung emperial general, kung meron mang unang-unang lumapag ang paa sa lugar ng digmaan mula sa emperyong ito ay nararapat lamang na ako iyun.”

“Nguni—“

“--At kung meron mang mahuhuling mandirigma na mag-aangat ng paa upang lisanin ang lugar ding iyun ay nararapat lamang na ako iyun! Mahal na hari, ito ang tungkulin ko bilang punong heneral ng emperyong ito. Mahal na hari, ayukong maging isang asong bantay lamang na tanging sa tarangkahan lamang ng emperyo ang abot ng mga paa at magtatago sa loob kapag may kaaway. Gusto kong maging isang agila, lumipad ng matayog at sisirin ang rurok ng tagumpay sa pamamagitan ng pagtupad ko ng aking mga tungkulin bilang punong heneral. Doon  ko lamang masasabing isa nga akong punong heneral ng emperyong ito."  Kalmado ngunit madamdamin ang bawat salitang sambit ni Prinsipe Ri  kaya naman wala nang nagawa pa ang hari.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon