CHAPTER 53

960 18 0
                                    


"Naku grabi po yung nangyari kay Noble Consort Xiao . Akalain mo po yun, isang buong batang Prinsipe iyung lumabas sa kanya kanikanina na lamang matapos ang nangyaring aksidente kahapon. Nakakalungkot lamang po at hindi kinayang mabuhay nung bata grabi po tuloy ang pagluluksa ng mahal na hari ngayun." Nanghihinayang na saad ni Pim sa amo nang sila ay makabalik sa greenhill palace.

Kagagaling lamang nila sa Redhill palace para magpa-abot ng pakikiramay sa namatay na anak ni Noble Consort Xiao na si Prinsipe Kunkih na tuluyan na niyang isinilang kani-kanina lamang sanhi nang lubhang pagdurugo ng Noble Consort. Katatapos lamang nitong mailibing sa pangunguna ng hari na ngayun ay nagluluksa parin at naglalasing sa palasyo nito.

"Hay, kahit gaano kasama si Noble Consort Xiao, nakakaawa parin siya. Napaka-ayos ng kanyang kalagayan at ipinagbubuntis tapos bigla nalang siyang madudulas at mamamatayan ng anak. Hay kung bakit ba naman kasi hindi siya nag-ingat, nadulas tuloy. Hay nakakatakot." Muli pang saad ni Pim.

​Tahimik lamang nun si Imperial Noble Consort Ling na tila malalim ang iniisip na naupo sa kanyang trono sa bulawagan ng kanyang palasyo.

"Kamahalan, ayos lamang po ba kayo? Kanina pa kayo tahimik jan at tila malalim ang iniisip? Tungkol po ba ito sa nangyari kay Noble Consort Xiao?" Puna sa kanya ni Pim.

"Ah hindi Pim. Mayroon lamang sumagi sa aking isipan."

"Sigurado po ba kayo? Kasi kung yun nga ang iniisip niyo ay gayun din ako. Hindi po kasi ako makapaniwala kung paano siya nadulas ng ganun ganun na lamang, para pong may mali." Pagkasabi niya nun ay tiningnan lamang siya ni Imperial Noble Consort Ling.

"Ah p-patawad po mahal na Imperial Consort, masyado po akong madaldal." Agad niyang saad bago yumukod nung mapansin ang reaksyon nito.

"Pim, sinadya o hindi ang nangyari kay Noble Consort Xiao labas kana roon. Isa pa hindi lahat ng nilalaman ng ating puso't isipan ay kailangan nating isiwalat sa pamamagitan ng ating mga bibig dahil maari natin itong ikapahamak." Mahinahon ngunit mariin niyang saad.

"N-naiitindihan ko po Mahal na Imperial Consort, patawad po, hindi na mauulit."

"Sige na, ikuha mo na ako ng tsaa at tumungo kay Physician Chakru upang kuhanin ang aking gamot."

"G-gamot po? Mahal na Imperial Consort, ipagpapatuloy niyo parin po ba ang pag-inum ng gamot?"

"Oh, anung nangyari at tila gulat na gulat ka. Hindi ba't araw araw ko namang ginagawa ito, ano't tila hindi mo alam ang aking dahilan?"

"Hindi naman po sa ganun Kamahalan, naisip ko lamang po na namatayan ang mahal na hari ng isang anak, nagdadalang tao na rin po si Consort Lhan, bilang kayo po ang Imperial Noble Consort, hindi po ba panahon na para bigyan niyo rin ng anak ang mahal na hari. Malay po natin, isa itong prinsipe."

"Pim, makinig ka, kamamatay lamang ng anak ni Noble Consort Xiao dahil sa pagkakadulas na maging ikaw ay hindi lubos mapaniwalaan... Bakit ko hahayaang sapitin ko rin ang ganoong pangyayari?"

"P-po?  Hindi ko po kayo lubusang maintindihan mahal na Imperial Consort."

"Pim, ang emperial harem ay maayos at nakakawiling tignan ngunit lahat ng maganda ay sa panlabas lamang dahil ang totoong nangyayari sa kaloob-looban nito ay isang kagimbal-gimbal na kaganapan. Lalo na ngayun." Matalinghaga niyang saad dahilan para kumunot ang noo ni Pim.

"Kamahalan, hindi ko ho kayo masundan. Anu po ba ang inyong nais ipahiwatig?"

"Hindi maikakaila na ang kompetisyong nagaganap ngayun sa emperial harem ay hindi na lamang tungkol sa pagmamahal ng hari kundi kompetisyon ng mga anak sa pagiging susunod na hari at nagsisimula na ito ngayun."

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon