“Emperial Consort Ling, nariyan na raw po sa tarangkahan ng greenhill palace ang mahal na hari, kailangan mong magmadali at nang maayusan muna kita sandali.” Aligagang saad ni Pim kaya naman nataranta din ako.
“Ano’t biglaan naman yata. Kung ganun ay magpahinga kana muna. Dito ka muna mananatili sa aking palasyo hanggang sa gumaling ka bago mo ipagpatuloy ang kung anumang dahilan ng pagpunta mo rito.” Baling ko na lamang kay Lady Lawana at tumayo na.
“Maraming salamat Emperial Consort Ling.” Nakangiti niya lamang saad. Ngumiti din ako sa kanya at umalis na.
Agad kong tinungo ang aking silid para mag-palit ng damit dahil nadumihan ito at nalagyan ng dugo mula sa mukha ni Lady Lawana nang mapayakap siya sa akin kanina. Kailangan ko ring ayusin ang aking buhok dahil hindi iyun masyadong maayos dahil sa mga pangyayari. As an Emperial Consort, I shouldn’t show up to the King messy dahil isa iyung maituturing na kalapastanganan.
Hindi pa man ako natatapos sa pag-aayos ay may dumating na palace guard upang maghatid ng isang mensahe mula sa hari. Hindi na raw tutuloy ang mahal na hari dahil kailangan pa nilang magpulong ng vice premier at ng emperial general Ri sa kanyang palasyo. Sa halip ay ipinapatawag niya ako na magtungo sa kanyang palasyo .
“Kung ganun ay susunod ako.” Saad ko lamang sa palace guard at nung makaalis na ito ay bigla-biglang tumili si Pim kaya naman napatingin ako sa kanya.
“Naku! Naku! Ito na! Kababalik lamang ng hari at ikaw ang ipinatatawag sa kanyang palasyo hindi ang reyna! BWAHAHA! Ikaw ang nagwagi, buti nga sa kanya!” Bulalas niya bago tumawa.
“Ikaw talaga Pim, anu naman ngayun kung yung reyna ang ipatawag niya? Ayos lang naman sa akin iyun.” Wika ko ngunit umiling lamang siya. “naku hindi po maayos yun, kailangan hindi mapunta sa iba ang atensyon ng mahal na hari para sa emperyong ito ikaw palagi ang panalo.” She protested kaya naman napatawa ako ng bahagya ngunit nagseryoso din ako to tell her something.
“Siya nga pala Pim, bago paman ang lahat, narito na ba sa palasyo ang bagay na hiniling ko kay physician Chakru?”
“Ah oo kamahalan, ngunit s-sigurado ho ba kayo na gagawin niyo talaga ito?” May pagkabahala sa tinig na saad niya.
“Pim, nasa akin ang iyung katapatan hindi ba?”
“Oo naman, mahal na consort.”
“Kung ganun ay magtiwala ka na lamang sa akin at huwag ng maraming tanong.”saad ko pa.
“Kayo ho ang masusunod mahal kong consort, sandali lamang at ikukuha ko kayo ng bagay na iyun." Buntong hininga niyang saad bago ngumiti.
“Bilisan mo lamang at tayo ay magtutungo na sa palasyo ng hari.” Buntong hinnga kong saad.
“Hindi ko pa tiyak ang totoong kalagayan ko dito sa palasyo kaya kailangan ko itong gawin.” Bulong ko pa sa aking sarili.
Pagdating namin sa palasyo ng hari ay may kapulong pa ang hari kaya naman maghihintay pa sana ako ngunit pinapasok na ako sa bulwagan kung saan nagpupulong si Argus at ang kanyang kapatid na parehong lumingon sa akin habang naglalakad kaya naman ay natigilan ako ng bahagya.
“My Emperial Noble Consort, nariyan kana pala. Halika’t lumapit sa akin.” Masayang tawag sa akin ni Argus kaya naman automatic akong napatingin kay Marro. He’s just staring at me kaya naman napalunok ako at naglakad na papalapit kay Argus.
Hindi parin bumibitaw ng tingin si Marro kaya naman hindi ko na siya tinitingnan.
“Uhmm, m-mahal na hari, ipinatatawag mo raw ako upang saluhan ka ngayung gabi?” Naiilang man ngunit elegante at nakangiti kong saad kay Argus.
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
RandomSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...