CHAPTER 67

885 21 0
                                    

Wala lamang imik nun si Imperial Noble Consort Ling at nakatuon lamang ang tingin sa reyna.

Hindi naman lubos  mapaniwalaan ni Noble Consort Xiao ang tinurang iyun ng reyna kaya niya binalingan anh reyna.

"Mahal na Reyna?!!! Anong sinasabi ninyo?!" Bulalas naman agad ni Consort Xiao na bumaling pa sa reyna.

"Mahal kong reyna, ano ang ibig mong sabihin?" Baling naman ng hari sa reyna.

"Mahal kong hari, hindi ko muna sana ito ilalabas sapagkag hanggang ngayun at nagpapaimbestiga parin ako ngunit dahil sa tinuran kanina ni Consort Lawana ay sa tingin ko malinaw na ang lahat. Malinaw na si Noble Consort Xiao din ang nasa-likod ng malubhang karamdaman ngayun ni Consort Lhan at ang prinsipe sa sinapupunan niya."

"Ano? Hindi totoo yan! Mahal na reyna, anong sinasabi niyo?!"

"Huwag ka na pong magsinungaling pa Noble Consort Xiao dahil wala na kayong kawala ngayun! Kayo ang lumason sa aking amo at hindi si Imperial Noble Consort Ling! Noong gabi ng pagdiriwang sa palasyo ng mahal na reyna, kayo ang nag-abot sa akin ng tsaang ininom ni Consort Lhan at hindi si Imperial Noble Consort Ling."

"Kalapastanganan! Hindi totoo iyan Maipan!" Baling naman ni Noble Consort Xiao kay Maipan na noo'y nakaluhod parin ngunit sumabat na ang reyna.

"Noble consort Xiao, huwag ka nang magsinungaling. Alam ko na ang totoo. Nahuli ko si Binibining Maipan. Dinala ko siya sa aking palasyo at pinaamin. Sa takot niyang madamay ang kanyang pamilya ay sinabi niya ang katutuhanang binayaran mo siya  ng limpak-limpak na ginto para pumanig sa iyo at gumawa ng istorya para siraan si Lady Ling sa araw ng paglilitis na plinano mo rin."

"Isa iyang kasinungalingan mahal na reyn--"

"TAMA NA YAN! NOBLE CONSORT XIAO... " mariin at nanlilisik ang mga matang bulalas ng hari dahilan para matigilan si Noble Consort Xiao at agad na lumuhod sa harap ng hari para magmaakawa ngunit nasampal lamang siya nito dahil sa galit.

"Mahal na hari... M-makinig po kayo sa akin..."

"Makinig?! Hindi ko akalaing sa likod ng iyung maganda at maamong mukha ay isa palang babaeng walang kasing sama!"

"Kamahalan... Hindi totoo yan! Pinlano nilang lahat it--"

"Huwag ka nang magsinungaling pa dahil hindi ka na maliligtas ng mapanlinlang mong mga salita! Maging ag iyung ama ay hindi ka maliligtas!  Punong Kawal!"

"Kamahalan, narito po ako."

"Tanggalan ng selyo at estadong Noble Consort ang babaeng ito at dalhin sa cold palace para ikulong upang pagbayaran ang paglason niya kay Consort Lhan at ang pagtangkang pagpatay sa mga Prinsipe!"

"Masusunod po kamahalan."

"K-Kamahalan..." Utal pang saad ni Noble Consort Xiao habang nakaluhod paring umiiyak at nagmamakaawa ngunit iwinaksi lamang siya ng hari.

"Si Binibining Pim at Binibining Maipan, dalhin sila sa departmento ng agrikultura upang doon magtrabaho!"

"Masusunod po kamahalan." Tugon muli nung punong kawal.

Napaluha na lamang si Pim nun at Maipan ngunit Hindi na sila umimik kahit na alam nilang subrang bigat nang trabaho sa pupuntahan nila ngunit mabuti nang buhay sila kesa mapatawan ng pagkakakulong o kamatayan.

"Ginoong Khut!" Maya-maya pa ay saad muli ng hari.

"Kamahalan, narito po ako..." Tugon naman nito.

"Alisin mo sa aking palasyo si Consort Lawana at dalhin sa bahay gamutan upang mabantayan at maalagaan. Doon siya mananatili hanggang sa manganak siya. Pagkatapos nun tsaka niya haharapin ang kaparusahan para sa kanya!"

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon