CHAPTER 55

958 21 0
                                    


Noong sumunod na araw ay wala paring paramdam ang hari kaya naman ay minabuti na itong puntahan ni Imperial Noble Consort Ling.

"Imperial Noble Consort Ling, magandang araw po. Ano't naparito po kayo?" Pagbati ni Ginoong Khut matapos yumukod sa presensya niya.

"Ginoong Khut, magandang araw din sa iyo. Ano't tila gulat na gulat ka. Malamang ay narito ako upang dalawin ang mahal na hari."

"Batid ko iyun kamahalan, ang ibig kong sabihin, ano't naparito kayo kung hindi naman kayo ipinapatawag ng mahal na hari o kahit sino man sa inyo." Pagtatakang paliwanag nito kaya naman ay ngumiti siya at humakbang papalapit dito.

"Ginoong Khut, nakakalimutan mo na ba kung sino ako?" Kunwari ay nagtatampong saad while pouting her lips.

,"Eiihhh.... mahal na Imperial Noble Consort syempre hindi po. Alam kong likas na matigas ang ulo niyo at hindi naman talaga sumunod sa batas ng mahal na hari ngunit iba po ang panahon ngayun...nagdadalamhati po ang mahal na hari at gusto niyang mapag-isa." Reklamong paliwanag nito na pumadyak pa ng bahagya na parang bata dahil sa kakulitan niya. Gayon pa man ay ngumiti parin siya at mas lumapit pa dito bago bumulong.

" Huwag ka ng mag-alala na baka magalit ang mahal na hari sa akin at sayo dahil nagpapasok ka ng hindi niya naman iniuutus, ako na ang bahala doon. Wala ka bang tiwala sa akin?" Pilya niyang muling saad bago tinapik ng marahan sa balikat si Ginoong Khut at nagpatuloy na sa pagpasok sa bulwagan ng hari.

"Ngunit Imperial Noble Consort Ling-- baka ho magalit ang mahal na hari!" May pag-aalala pang protesta nung isang emperial guard na nagbabantay din sa pinto ng bulwagan ngunit tinapik lamang ito ni Ginoong Khut at sumenyas na hayaan na lamang ang Imperial Noble Consort sa pagpasok.

"Ngunit Ginoong Khut, bawal ang pagpasok na ginawa niya nang walang pahintulot ang mahal na hari, baka magalit lamang ito sa kanya lalo na't ilang araw ng hindi maganda ang timpla ng mahal na hari."

"Alam ko iyun ngunit tama si Imperial Noble Consort Ling... Bukod sa akin ay ikaw din ang mas nakakaalam sa lahat kung ganito katigas ang ulo niya pagdating sa mahal na hari. Isa pa, nakakalimutan mo na ba..."

"Na ano?"

Ngumiti lamang si Ginoong Khut bago lumapit dito bago bumulong. "May kakayahan siyang baguin ang timpla ng mahal na hari, nasaksihan na natin ito sa nakaraan..." Saad ni Ginoong Khut bago ngumiti ng sutil kaya naman napangiti na din yung emperial guard.

Nadatnan ni Imperial Noble Consort Ling ang hari na noo'y nakaupo sa trono nito at may hawak na kopeta ng alak as expected. Dahil hindi pa naman ito gaanong lasing ay napansin agad nito ang pagdating niya.

"Your Majesty..." Mahinahon at malambing niyang pagbati dito bago yumukod.

Walang imik ang hari at seryoso lamang ang mukha nitong lumagok ng alak kaya naman ay naglakad na siya papalapit dito.

"Kamahala--"

"Anong ginagawa mo rito?!"

"Kamahalan tinatanong pa ba iyan, narito ako upang dalawin ka sapagkat ilang araw ka nang hindi--"

"Ngunit kita ipinatawag o kahit sino man sa inyo!"

"Ngunit Mahal na hari..."

"Ginoong Khut!!!" Maya maya pa ay malakas na sigaw ng hari kaya naman dali daling dumating si Ginoong Khut.

Nang makita ito ng hari ay ibinato niya rito ang hawak na kopeta kaya naman agad itong lumuhod. "Kamahalan, p-patawad po! Ngayun din ay sasamahan ko na ang mahal na Imperial Noble Consort na lumabas at--"

"Hindi! Hindi ako aalis Ginoong Khut kaya naman ay tumayo ka na jan at lisanin kami ngayun din!" Malumanay ngunit mariin namang sabat niya dahilan para manlaki ang mga mata ni Ginoong Khut na tumingin sa kanya gayun din ang hari na noo'y napalingon sa kanya na blanko ang mukha.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon