CHAPTER 83

1.1K 24 2
                                    

Ilang araw matapos magbalik ng hari at ni Physician Chakru sa emperyo ay naghahanda na silang muli para sa pag-alis kasama si Imperial Noble Consort Ling upang magtungo sa Bangkok.

"Kamahalan, s-sigurado ka ba sa ga-gawin na-tin? Sa-salungat i-to sa emperial rules?" Saad ni Imperial Noble Consort Ling na noo'y medjo maayos na ang pananalita dahil sa patuloy na gamutan.

"Mahal ko, huwag mo nang alalahanin ang bagay na iyan. Ako na ang bahala. Nakapag-usap na kami ng aking Vice-premiere. Just focus on yourself okay?"
Marahan lamang na saad ng hari.

"O-okay. P-pero Kamahalan, k-kapag nagpunta ba tayo r-roon ay m-may tsansang makakuha ako ng donor? H-hindi ba mahirap ma-ka-kuha nun?" Muli niyang tanong.

Hinawakan lamang siya nun sa kamay ng hari bago magsalita.

"Mahal ko, kaya nga tayo pupunta doon para maghanap at maghintay ng donor para kung saka-sakali mang meron na ay naroon kana at magaganap agad ang operasyon. Isa pa, kung kinakailangang halughugin natin ang lahat ng hospital sa mundo para lamang makahanap ng donor mo ay gagawin ko okay, kaya sige na please, huwag ka ng masyadong nag-iisip ng kung ano ano." He said sweetly bago siya halikan sa noo kaya naman ay kahit papano ay napanatag ang kanyang loob.

***
Mabilis lumipas ang mga araw nila sa hospital ngunit wala pa ring donor. Isa pa kung may dumating man ay nagka-cancel din bago pa man ang araw ng operasyon.

It's becoming more frustrating day by day. The king even called Ivanka para may kasama at kausap lagi si Imperial Noble Consort Ling dahil hindi na din maitago ang frustration at distress nito which is iniiwasan ng hari.

Maging kay Prinsipe Ri na noo'y abala sa pagtatanggol sa northern border from the Lhiang State Clan ay nakarating ang balita from Bangkok kaya naman madalas ay wala ito sa focus.

"Prinsipe Ri, ano po kaya kung puntahan niyo na lamang po si Imperial Noble Consort Ling nang sa gayon ay mapakali na kayo. Mapapaslang po kayo ng wala sa oras kung ganyan kayo eh. Tila wala kayo sa sarili." Pag-aalalang wika ng kanang kamay ni Prinsipe Ri na si Heneral Daobou habang sila ay nagpapahinga bago muling bumalik sa battlefield.

"Heneral Daobou, kailangan niyo ako rito, at tsaka bakit ako pupunta sa Bangkok eh wala rin naman akong magagawa para matulungan si Imperial Noble Consort Ling kahit na naroon ako. Hindi ko matutupad ang pangako ko sa kanya kapag naroon ako. Mas mabuti pa kung narito ako, mas malaki ang tsansang matulungan kong makakita muli si Imperial Noble Consort Ling." Medjo lasing na tugon ni Prinsipe Ri bago tumingin sa kawalan na tila subrang lalim ng iniisip.

Kinabahan bigla si Heneral Daobou sa tinuran at ikinikilos na iyun ni Prinsipe Ri kaya naman hindi na maganda ang ang kutob niya.

"Kailangan itong malaman ng mabal na hari." Pag-aalala niyang saad bago magtawag ng lingkod sa kinaroroonan nilang barracks ng Prinsipe na noo'y tila wala parin sa sarili.

Maya maya pa ay tinawag siya nito at seryosong seryoso ang mukha nito.

"Heneral Daobou, halika't mayroon akong mahalagang sasabihin sa iyo." Mungkahi pa ng Prinsipe kaya naman mas lalo siyang kinabahan.

***

Makalipas ang mahigit dalawang araw ay sa wakas nakarating na rin sa Bangkok ang lingkod na inutusan ni Heneral Daobou at nakarating sa hari ang masamang balita tungkol sa kanyang kapatid kaya naman ay subra siyang naalarma at natakot na baka tutuhanin ni Prinsipe Ri ang nais nitong mangyari.

Dahil doon ay agad niyang pinaghanda sina Ginoong Khut at ang kanyang emperial guards na noo'y nasa Bangkok din.

"Ivanka, ikaw na muna ang bahala dito. If ever the donor arrives, at wala pa ako, you can just sign the consent for operation on my behalf. Ang mahalaga ay maoperahan siya sa lalong madaling panahon. Sana lamang ay totoong willing maging donor yung tumawag kahapon na sinasabi ni Dr. Trang." Puno ng pangamba ang tinig na bilin ng hari.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon