Mga kaganapan sa inner-palace..."Mahal na Reyna, ano't tila masayang masaya kayo ngayun?" Puna ni Rin sa reyna na noo'y nakangiti habang umiinom ng tsaa.
"Bakit naman hindi Pim, sinong mag-aakala na ganun ko lamang pala sila kadaling mapapabagsak lahat. Ako na lamang ang kasama ng hari ngayun. Isa pa, ako'y biniyayaan ng isang lalaking anak. Hindi man siya ang panganay, ngunit siguraduhin kong siya ang pipiliin ng mahal na hari para humalili sa kanya sa trono."
"Ngunit mahal na reyna, nariyan po ang dalawang nakakatandang Prinsipe, si Prinsipe Baikun ng Lake Yard Palace at si Prinsipe Isra na ngayun ay nakatira sa palasyo ng mahal na hari. Isa pa, nariyan din po si Young Master Chatri na anak ni Prinsipe Ri."
"Prinsipe Chatri? At ano namang karapatan niya sa trono? Anak lamang siya ng kapatid ng hari!"
"Ngunit mahal na Reyna, tanggapin man ho natin o hindi, si Prinsipe Ri ay isa parin pong Prinsipe kaya maaring manggaling sa kanya ang susunod na hari." Paliwanag naman ni Rin.
"Hindi! Isa iyang kalapastanganan! Sa tingin mo ba hahayaan kong mangyari iyun? Walang ibang magiging taga pagmana kundi si Prinsipe Chadi, ang aking anak!"
"Mahal na reyna, naiintindihan ko po at alam ko pong magagawa niyo iyan lalo na't si Prinsipe Baikun at Prinsipe Isra ay wala ng mga inang magtatanggol sa kanila ngunit--"
"Ngunit ano?"
"Ngunit iba po si Young Master Chatri dahil nariyan parin ang kanyang inang si Madam Khao na alam niyong tuso din at nangangarap na maging hari ang kangyang anak."
"Sa tingin mo hahayaan ko lamang siyang gawin iyun? Makinig ka Rin, apat na konsorte ang napabagsak ko na kahit pa si Lady Ling na siyang pinakamamahal ng hari kaya si Madam Khao ay isa lamang maliit na insecto sa akin na madali ko lamang maaapakan!" Mariing saad ng reyna bago nagpakawala ng isang pagngisi.
"S-siya nga po pala Kamahalan, p-paano po kung magbalik si Lady Ling dito sa emperyo, tapos na po ang tatlong taon niyang pananatili sa templo."
"Hindi mangyayari iyun Rin. Matagal nang hindi interesado ang mahal na hari sa kanya. Ni minsan ay hindi niya ito dinalaw sa templo. Nasa aking panig ang isa sa kanyang emperial guards na lagi niyang kasa-kasama at wala itong anu mang iniulat sa akin tungkol sa hari at kay Lady Ling. Kung totoong iniibig parin ng mahal na hari si Lady Ling, hindi niya ito matitiis ng tatlong taon na hindi nakikita o nakakasama. Kung sabagay, hindi ko masisisi ang mahal na hari dahil ginawa ko ang lahat para ako naman ang manguna sa puso niya. Tignan mo nga at binigyan niya ako ng isang anak na Prinsipe." Nakangiting mungkahi ng reyna.
"Kung gayun ay kayo nga po ang nagtagumpay mahal na reyna. Binabati ko kayo sa inyong tagumpay!" Masigla namang saad ni Rin.
"Sige na Rin, bihisan mo na ako at pupuntahan natin ang mahal na hari ngayun din!" Nakangiti paring saad ng reyna ngunit natigil ito sa sinabi ni Rin.
"Pupuntahan niyo po ang mahal na hari? Ngunit mahal na reyna, wala po ngayun ang mahal na hari. Ang sabi ay at pinuntahan daw ito."
"Ganun ba, saan naman siya pupunta at ilang araw siya mawawala?"
"Huwag kayong mag-alala mahal na reyna, tiyak akong tungkol sa mga alituntunin ng emperyo ang dahilan ng pag-alis niya at ngayung araw din po mismo ang balik niya, marahil ay mamayang gabi."
"Kung ganun ay hinihintayin ko siya." Malumanay lamang na sambit ng reyna bago nagpakawala muli ng matagumpay na ngiti.
***
Habang naghihintay sa loob ng kanyang tent ang hari ay palakad lakad siya't hindi mapakali.
They camped nearby the wide meadow kung saan lalanding ang chopper na sumundo kay Lady Ling.
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
RandomSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...