CHAPTER 35

1K 19 1
                                    

Kinagabihan ay hindi mapakaling nagpapalakad-lakad ang hari sa bulwagan ng kanyang palasyo.

“Ginoong Khut, hindi pa ba dumarating ang Imperial Noble Consort Ling?” Maya-maya pa ay baling niya sa kanyang lingkod.

“Ikinalulungkot kong sabihin ngunit hindi pa po Kamahalan. Dumating na rin po ang emperial guards na pinagmanman natin sa kanyang palasyo ngunit hindi pa raw siya lumalabas ng kanyang palasyo.”

"Sigurado ka bang ipinarating sa kanya ng departamento ng pagkain at suplay ang aking utos?"

"Oo naman mahal na hari. Nakausap ko ang punong kawani kanina at kagagaling lamang nila sa greenhill palace para kausapin ang mahal na Imperial Noble Consort Ling."

"At ano daw ang kanyang reaksyon?"

"Ah--a-ang totoo po niyan mahal na hari, maluwag daw sa loob niya itong tinanggap. Marahil yun ho ang dahilan kong bakit hindi na ho siya mag-aabalang puntahan kayo. Kakaiba po talaga ang Imperial Noble Consort Ling kamahalan, kayang kaya niya kayong baliwalain at tiisi--"

Dahil sa narinig ay isahan niyang nilagok ang alak sa kanyang kopeta bago iyun marahas na itinapon sa sahig bago pabagsak na naupo sa kanyang trono.

“M-mahal na hari, huminahon ho kayo, kung nais niyo po ay akin na lamang siyang ipapatawag ngayun di--”

“Ipatawag sino? Ako ba ang nais ninyong ipatawag mahal kong hari?” Putol na saad ni Consort Xiao na noon ay kapapasok lamang. Agad namang napaayos ng upo ang hari dahil sa pagdating nito.

“Consort Xiao, ano’t naparito ka?” Malamig niyang tanong dito ngunit mahinahon ang kanyang tinig. Walang ano-ano’y nagulat siya sa ginawa ng Consort.

“Mahal kong hari, galit pa rin ba kayo sa akin dahil sa aking inasal noong piging kaya hindi niyo manlang ako pinupuntahan sa aking palasyo?” Pagdadramang saad ng Consort matapos niyang lumuhod sa harap ng nakaupong hari.

“C-Consort Xiao, tumayo ka jan.”

“Hindi! Hindi ako tatayo dito hanggat hindi niyo ako napapatawad. Mahal kong hari, ginawa ko lamang naman iyun sapagkat nag-aalala ako sa inyo, na baka pinagtataksilan kayo ng Imperial Noble Consort Ling.”

“Ngunit Consort Xiao, hindi mo dapat ginawa iyun. Hindi gawain ng isang consort na mangialam sa mga ganoong bagay. Isa pa, hindi mo iginalang ang katayuan ng Imperial Noble Consort Ling. Ipinahiya mo siya sa harap ng maraming tao.” Mariin ngunit mahinahong sermon ng hari.

“Ngunit Mahal na hari, ginawa ko lamang po iyun dahil sa pagmamahal ko sa inyo. Kaya patawarin niyo na ako. Isa pa, hindi naman siya ang napahiya, ako ang ipinahiya niya sa harap ng maraming tao lalong lalo na sa mga bisita at sa harap ng mga magulang ko. Mahal na hari, hindi ba’t dapat niyo rin siyang patawan ng kaparusahan ng dahil sa ginawa niyang iyun sa akin?”Pagmamakaawang saad ng Consort na kunwari ay maluha-luha pa.

Bumuntong hininga muna ang hari bago magsalita. “Consort Xiao, may ipinataw na akong kaparusahan sa Imperial Noble Consort ngunit hindi ibig sabihin nun ay tama ka. Kailangan mo paring manatili sa iyung palasyo upang pagnilayan ang iyung ginawang pagkakamali bilang iyung kaparusahan.

“Ngunit mahal na hari, ilang araw na akong nakakulong roon tulad ng inutos ninyo. Kaya lamang ay hindi niyo ako dinadalaw mag-iisang linggo na simula noong maging Consort niyo ako kaya naman pinag-uusapan na ako ng mga tao at ng mga katiwala ko. Sinasabi nilang isa lamang akong abandonadong Consort na hindi ninyo pinapansin. Subrang sakit narin po sa kalooban ko. Kaya naman nagpunta na ako ngayun dito upang humingi ng tawad. Mahal kong hari, patawarin niyo na ako. Hindi na ito mauulit pangako.” wikang muli ng Consort at tuluyan ng tumulo ang luha kaya naman nakaramdam ng pagkahabag ang hari at  tumayo mula sa kanyang trono para alalayang tumayo ang Consort na noon ay dali-daling nagpunas ng luha bago ngumiti at yumakap sa hari.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon