CHAPTER 63

821 9 0
                                    


"Madam Khao, ano't naparito kayo?" Gulat na saad ni Ginoong Khut ng biglang sumulpot sa bulwagan ng hari si Madam Khao.

"Ginoong Khut, mabuti at narito ka. Nais kong makausap ang mahal na hari." Matatas naman nitong saad.

"Ngunit hindi ka niya ipinapatawag. Tsaka bakit ka pumasok dito ng walang pahintulot?"

"Sa tingin mo may pakaialam ako? Kailangan ko siyang makausap ngayun din!"

"M-Madam Khao, mag-ingat po kayo sa pananalita niyo. Baka ho marinig kayo ng mahal na hari." Agad namang sabat ng alalay nito na si Ting na humawak pa sa braso niya.

"Madam Khao, tama ang iyung alalay. Kumalma ka at pag-isipang mabuti ang iyung binibitawang mga salita at baka marinig ka ng mahal na har--"

"Marinig ko ang alin?" Putol na sabat ng hari na noo'y kapapasok lamang dahilan para matigilan ang lahat ngunit ganun pa man ay hindi nagpatinag si Madam Khao.

"Mabuti naman ay narito na po kayo mahal na hari!" Taas noo niyang saad dahilan para tingnan siya ng mariin ng hari.

"Madam Khao, ano't naparito ka at tila hindi maganda ang iyung timpla?"

"Talagang hindi mahal na hari at naparito ako para ibahagi sa iyo ang bagay na bumabagabag sa akin!"

"At ano naman ang bagay na ito?"

"Tungkol ito kay Imperial Noble Consort Ling!"

"Kay Imperial Noble Consort Ling, at ano ang tungkol sa kanya?" Mahinahon paring saad ng hari  na naupo pa sa kanyang trono.

"Kamahalan, matagal kayong nawala dito sa inner-palace at kababalik lamang kagabi. Alam niyo bang wala ngayun sa inner-palace si Imperial Noble Consort Ling at isang linggo nang nasa  Probinsya ng Shaondong.

"Batid ko ang tungkol jan. Nabanggit niya sa akin bago ako umalis."

"Hmmm, kung ganun ay alam niyo rin ba na magkasama si Imperial Noble Consort Ling at ang aking pinakamamahal na asawa ngayun sa Shaondong?"

"Anong sinabi mo?" Gulat nitong saad.

"Tama ang inyong narinig kamahalan. Magkasama si Imperial Noble Consort Ling at si Prinsipe Ri ngayun sa Shaondong!"

"Imposible ang sinasabi mo. Nasa border si Prinsipe Ri, paano siya naroon sa Shaondong?"

Tumawa muna ng bahagya si Madam Khao bago muling magsalita.

"Kamahalan... Hindi niyo ba alam ang lumang kasabihan na kung gusto ay may paraan at kung ayaw ay may dahilan?" Sarkastiko nitong saad.

"Madam Khao kung totoo mang magkasama sila, marahil ay may dahilan ito at hindi ko na iyun dapat pang ipangamba."

"Kamahalan, hindi niyo na po kailangang magkunwari pa at magbulagbulagan. Alam ko naman po na pareho tayo ng iniisip at nararamdaman ngayun." Panunulsol pa nito dahilan para umigting ang panga ng hari at napahilamos pa ng kamay.

"At ano ang nais mong mangyari?"

"Simple lamang. Gusto kong ilayo niyo si Imperial Noble Consort Ling sa asawa ko sa lalong madaling panahon dahil habang nagtatagal sila roon ay mas lalo lamang na may nangyayaring hindi maganda!"

"Anong sinasabi mo. Matagal nang walang anumang koneksyon ang aking kapatid at si Imperial Noble Consort Ling dahil tapos na ang lahat sa kanilang dalawa."

"Walang koneksyon? Hahha. Mahal na hari, hindi mo ba nakikita kung paano sila magtinginan? Hindi mo ba nakikita kung paano sila ngumiti sa isa't isa? Kasi ako, nakikita ko iyun. Matagal na rin kaming mag-asawa ng kapatid mo mahal na hari ngunit  kahit minsan hindi niya ako tiningnan o nginitian ng katulad kay Imperial Noble Consort Ling. Ikaw mahal na hari, ganun din hindi ba?" Madrama pa nitong saad dahilan oara hindi agad makaimik ang at hari at mapalunok na lamang.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon