CHAPTER 42

944 17 0
                                    

3rd Person's POV

Maaliwalas ang kalangitang bumungad pagdating ng umaga. Masigla at malalakas ang mga tugtuging pumapailanlang sa buong emperyo.

Ito ang araw nang pagkakatalaga ng isang bagong Konsorte ng hari at araw nang isang surpresa na gugulantang sa lahat.

Pagdating ni Imperial Noble Consort Ling sa palasyo ng hari ay nagsisimula na ang programa.

Punong puno na ito ng mga tao mula sa outside at inside palace. Nang inanunsyo ang pagdating niya ay nagsi-yukod ang mga tao bilang paggalang sa kanya katulad ng dati ngunit ngayun ay may kunting pagbabago lalo na sa mga matataas opisyales na naroroon dahil tumayo silang lahat upang batiin siya hindi katulad ng dati na iilan lamang sa mga ito ang yumuyukod para batiin siya at nakaupo pa.

Nginitian niya lamang mga ito nang mabaling ang mga mata niya sa mga mata ni Consort Xiao at ng mahal na reyna dahil tila hindi natutuwa ang mga ito.

Gayon pa man ay tumayo parin ang Consort Xiao para yumukod at batiin siya habang siya naman ay tinungo ang mahal na hari at reyna para naman magbigay galang bago tinungo ang kanyang upuan habang nakaalalay parin sa kanya si Pim.

Ilang sandali pa ang nakalipas nang mainip at magtaka ang mga tao maging ang mahal na hari dahil hindi parin dumarating si Lady Lawana.

Pasimpleng sumulyap si Imperial Noble Consort Ling kay Consort Xiao at sa mahal na Reyna nang makita niya at sensayan ng ng mga ito matapos iyun ay nagpakawala ng pag-ngisi si Consort Xiao habang ang Reyna naman ay walang emosyon ang mukha.

"Imperial Noble Consort Ling, bakit po kaya wala pa si  Lady Lawana, hindi ho kaya'y hindi nakarating sa kanya ang damit na ipinagawa niyo kahapon dahil hindi natapos ng mga mananahing inutusan niyo." Pag-aalalang bulong ni Pim sa kanyang Amo mula sa likod ngunit kalmado lamang itong tumugon.

"Pim, hindi lamang basta mananahi ang mga inatasan kong gumawa ng maisusuot ni Lady Lawana. Sila ang mga inihandog ng mahal na hari bilang mananahi ng aking mga kasuotan at alam kong hindi nila ako bibiguin."

"Ngunit kamahalan, bakit ho kaya wala pa siya. Naiinip na po ang mga tao at nagtataka na rin ang mahal na hari."

"Huwag kang mag-aalala Pim. Darating siy--" hindi na naituloy ni Imperial Noble Consort Ling ang sasabihin nang magsimula nang mag-anunsyo ang taga-pagsalita na noo'y nasa tarangkahan ng palasyo.

"NARIRITO NA SI LADY LAWANA! MAGBIGAY DAAN!" Malakas nitong anunsyo kasunod nun ang pagbubukas ng palasyo at ang munting sarkastikong halakhak mula kay Consort Xiao na tila mapang-insulto ngunit natigil din ito agad at napalitan ng pagkagulat nang lumabas na mula sa karwahe si Lady Lawana sa harapan nilang lahat dahil sa nakabibighani nitong inosenting kagandahan na mas pinaganda pa ng kanyang napakagandang kasuutan.

"P-paano nangyari iyun! Anong ibig sabihin nito. Saan siya kumuha ng magarang kasuutan?!" Mahina ngunit mariing bulalas ni Consort Xiao na narinig naman ni Imperial Noble Consort Ling kaya napangisi ito dahil para gawaran siya nito ng nanlilisik na mga tingin.

Isinawalang bahala lamang iyun ni Imperial Noble Consort Ling at sa halip ay tumayo para pumalakpak katulad na lamang ng ginawa ng iba pa kasama na ang hari at ang reyna na noon ay hindi rin maipinta ang rehistro ng mukha.

Labag man sa kanyang kalooban ngunit tumayo na rin si Consort Xiao at mabibigat ang mga kamay na pumalakpak.

"Whoah...napakaganda naman niya!"
"Ang gara ng kanyang kasuutan, paano siya nagkaroon ng ganyan kong galing siya sa mahirap na angkan?"
"Oo nga, ang balita ko ay galing lamang siya sa tahian."
"Kaakit-akit ang kanyang kagandahan kaya naman pala kinuha siya ng mahal na hari upang maging Konsorte."
"Tama, isa pa ay napakabata at napaka-inosente ng kanyang ganda."
"Tiyak na siya ang bagong konsorte na papaburan ng mahal na hari..."

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon