Sa mga sumunod na araw ay hindi ko nakasama si Argus at hindi rin nakasalamuha si Prince Ri sapagkat sila ay nasa labas ng emperyo upang asikasuhin ang mga bagay-bagay na dapat nilang ayusin patungkol sa buong emperyo.
Nabanggit ito ng mahal na reyna sa akin noong isang umagang kami ay magtagpong muli sa hardin.
It’s been three days na rin simula noong wala sila kaya araw-araw din akong natatatili lamang sa aking palasyo maghapon matapos kong mag-lakad lakad sa hardin kapag umaga.
Ngayong araw ay naisipan ko muling mag-ikot ikot sa palasyo dahil hapon na at malamig ang simo’y ng hangin. Hindi narin masakit sa balat ang tama ng sikat ng araw.
I was just enjoying my walk when I saw something sa di kalayuan kaya naman natigilan ako sa paglalakad upang tingnan iyun.
“Emperial Consort Ling, parang may kaguluhan po yata banda roon.” Puna din ni Pim habang ako ay pinapay-payan.
“Mukhang tama ka, mabuti pa ay puntahan natin.” Saad ko lamang at naglakad na nung magsalitang muli si Pim.
“T-teka, mukhang kilala ko yung babaeng nakapula ah, siya yung babaeng maharlika na kung makatingin sa inyo noong piging ay wagas.” Bulalas niya nung malapit na kami.
“Tama ka, mukhang siya nga yun at tingnan mo nga naman mukhang tama ang unang impresyon mo sa kanya dahil mukhang masama talaga ang ugali niya sapagkat nanakit siya ng ibang babae ngayun.”
Tugon ko bago ko muling tiningnan yung babae.She’s beating someone na noon ay nasa damuhan na. Sinusuportahan siya ng babaeng sa pakiwari ko ay alalay niya at ang isang babae naman ay dinadamayan yung babaeng sinasaktan niya.
“Anung kaguluhan ang nangyayari dito?!” Ito ang malakas ngunit elegante kong bungad sa kanila while Pim is with me holding my arm and the umbrella over my head. Siguro naman nakilala nila ako agad kaya naman tumigil yung babae sa panghahampas dun sa isa at tumayo ito ng maayos paharap sa akin bago yumukod upang batiin ako habang ang kanyang alalay naman ay agad lumuhod bago yumuko gayon din yung dalawa sa likuran nila na noon ay wala na sa ayos.
“Emperial Consort Ling, ano ho’t naparito kayo. Tinuturuan ko lamang po ng leksyon ang lapastangang ito.” Malamig at mapangmataas niyang saad sa akin.
“Lapastangan? Anong dahilan?” Sarkastiko ko namang tugon bago ko siya tiningnan ng mariin dahilan para magbaba siya ng tingin.
“W-wala lamang ito kamahalan, huwag niyo na lamang pansinin at tumuloy na lamang kayo sa inyong patutunguhan.” Pag-iiwas niyang saad kaya naman ngumisi ako ng bahagya.
“Ikaw yung maharlikang naging panauhin ng mahal na hari noong nakaraang piging hindi ba? Ano’t naririto ka parin sa emperyo hanggang ngayun at nananakit ng isang babaeng walang kalaban laban.” Usisa kong saad nung mapalunok siya at balingan yung babae na noon ay nasa damuhan parin.
“Dahil meron siyang nagawang kasalanan sa akin at tinuturuan ko lamang siya ng leksyon! Hindi na kayo dapat mangialam dito dahil panauhin ako ng mahal na hari, kaya naman kong mayroon mang dapat kumwestiyon sa aking ginawa ay walang iba kundi siya!” Matatas ang dilang wika niya kaya naman hindi iyun nagustuhan ng aking tenga lalong lalo na si Pim na agad sumabat.
“Lapastangan! Hindi ka dapat ganyan makipag-usap sa Emperial Consort ng mahal na Hari kung ibig mo pang makita ang ulo mong nakapatong sa leeg mo!” Malakas ang tinig na saad ni Pim but I hushed her sa pamamagitan ng marahang tapik sa kanyang balikat bago ako magsalita.
“Hayaan mo na siya. Mukhang hindi siya naturuan ng tamang asal ng kung sino mang nagpalaki sa kanya o kung saan man siya nanggaling.” Saad ko kay Pim bago ako bumaling sa babae.
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
CasualeSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...