****
Buong araw naghintay ang hari sa kanyang palasyo para sa pagdating ni Imperial Noble Consort Ling matapos niyang umalis ng galit sa greenhill palace kanina ngunit hindi ito nagpakita sa kanya.
"Ano't hindi parin siya dumarating? Abala parin ba siya?" Walang ano ano'y tanong niya kay Ginoong Khut na nakabantay lamang sa kanya.
"Ah k-kasi mahal na hari abala pa rin daw po si Imperial Noble Consort Ling sa kanyang hardin ayun sa isa sa kanyang lingkod na napagtanungan namin." May takot naman sa tinig nitong tugon.
"Ano?! Sinasabi mo bang imbis na puntahan niya ako matapos niya akong galitin ay abala parin siya sa hardin?!" Hindi niya makapaniwalang bulalas.
"H-hindi ho ako sigurado kamahalan ngunit p-parang ganun na nga..." Napatawa siya ng sarkastiko dahil sa sinabing iyun ni Ginoong Khut because of disbelief ngunit sumeryoso din siya.
"Hmm... Kung ganun ay sige, hindi ko na siya ipapatawag o pupuntahan! Lumalaki na ang ulo niya dahil siguro palagi ko siyang pinapaburan ngunit hindi na ngayun! Sinusubukan niya ako ah!!! Simula ngayun magiging abandonado na ang kanyang palasyo dahil hindj na ako paparoon!" Pagtatampong saad niya sa mariing tinig bago siya pabagsak na naupo sa kanyang upuan at lumagok ng isang kopetang alak.
Pagsapit ng gabi ay tahimik at madilim na sa buong paligid ng Greenhill palace. Tanging ang mga lamparang nagkalat lamang sa paligid ang nakasindi. Ito ang atmosperang sumalubong sa hari na noon ay natagpuan na naman ang sariling nakatindig sa harap ng saradong tarangkahan ng greenhill palace at hindi maipinta ang mukha.
"At sinadya niya talagang pagsarhan ako ng pinto?! Hay, hindi ako makapaniwala!" Hindi makapaniwalang bulalas ng hari habang nakatitig parin sa saradong tarangkahan at nakapamewang pa.
"Ahh mahal na hari, k-kakatukin ko na po ba?" Pigil naman ang ngiting saad ni Ginoong Khut dahil sa itsura niya nang balingan niya ito ng pikon na tingin.
"At bakit mo naman siya kakatukin? Para malaman niya na sa kabila ng pag-sasawalang bahala niya sa akin ay narito parin ako para puntahan siya? Huh! Hindi! Lalo lamang lalaki ang ulo niya! Kung ayaw niya, edi wag! Tayo na!" Nagtatampo niyang saad bago padabog na sumampa sa carriage niya.
****
Samantala...
"Consort Xiao, pupuntahan niyo po ang mahal na hari?"
"Bakit hindi? Hmm, balita ko galit na galit siya kaninang nilisan niya ang greenhill palace. Marahil ay may nangyaring hindi maganda sa kanila ng magaling na Imperial Consort Ling. Hindi niya alam na sa ginagawa niyang iyun ay binibigyan niya ng dahilan ang mahal na hari para magalit at lumayo ang loob sa kanya. At dahil doon... pagkakataon kong muli ito para makasama ang mahal na hari." Matatas ang dilang saad ni Consort Xiao bago magkawala ng isang malagkit na ngiti sa kanyang mga labi. Ngumisi lamang din si Nam at sinamahan na ang kanyang amo sa palasyo ng hari.
Pagkarating ng hari sa kanyang palasyo ay nadatnan niya si Consort Xiao na nakaupo sa bulwagan at kaharap ang lumang sitara na naroon at hinahaplos.
"Consort Xiao." Tawag ng hari dito na agad namang tumayo para yumukod bilang pagbati.
"Mahal na hari. Narito na po pala kayo." Malambing nitong saad.
"Ano't naparito ka at kaharap mo ang sitara?" Mahinahon din namang saad ng hari bago lumapit dito.
"Ah ang totoo niyan mahal na hari, napag-alaman ko pong meron kayung bagong biling sitara at mula pa ito sa bansang Tsina. Naku, nakatitiyak akong isa po iyung espesyal na sitara kaya naman gusto ko sanang makita at mapakinggan. Napag-alaman ko rin po kasi na bukod sa taglay niyong galing sa literasiya at sa pakikipaglaban ay magaling din kayong tumugtog ng instrumento lalo na ang sitara." Malambing at mahinhing wika pa ni Consort Xiao kaya naman ngumiti ang hari.
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
RandomSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...