CHAPTER 43

947 14 0
                                    

"Kamahalan, ako si Lady Lhan, ang nag-iisang anak ng punong heneral na si Bai ang ilang dekada nang heneral ng emperyong ito na nagtatanggol sa hilagang border ng emperyo. Naririto ako ngayun, kasama ng aking ama at ang ilan sa kanyang hukbo upang ialay ang aking sarili sa inyo bilang isang Concubine ang magiging ina ng isang Prinseping magiging kapalit ng aking ama bilang punong heneral na magtatanggol sa hilagang border ng emperyo." Punong puno ng tapang at taas noong saad nung babae na tila isang mandirigma ang tindig.

Ito naman ang mas lalong ikinagulat ng lahat maging ang reyna.

"Mahal kong hari, ano ang pinagsasabi ng babaeng iyan?!" Malumanay ngunit hindi makapaniwalang bulalas ng reyna. Sinundan naman agad iyun ni Consort Xiao na hindi na mapakali sa kanyang upuan.

"Hindi ko nagugustuhan ang tinuran ng babaeng iyan! Napaka-arogante at mayabang!" Bulalas nito.

"Consort Xiao, matapang siya ngunit hindi mayabang. " Mahinahon namang sabat ni Imperial Noble Consort Ling na nakabaling parin ang tingin sa babae.

"Anong karapatan niyang maging ina ng anak ng mahal na hari? Tignan mo nga ng itsura niya!" Sagot pa ni Consort Xiao nang magsalitang muli yung babae.

"Kamahalan, ipag-paumanhin ninyo kong ganito ang aking kilos at pananalita gayon din ang aking kasuutan sapagkat isa po akong huntress at katulad ng aking ama ay isang mandirigma na tumutulong sa tuwing nagkakaroon ng digmaan. Hindi ho ako isang prinsesa o babaeng nakakulong lamang sa loob ng palasyo at walang ibang ginagawa kundi ang magpaganda katulad na lamang ni Consort Xiao na anak ng isang mandirigma ngunit alagang-alaga sa apat na sulok ng kanyang silid." Matatas ang dilang saad nito kaya naman umalma agad si Consort Xiao.

"At anong ibig sabihin! Sinasabi mo bang wala akong alam sa pakikipaglaban at--"

"Hindi Consort Xiao, ang totoo niyan ay pinupuri kita kung iyung iintindihing mabuti ang aking tinuran."

"At lakas ng loob mong kausapin ako ng ganya--"

"Tama na yan!" Putol naman ng hari sa sasabihin pa sana ni Consort Xiao kasabay ng pagtayo niya sa kanyang trono at bumaba ng hagdan upang lumapit kay Lady Lhan.

"Kamahalan..." Magalang na saad pa ni Lady Lhan bago yumukod sa harap ng hari noong makalapit ito.

"Hindi mo kailangang humingi nang tawad dahil ang totoo niyan ay napahanga mo ako sa iyung tinuran."

"Talaga mahal na hari?!"

"Siyang tunag Lady Lhan. Hindi natuloy ang pagkikita natin kahapon kaya naman nasurpresa ako sa mga katangiang ipinapakita mo sa akin ngayun kaya naman ay sige, Punong taga-pagtalaga, umpisahan mo na ang seremonya." Nakangiting wika ng hari bago bumaling sa punong taga-pagtalaga na agad namang tumalima.

Lumipas pa ang ilang sandali ay inanunsyo na nito ang pagkakatalaga ni Lady Lhan bilang isang Concubine.

"Alinsunod sa kasunduan ng Mahal na hari at ang Punong Heneral ng hilagang border ng emperyo, ikaw Lady Lhan na siyang anak ng punong heneral ay  mapapabilang na sa mga babae sa buhay ng hari ngunit hindi bilang isang asawa kundi bilang isa lamang concubine na magiging ina ng magiging bagong pinuno ng hilagang border ng Emperyo at bubuhay sa palasyong matagal nang nahimlay malapit sa hilagang border, ang Green Valley Palace na siyang magiging tahanan mo at ng inyung Clan. MAGBIGAY GALANG KAY CONCUBINE LHAN NG GREEN VALLEY PALACE!" Mahabang anunsyo ng punong taga-pagtalaga na sinundan naman ng palakpakan ng mga tao ngunit naghatid naman ito ng kalituhan sa ibang mga asawa ng hari.

"Kung isa siyang Concubine, ibig sabihin nun ay hindi siya maninirahan dito sa inner-palace kasama naming mga asawa dahil aanakan lamang siya mahal na hari hindi ba?" Taas ang mga kilay na saad ni Consort Xiao na agad namang sinaway ni Imperial Noble Consort Ling.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon