CHAPTER 80

1.1K 23 0
                                    

Maagang nilisan ni Imperial Noble Consort Ling ang inner-palace kasama ni Phaita at ilan sa kanyang mga palace guards upang tunguhin ang burol ng green valley palace kung nasaan nakahimlay si Consort Lhan.

Nais niyang magpunta roon ng mas maaga upang sa gayo’y siya ang mauna at maiwasan ang pagtatagpo nila roon ni Madam Khao.

Tanghali na noong makarating sila roon at sila ang nauna dahil wala pang tao.

“Mahal na Imperial Noble Consort, mabuti naman po at nagkatotoo ang nais niyo. Dahil mas maaga nating nilisan ang inner-palace, mas maaga tayong nakarating dito kaya naman wala pa si Madam Khao. Baka hapon na iyun makarating dito, kapag pauwi na tayo.” Nakangiting saad ni Phaita habang tinutulungan siyang isaayos ang mga bulaklak na dala-dala niya sa paligid ng puntod ni Consort Lhan.

“Tama ka jan Phaita kaya naman ay bilisan na natin ang pag-aayos nitong mga bulaklak para makapagdasal na tayo’t makaalis na dahil tiyak na papunta na rito si Madam Khao.

“Opo Kamahalan, masusunod po. Kung sabagay, tulad nga po ng sinabi ko sa inyo, kahit mag-abot kayong dalawa dito eh wala din naman po iyung maibubuga laban sa inyo.” Pagyayabang nitong wika kaya naman napatawa siya ng bahagya.

“Hay ikaw talaga Phaita. Malaki laki na rin ang naipon mong galit para sa reyna at kay Madam Khao.” Nakatawa niyang saad.

“Eh totoo naman po kasi kamahalan.”

“Hay tama ka, hindi ko talaga siya uurungan kapag nag-abot kami rito’t awayin niya ako ngunit Phaita—kung pwedi namang umiwas na lamang ay gawin na lamang natin lalo na’t narito tayo upang gunitahin ang kamatayan ni Consort Lhan. Isang malaking kabastusan at kalapastanganan kung magpunta lamang kami rito ni Madam Khao para mag-away.” Buntong hininga niyang saad nang lumamlam ang kanyang mga mata bigla dahil nahagip ng kanyang mga mata ang nakaukit na imahe ni Consort Lhan sa isang malaki at kwadradong jade na naroon.

“Ah—umm, K-kamahalan, ayos lamang po ba kayo? Bakit tila lumalim ang inyong iniisip?” Usisa namang tanong ni Phaita noong mapansin ang pagkabalisa niya.

“Umm oo naman. Naalala ko lamang ang sinapit ni Consort Lhan. Malamig siya at matapang kaya naman hindi natin nakikita ang kabutihan niya ngunit mabuti siyang tao at konsorte. Kawawa lamang siya’t nabiktima siya ng kasamaan ng reyna, ni hindi niya manlang nasilayan ang kanyang anak.” Malungkot niyang saad.

“Tama po kayo Kamahalan. Kawawa nga po si Prinsipe Isra eh, mabuti na lamang po at mabait siya’t magaling kaya naman kinagigiliwan siya ng lahat lalong lalo na ang mahal na hari simula pa noong sanggol  pa siya. Kaya nga ho may lumalabas ng usap-usapan sa mga opisyales ng emperyo na baka siya raw ang mapiling tagapagmana ng hari.” Pagkukwento naman ni Phaita kaya bahagya siyang natigilan.

“K-kung ganun ay siya ang napupusuhan ng mahal na hari?”tanong niya.

"Opo Kamahalan, yun po ang inaasahan ng lahat kaya nga ho--" saad nito ngunit biglang tumigil kaya naman nagtaka siya.

"Kaya ano? Bakit natigilan ka?"

“E-eh kasi po Kamahalan, hindi ko pa po dapat ito sabihin sa inyo ngunit a-ang mga nag-aalaga po sa dalawang batang Prinsipe ay ang mahal na reyna ang pumili.”

Gets na niya ang ibig sabihin ni Phaita. Kaya pala sa tuwing dinadalaw niya ang mga batang prinsipe ay parang may mali siyang nararamdaman at hindi mapalagay ang loob sa mga nag-aalaga sa mga ito.

“Ano na namang binabalak mo Reyna Kirah… matapos mong sirain ang buhay ng kanilang mga inang walang kalaban laban sa iyo, ngayun naman ay ang mga batang prinsipeng walang muwang ang sisirain mo ang buhay. Hindi! Hindi ako papayag na may gawin ka sa mga batang yun, hindi kita papayagang manalo sa pagkakataong ito.” Mariin niyang mahinang saad habang ang kanyang mga mata ay nanlilisik.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon