Umaga na nun nang magising ang hari.
Ginising siya ni Ginoong Khut dahil buong gabi siyang nakaupo lamang habang nakadukdok ang ulo niya sa kama ni Imperial Noble Consort Ling.
"D-di-to ka ulit n-natu-log?" Walang ano ano'y marahang tanong ni Imperial Noble Consort Ling na gising na din pala. Kasunod nun ang pagkapa niya sa kinaroroonan ng hari kaya naman ay hinawakan na nito ang kamay niya.
"Gusto ko lamang na bantayan ka Mahal ko." Marahan namang saad ng hari matapos siyang halikan sa noo.
"N-ngu-nit p-pala-gi ka n-ng d-dito natu-tu-log. M-mara-hil ay pala-gi ka p-paring p-pagod at pu-yat d-dahil h-hindi ka k-kompor-ta-bling n-natu-tul-og." Pag-aalang saad ni Imperial Noble Consort Ling ngunit ngumiti lamang ang hari.
"Imperial Noble Consort Ling makinig ka, kailan man ay hindi nakakapagod na alagaan at bantayan ka kaya huwag ka ng mag-iisip ng kung ano ano, okay?" Malumanay niyang saad sa magaang tinig para hindi na mag-alala pa ang Imperial Consort.
"Magandang umaga po Mahal na hari, mahal na Imperial Noble Consort Ling, narito na po ang inyong umagahan." Sabat naman ni Pim na noo'y kasama si Phaita na may dala-dalang pagkain.
"Ilagay na lamang ninyo jan ako na ang bahala." Saad lamang hari habang si Imperial Noble Consort Ling ay bahagyang ngumiti.
"S-sala-mat s-sa inyo P-Pim at P-Phaita." Saad nito bago muling ngumiti.
Ngumiti lamang din nun ang dalawa lalong lalo na si Pim dahil sa pasasalamat niya kay Imperial Noble Consort Ling na lagi siyang tinutulungan at tinatanggap kahit na madalas siyang makagawa ng kasalanan dito.
Nang lumabas sila ay ang hari na ang bahala sa lahat. Tulad ng ilang araw na niyang ginagawa, pinakain niya si Imperial Noble Consort Ling at pinainom ng iba't ibang uri ng mga gamot na ibinigay ni Physician Chakru.
***
Nang makabalik sa kusina sina Pim at Phaita ay napansin ni Phaita ang pangingilid ng mga luha ni Pim.
"Umiiyak ka ba?" Seryoso nitong tanong nung biglang magpunas ng luha si Pim.
"W-wala ito, huwag mo na akong pansinin." Pagtatanggi naman nito.
"Tungkol ba iyan kay Imperial Noble Consort Ling?" Saad muli ni Phaita.
"O-oo. Ang totoo niyan ay masaya lamang ako dahil sa kabutihan ni niya sa akin at kay Maipan at Ploy pero subra din akong nakukunsensya dahil pakiramdam ko hindi ako karapat dapat sa kabutihan niya sa kabila ng mga nagawa kong kasalanan sa kanya." Tulo ang luhang pahayag nito.
"Alam niyong tatlo, sa totoo lang ay galit ako sa inyo lalo na sa iyu Pim dahil sa ginawa mo kay Imperial Noble Consort Ling pero alam niyo, hindi iyun ang nararamdaman ni Imperial Noble Consort Ling para sa inyo. Ang totoo nga niyan ay ipinaliwanag niya pa sa akin ang mga dahilan kung bakit hindi ako dapat magalit sa inyo kaya naman naintindihan ko na rin siya sa huli. Kaya huwag na kayong mag-alala o makunsensya dahil walang kahit na ano mang poot sa puso ni Imperial Noble Consort Ling para sa inyo, sa halip ay awa at ang responsibilidad na tulungan kayo ang nararamdaman niya." Mahabang mungkahi ni Phaita matapos iyun ay nilisan na nito ang kusina.
Nang matapos kumain nina Imperial Noble Consort Ling at ang hari ay kinausap nito si Physician Chakru.
"Physician Chakru, hindi ko na talaga matiis pa na makitang ganyan si Imperial Noble Consort Ling. Kaya sabihin mo sa akin kung meron pang paraan para makakita siyang muli. Kahit na ano pa iyun, gagawin ko." Malamlam ang mga matang saad ng hari.
"A-ang totoo niyan Kamahalan ay meron pang isang paraan ngunit mapapalayo tayo sa tuntunin ng emperyo. Isa pa, wala ding kasiguraduhan ang paraang ito." Mahinahon namang tugon ni Physician Chakru.
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
RandomSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...