Kinaumagahan ay nagpasama ako kay Pim upang magtungo sa departamento ng agrikultura upang manguha muli ng binhi sapagkat naitanim na namin ang nahingi ni Pim nung isang araw.
Habang nasa daan malapit hardin ay naulinigan namin ang isang ingay na mula sa isang babaeng singkit at matinis ang boses. Alam ko na kung sino iyun, si Consort Xiao.
"Kamahalan, mukhang yung b*tchesang linta ho ulit iyun at nananakit na nama--t-teka, s-si Lady Lawana po ba iyung sinasaktan niyang muli?" Nanlalaki ang mga matang puna ni Pim.
"Tama ka, si Lady Lawana nga iyun. At muli na naman siyang sinasaktan ni Consort Xiao. Halika puntahan natin." Saad ko naman at tinungo na ang tarangkahan ng hardin kung nasaan sina Consort Xiao na noon ay sinasaktan na naman ang noo'y nakasalampak na sa damuhang si Lady Lawana. Kasa-kasama nila ang kanilang mga alalay ngunit wala din namang magawa ang mga ito.
"At talagang ipagsisiksikan mo pa ang sarili mo dito hah! Hindi ba't binalaan na kita noon pa man! Ang sinabi ko, bumalik ka na sa tahian kong saan ka nababagay dahil hindi ka bagay dito! Ang lakas ng loob mong mag-ambisyon na mapangasawa ang hari, bakit dahil ba maganda ka hah? Tingnan ko lang kung magustuhan ka pa niya kapag sinira ko yang maganda mong mukha!!!" Narinig pa naming galit na galit na saad ni Consort Xiao bago nito ibinuka ang pamaypay niyang gawa sa maninipis na hinabing pinagtibay na balat ng kawayan at akmang ihahampas niya sana ito sa mukha ni Lady Lawana nang magsalita na ako.
"Magtigil! Anong kaguluhan ang nangyayari dito?"
"Imperial Noble Consort Ling, kayo po pala. Ano't naparito kayo!" Gulat niyang singhal sa akin.
"ikaw ang dapat kong tanungin, anong ginagawa mo?!" Seryoso kong bulalas. Nagtaas lamang siya ng mukha at nang kilay bago magsalita.
" Isa na akong Consort ngayun at hindi na lamang basta bisita kaya naman maari ko nang gawin kong ano ang gusto k--" hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi nang ibigay ko na ang sinyales kay Pim na gawin ang nararapat nitong gawin. Tumango siya at lumapit na kay Consort Xiao.
Tatlong malalakas na sampal ang sunod-sunod na dumapo sa mukha ni Consort Xiao sa magkabila niyang pisngi mula sa mga palad ni Pim. Halos magkanda hilo hilo siya dahil doon ngunit nag-angat pa ng mukha para singhalan ako.
"Imperial Noble Consort Ling! Ipinasampal mo ako?!" Mariin niyang bulalas habang hawak-hawak ang isa niyang pisngi.
"Pim..." Tugon ko lamang muli kaya naman tumango si Pim at agad ding binigyang muli ng malakas na mag-asawang sampal si Consort Xiao. Namumula ang mga mata sa galit niyang tingnan niya ako bago muling magsalita.
"Pagbababayaran mo it--"
"Pakkk!!!" Isa na namang malakas na sampal ang tumapos sa sasabihin niya sana. Matapos iyun ay sinenyasan ko na si Pim na gumilid na at naglakad na ako ng mabagal at elegante papalapit sa kanya habang ang aking mga kamay ay magkahawak sa aking bandang tiyan tulad nang nakasaad sa batas.
"Isang salita mo pa at hindi lamang anim na sampal ang aabutin mo! Consort Xiao, kahit pa Consort kana wala ka paring karapatang manakit kung wala naman itong ginagawang pagkakasala sa iyo."
"Hindi mo alam ang sinasabi mo Imperial Noble Consort Ling. Ang babaeng ito ay--"
"Ay ano? Ay narito sa palasyo upang mapangasawa ng hari o ang babaeng ito ay higit na mas maganda sa iyo kaya ngayun pa lamang ay natatakot kana na baka kapag napangasawa siya ng hari ay sa kanya na lahat mapunta ang atensyon dahil bukod sa kagandahang taglay niya ay bata pa siya at mabuting babae. Tiyak nga namang maaakit sa kanya ang mahal na hari. Tama ba?" Mahaba kong saad dahilan para matigilan siya.
"Ngayun sabihin mo sa akin, alin sa mga nabanggit ang kasalanang tinutukoy mo Consort Xiao?" Sarkastiko ko pang saad.
"Hindi ko papalampasin ang ginawa mong ito sa akin. Paulit-ulit mo na lamang akong ipinahihiya. Tinitiyak kong makakarating ito sa mahal na reyna!" Nagpakawala lamang ako ng sarkastikong tawa dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
RandomSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...