"Kamahalan, m-may problema po ba?" Saad naman agad ni Phaita noong mapansin iyun.
"Phaita, bihisan mo ako, may pupuntahan tayo."
"Saan po?"
"Pupuntahan natin ang mga batang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagbalik dito sa inner-palace."
"M-mga bata ho?"
"Oo Phaita. Mga batang nangangailangan ng isang ina na mag-aalaga at poprotekta sa kanila dito sa inner-palace."
"Ang tinutukoy niyo po ba ay ang anak ni Consort Lhan na si Prinsipe Isra at ang anak ni Consort Lawana na si Prinsipe Baikun?"
"Siyang tunay Phaita. Bago ako umalis dito sa inner-palace tatlong taon na ang nakakaraan ay kinausap ako ni Consort Lawana tungkol sa kanyang magiging anak. Nangako ako sa kanya na kung makakabalik pa ako dito sa inner-palace ay ako na ang bahala sa kanyang anak. Noong araw naman ng aking pagbabalik dito sa inner-palace ay mayroong liham na iniabot sa akin si Ginoong Khut at galing iyun sa namayapang Consort Lhan. Ibinigay daw sa kanya ang liham bago pa ito manganak at tuluyang mamaalam."
"A-ano pong nilalaman ng liham?"
"Tungkol ito sa huli nitong kahilingan mula sa akin, katulad ni Consort Lawana ay nais niyang alagaan ko ay protektahan ang kanyang anak hanggang sa handa na nitong lisanin ang inner-palace upang umuwi sa lugar kung saan ito nakatakdang mamuno, ang Green Valley Palace."
"N-ngunit bakit po ikaw Kamahalan?"
"Hindi ko rin batid Phaita, marahil ay batid nila na gagawin ko ang lahat upang alagaan, alalayan, at protektahan ang kanilang mga anak sa abot ng aking makakaya." Buntong hininga niyang saad bago ngumiti ng bahagya.
"Kung ganun ay sa kanila po tayo ngayun pupunta?"
"Oo Phaita, matapos iyun ay may tatlong tao pa tayong pupuntahan."
"S-sino po?"
"Kailangan ko ng mga taong lubos na nakakakilala at tapat kay Consort Lhan at Consort Lawana upang tulungan akong alagaan at protektahan ang dalawang Prinsipe. Pupunta tayo sa departamento ng agrikultura upang puntahan si Pim at Maipan. Matapos iyun ay tutungo naman tayo sa East Wing Manor upang bawiin si Ploy.
"Kung ganun ay dito po sila sa Greenhill palace lahat maninirahan?"
"Oo naman Phaita, hindi ba ay mas masaya iyun?" Nakangiti niyang saad.
"N-ngunit tungkol po s-sa mga nagawa nilang kasalanan, nakatitiyak po ba kayo na hindi na sila uulit?"
"Phaita, ang mga taong iyun ay mga biktima lamang ng mga taong mas mataas ang antas ng pamumuhay sa kanila na nangangailangan ng galamay na gagawa ng mga nais nilang gawin. Wala talaga silang kakayahang magdesisyon para sa kanilang mga sarili at ang nais lamang din ay ang kaligtasan ng kanilang mga pamilya na pilit dinadamay ng mga taong gustong gumamit sa kanila. Sa kabilang banda ay wala talaga silang kasalanan, wala lamang silang pagpipilian kundi sumunod kaya naman ang kailangan nila ay ang tamang amo na gagamitin sila na gumawa ng mabuti at hindi ang masama." Mahinahon niyang paliwanag kaya naman napatango si Phaita at ngumiti na rin.
"Naiintindihan ko po Kamahalan, maraming salamat po sa inyong kabutihan sa aming mga mabababa ang estado sa buhay." Malamlam ang mga mata nitong saad.
"Walang ano man Phaita, ginagawa ko lamang kong ano ang tama at kung ano ang nararapat para sa lahat. Sige na, tayo na." Nakangiti niya pang tugon.
****
Nadatnan nila ang dalawang Prinsipe na noo'y naglalaro sa labas ng bulwagan ng paaralan ng emperyo kung saan nag-aaral ang mga maharlika.
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
RandomSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...