CHAPTER 60

991 19 1
                                    

***Consort Ling's request to the King, the wives and the King's meeting, the queen and Ling's discussion over the need to address the people in the province of Guandong.

***Consort Ling leaves the inner-palace to go to Guandong province where Prince Ri is guarding. Ling and Prince Ri's moment, Madam Khao's anger and gossip to the King, heavy rain came so the camp beside the river for two days and night. 3 days trip from the river so Prince Ri and Ling have visited some beautiful places in Guandong.

Matapos pa ang ilang minuto ng pagbisita ay nagpaalam na si Imperial Noble Consort Ling kay Consort Lawana.

Akmang lalabas na sana sila ng Palasyo ng hari noong nakita nila si Prinsipe Ri na noon ay palabas din.

"Mahal na Imperial Noble Consort, si Prinsipe Ri po." Pabulong na saad ni Pim sakto namang nalingunan ni Prinsipe Ri ang kinaroroonan nila.

Nang magtagpo sila sa tarangkahan ah tumigil muna si Prinsipe Ri sa paglalakad upang batiin siya.

"Mahal na Imperial Noble Consort, narito din pala kayo. Magandang hapon sa inyo."  Magiliw nitong saad kasabay ng pagyukod kaya naman ngumiti din siya.

"Magandang hapon din sa iyo Prinsipe Ri. Narito ako upang dalawin si Consort Lhan at papa-uwi na."

"Ganun ba, kung gayo'y sasabay na ako sapagkat pauwi na rin ako. Mayroon lamang akong inasikaso."

"Ikaw ang bahala." Nakangiti niya namang tugon at nagpatuloy na sa paglalakad noong kapwa sila matigilan dahil hindi pa man sila nakakalabas ng tarangkahan ay dumating na ang hari.

Lumuhod sa presensya ng hari ang lahat maliban kay Imperial Noble Consort Ling at Prinsipe Ri na noo'y yumukod lamang.

"Kamahalan, narito na po pala kayo." Saad ni Imperial Noble Consort Ling ngunit umimik ang hari at bumaling lamang kay Prinsipe Ri kaya naman ay nagsalita na ito.

"Mahal kong kapatid, mabuti naman at narito ka na. Pumarito ako para puntahan ka upang ipagbigay alam ang pag-alis ko bukas ngunit wala ka kaya naman ay aalis na sana ako noong maabutan ko ang Imperial Noble Consort dito na pauwi na din galing kay Consort Lh--"

"Hindi ko tinatanong iyan. Sa loob tayo mag-usap para pag-usapan ang mga bagay bagay." Malamig lamang na putol ng hari kay Prinsipe Ri at tumalikod na.

"Kung ganun ay paalam sa inyo mahal na Imperial Noble Consort." Nakangiti namang baling sa kanya ni Prinsipe Ri kaya naman ngumiti na siya at tumango nang malingunan niya ang hari na noo'y bahagya pang lumingon sa kanila kaya naman dali dali na din siyang tumalima para lumisan.

"Kamahalan, galit po ba ang mahal na hari? Mukhang masama po ang timpla niya." Usyuso namang saad ni Pim noong sila ay nasa daan na.

"Hindi ako sigurado ngunit huwag mo nang isipin iyun. Lilipas din." Mahinahon niya lamang niyang saad bago muling ipinako ang tingin sa daan.

"Hay Argus, tinutoyo kana naman." Saad  niya pa sa isip-isip niya bago bumuntong hininga.

Pagsapit ng gabi ay maaga niya gustong magpahinga kaya naman noong matapos siyang kumain ay tinungo na niya ang silid-liguan para maligo upang makapagpahinga na.

Hindi na siya nagpasama pa kay Pim dahil may iniutos siya ritong iba.

Matapos niyang maligo at magbihis sa isang puting kasuutang pantulog ay ay pumasok na siya sa kanyang silid noong mahinto siya dahil sa napagbuksan niya.

Ang hari ay nasa kama noon at nakahiga pasandal sa headboard habang abala sa pagbabasa ng isang libro.

"M-Mahal na hari, ano't naparito kayo ah ang ibig konh sabihin kanina ka pa?" Utal niyang saad bago tuluyang pumasok at isara ang pinto.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon