CHAPTER 48

906 19 0
                                    

Noong mga sumunod na mga araw ay isang bagong balita naman ang naging usap-usapan sa boong emperyo. Ang pagdadalang tao ng Reyna. Mabilis itong nagkalat sa buong emperyo.

“Mahal kong hari, sa wakas ay magkakaroon ka na nang panganay na prinsipe na siguradong siyang hahalili sa iyo lalo na at siya ang panganay.” Masayang saad ng Reyna habang sila ay naghahapunan ng hari sa kanyang palasyo.

“Aking Reyna, sana nga ay isa siyang Prinsipe para naman magkaroon na ako ng anak na lalaki na matuturuan ng mga bagay-bagay.” Nakangiti namang saad ng hari kasabay ng paghaplos niya sa tiyan ng Reyna.

“Nakatitiyak akong isa itong Prinsipe kamahalan sapagkat madalas akong magdasal sa templo, wala akong ginawang mga kasalanan, kaya naman nakatitiyak akong hindi ako bibiguin ng mahal na Buddha. Nakatitiyak akong lalaki itong inihandog niyang anak sa akin bilang kapalit ng pagiging masunurin ko sa kanya. Alam naman nating hindi maganda sa pamahiin natin ang babaeng panganay kaya bakit naman isang Prinsesa ang ipagkakaloob niya sa atin.” Mahaba ngunit malumanay na saad pa nang Reyna. Nginitian muna siya ng hari bago magsalita.

“Mahal kong reyna, ito ang tatandaan mo, kahit pa isa siyang Prinsesa, anak parin natin siya kaya dapat lamang na alagaan at mahalin natin siya, lalo kana sapagkat ikaw ang aaruga at magpapalaki sa kanya.”

“Ngunit mahal na hari, ito ang magiging panganay mong anak kaya dapat lamang na isa siyang Prinsipe, ang Prinsipeng mangunguna sa listahan mo ng mga anak na hahalili sa iyo sa trono lalo na’t anak ko siya, ang iyung Reyna.” Wika pa ng Reyna kaya naman napatango na lamang ang hari bago nagpakawala ng ngiti.

Dahil  buntis ang Reyna ay hindi muna siya maaring magpunta sa palasyo ng hari upang samahan ito. Isang batas sa palasyo na kapag buntis ang isa sa mga asawa ng hari, mananatili lamang ito sa kanyang palasyo para asikasuhin ang sarili at ang ipinagbubuntis hanggang sa manganak ito. Bahala na ang hari kung nais niya itong dalawin o hindi.
Dahil jan ay si Consort Xiao ang palaging kasama ng hari. Labas-pasok ito sa palasyo ng hari umaga man o gabi lalo na’t walang ibang pagpipilian ang hari. Hindi sila maayos ni Imperial Noble Consort Ling habang  inihahanda niya parin si Consort Lawana para sa mga ganoong bagay bagay.
****

Kagagaling lamang nun ni Pim sa labas ng palasyo at marami na naman siyang narinig na hindi maganda tungkol sa kanyang amo kaya naman ay hindi maganda ang timpla niya.

“Mahal na Imperial Noble Consort Ling, ilang buwan na rin po ang nakakalipas ngunit hindi parin nagpupunta dito ang mahal na hari. Pinag-uusapan narin ho ang palasyo natin ng mga tao kesyo daw abandonado na ito dahil matagal nang hindi pinapansin ng hari ang amo ng palasyong ito. May diskriminasyon narin hong nagaganap lalo na sa ating mga tagapaglingkod.” Malungkot na pagbabalita niya kay imperial Noble Consort Ling na noon ay abala lamang sa pagpipinta lalo na’t ipinagbawal na sa kanya ang kinawiwilihan ng gawin, ang paghahardin. Ipinabunot lahat ng hari ang kanyang mga tanim na bulaklak na siyang nagpapasaya sa kanya. Tanging ang mga gulay na lamang na itinanim nila noon ang naroon pa lalo na’t ipinabawas muli ng hari ang suplay ng pagkaing dinadala sa kanyang palasyo buwan-buwan kaya naman labis ang pagtitipid nila.
Bukod sa mga bagay na iyun ay lilimang mga kawal at si Pim na lamang ang naiwan sa kanyang palasyo dahil wala na siyang maipasahod sa iba pa niyang mga tagapag-lingkod lalo na’t matagal na siyang hindi pinapaboran ng hari.

Dahil sa mga pangyayaring ito ay hindi na siya iginagalang ng karamihan sa labas ng kanyang palasyo at pinagtatawan lalo na kapag nakikita siyang naglalakad na lamang kung meron man siyang pupuntahan hindi katulad dati na lulan-lulan siya ng sedan buhat buhat ng mga kawal. Hindi na rin siya niyuyukuan para galangin ni Consor Xiao lalo na at isa na itong Noble Consort ngayun.

“Imperial Noble Consort Ling…” Muling tawag ni Pim sa kanya nang magulat siya.

“Oh Pim, ikaw pala. Kanina ka pa jan?”

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon