Gabi na noon nang matigilan sa paglalakbay ang hari at ang kanyang mga emperial guards dahil sa subrang lakas ng ula at dahil narin narating na nila ang ilog na kailangang bagtasin bago makarating sa Shaondong Province.
"Kamahalan, hindi po talaga natin kayang tawirin ang ilog. Masyado pong malakas ang ang agos ng tubig. Isa pa, malalim po ang ilog at malawak, hindi po kakayanin ng mga kabayong makatawid." Pagbabalita ni Ginoong Khut nang makabalik sila sa kinaroroonan ng hari at ng iba pang mga kawal ilang metro mula sa ilog.
"At anong sinasabi mo, magpapalipas tayo ng gabi rito?"
"Kamahalan, wala po tayong pagpipilian. Masyado pong malakas ang tubig sa ilog, masyado din pong malakas ang ulan. Isa pa, malalim na po ang gabi." May takot sa tinig na paliwanag ni Ginoong Khut.
"Argh! Dang it!" Inis na bulalas na lamang ng hari bago nag-utos sa mga kawal na magtayo ng mga portable tents.
"Sabina...sana naman hindi tama ang iniisip ko kong totoo ngang magkasama kayo ng aking kapatid." Bulong niya pa sa sarili na hindi parin mapakali.
***
"Sabina okay ka lang?" Tanong ni Marro kay Sabina noong lapitan niya ito para maupo matapos niyang gumawa ng apoy.
Hindi na tumila ang ulan at inabot na sila ng gabi sa kweba kaya naman ay hindi na sila nakabalik pa sa sentro ng probinsya kung nasaan yung emperial house na tinutuluyan ni Sabina.
"Sigurado ka bang ligtas tayo dito?" Mahina namang tanong ni Sabina habang iniikot ang tingin sa loob ng kweba na kinaroroonan nila.
"Ligtas tayo rito kaya huwag kang mag-alala."
"Mabuti naman kung ganun. Hays kung bakit ba naman kasi biglang umulan."
"Eh kasi naman tag-ulan na." Pagbibiro namang tugon ni Marro bago ngumiti.
"Sabagay..." Saad na lamang niya bago ngumiti din nang walang ano-ano'y sumeryoso muli ang rehistro ng mukha ni Marro.
"Oh, seryoso ka yata ah..." Patutyada naman niya bago ngumiti.
Ngumiti din ng tipid si Marro kaya naman gets na niya ito.
"Uhmm, tungkol ba ito sa gusto mong itanong sa akin kanina bago umulan?" She asked curiously.
"Ah tungkol dun, gusto mo pa bang marinig?"
"Oo naman. Ano ba yun?" Kaswal niya lamang na saad bago niyakap ang kanyang mga tuhod kaharap parin ang apoy.
"G-gusto ko lamang tanungin kung-- kung ano na ba ang lagay ko sa puso mo."
"Hmm?" Gulat niyang tanong sa sinabi nito.
"Ang ibig kong malaman ay kung may pagmamahal ka pa rin ba para sa akin." Kaswal namang pag-uulit ni Marro bago ngumiti ng bahagya kaya naman ay ngumiti na din siya bago bumuntong hininga.
"Kung tinatanong mo ako kung mahal pa kita, oo, yan ang sagot ko. Are you familiar with the old saying na tatlong beses magmamahal ang tao? Yung una ay ay iyung tinatawag na puppy love. A lightest love of all love. Pangalawa ay yung first love, it's the greatest love of all. Meaning kahit hindi kayo ang magkatuluyan, it doesn't mean na mawawala na din ang pagmamahal mo sa kanya."
"Is that supposed to be me?" Sambit naman ni Marro na ngumiti pa.
"I think so." Tugon naman niya kasabay ng isang ngiti.
"I get it now."
"Really?"
"Oo naman. So what about the third type of love?"
"Gusto mong malaman?" Sutil niyang saad.
"Oo naman."
"Sabi nila, the third type of love is the unconditional love or the so-called true love and it's the deepest of all love. Ito yung love na--"
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
РазноеSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...