CHAPTER 77

1K 25 2
                                    

Abala nun sa kanyang pinakamamahal na hardin si Lady Ling nang dalawin siya ng reyna.

"Mahal na reyna, ano't naparito ka? Ikinagagalak kang makita kang muli matapos ang tatlong taon." Nakangiting bungad niya rito nang madatnan niya ito sa kanyang bulwagan.

"Lady Ling... At totoo ngang nagbalik kana talaga." Pilit naman ang ngiting saad nito sa kanya.

"Bakit Kamahalan, hindi po ba kapanipaniwala?" Nakangiti parin niyang wika kasabay ng kanyang pag-upo sa harap nito.

"Hindi naman. Hindi ko lamang lubusang maisip ang dahilan mo kung bakit kapa bumalik kung gayong tatlong taon mong iniwan ang inner-palace."

"Ang totoo niyan Kamahalan ay tama ka, naisip ko ring hindi na bumalik pa dito sa inner-palace ngunit hindi ko naman lubos akalaing ipapasundo ako mismo ng mahal na hari sa templo. Sino ba naman ako para tanggihan ang utos ng hari hindi ba. Isa pa naisip ko rin na baka ako talaga ang nais makasama ng mahal na hari dito sa inner-palace kaya bakit ko naman siya tatanggihan..." Sarkastiko niyang saad habang nakangiti parin dahilan para umigting ang rehistro ng mukha ng reyna.

"Umm, sinasabi mo ba na ayaw sa akin ng mahal na hari kaya ka niya ipinasundo mula sa templo kahit tatlong taon na ang lumipas simula nang ipatapon ka niya roon?"

"Kamahalan, wala akong sinasabing ganyan. Isa pa mahal na reyna, ang iniisip ng lahat ay nakakatakot, malungkot, at mahirap manirahan sa templo kaya naman ang alam nila ay naranasan ko ang lahat ng iyun sa templo ngunit--"

"Bakit hindi ba?" Sarkastiko nitong putol sa kanya kaya naman napangiti siya.

"Ang totoo po niyan Kamahalan, noong ipadala ako doon ng mahal na hari, sinigurado niyang bukod sa magiging tahanan ko ay wala ng iba pang magbabago sa buhay ko dito sa inner-palace at doon sa templo. Malawak ang hardin doon na siyang libangan ko araw araw, nakakain ko parin ang mga gusto ko katulad ng dito sa inner-palace, naroon ang hindi mabilang na tagapaglingkod upang pagsilbihan ako, isa pa naroon ang Queen Dowager para makasama ko araw araw. Ang totoo niyan ay marami na siyang naituro sa akin tungkol sa pamamahala sa emperial harem bilang siya ang matagal na namahala dito noong siya pa ang reyna. Ang sabi pa nga niya sa akin ay handa na raw akong pamunuan ito..." Mahaba niyang nakangiting pahayag na hindi naman ikinatuwa ng reyna.

"Pamunuan ang emperial harem? Bakit, narito pa ako't buhay na buhay, bakit ko naman ibibigay sa iyo ang pamumuno sa emperial harem?!" Hindi na maitago ang inis nitong saad kaya pilit paring ngumingiti.

"Hindi ko rin alam Kamahalan kung bakit sinabi iyun ng inang reyna, sa tingin ko ay mayroon siyang magandang dahilan."

"Matandang dahilan? At ano naman iyun? Kung sabagay hindi na mahalaga pa iyun dahil ako ang reyna at ako ang masusunod!"

"Tama ka mahal na reyna, dito sa emperial harem ay kayo ang masusunod ngunit sa iba pang mga bagay ay ang mahal na hari na ang may saklaw."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mahal na reyna, kahit hindi niyo sabihin, alam ko kung bakit kayo ngayun naririto sa aking palasyo."

"At ano naman ang alam mo?"

"Tungkol ito sa mahal na hari hindi ba?"

"Hmm, kung ganun ay hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Layuan mo ang mahal na hari kung nais mo ng payapa at ligtas na pamunuhay dito sa inner-palace!" Pagbabanta nitong saad kaya naman ay napangisi siya ng bahagya.

"Pangalawang asawa ako ng hari, dati akong emperial noble consort na natanggalan lamang ng selyo, ngunit wala paring pumapalit sa akin sa posisyong iyun kaya naman ay--" hindi na niya naituloy ang sasabihin noong kapwa sila matigilan ng mahal na reyna dahil sa pagdating ng emperial decree na hatid ni Ginoong Khut.

"MAGBIGAY GALANG SA UTOS NG MAHAL NA HARI!" Ito ang malakas na anunsyo ng kawal kasabay ng pagpasok ni Ginoong Khut sa bulwagan.

Nagtataka man ngunit agad silang kapwa lumuhod ng reyna sa harap ni Ginoong Khut na noo'y may hawak hawak na tableyang kahoy, ang selyo ng estadong Imperial Noble Consort.

"SIMULA SA ARAW NA ITO, AY INIUUTOS NG HARI NA IBALIK ANG SELYO NI LADY LING NA NGAYUN ISA NG MULING IMPERIAL NOBLE CONSORT, MATAPOS NITONG MAISAKATUPARAN AT MAISAGAWA ANG TATLONG TAON NITONG PANANATILI SA TEMPLO NG TATLONG TAON UPANG LINANGIN AT PAGYAMANIN MULI ANG KANYANG SARILI NANG SA GAYO'Y MAGING KARAPAT-DAPAT MULING MABIGYAN NG TUTULONG IMPERIAL NOBLE CONSORT NA ANG IBIG SABIHIN AY KAPANTAY NG REYNA SA KARAPATAN AT PANGALAWA SA REYNA SA TUNGKULIN. NARITO ANG UTOS NG HARI, TANGGAPIN NIYO PO MAHAL NA IMPERIAL NOBLE CONSORT LING NG GREENHILL PALACE." Ito ang malakas at at puno ng buhay na pahayag ni Ginoong Khut bago iniabot sa kanya ang hawak nitong tableya kaya naman ay malugod niya
iyung tinanggap habang ang reyna naman ay kitang kita ang panlilisik sa kanyang mga mata.

Nang makaalis na si Ginoong Khut kasama ang emperial guards ng hari ay naiwan na lamang sila ng reyna na noo'y hindi maganda ang lagay. Tila nanginginig ito sa galit.

"Mahal na reyna, ayos ka lamang?" Kunyari ay nag-aalala naman niyang saad para mas inisin pa ito.

"LADY LIN--" pagsisimula nitong mariin na saad ngunit pinutol niya ito.

"IMPERIAL NOBLE CONSORT LING Kamahalan..." Nakangiti niyang pagtatama rito kaya naman tinapunan siya nito ng nang-gagaliiting tingin.

"Tandaan mo ito Imperial Noble Consort Ling, wala akong pakialam kung nakuha mo ng muli ang iyung dating titulo, ako parin ang reyna at marami akong magagawa para burahin ka sa landas ko kapag hindi mo sinunod ang gusto ko!"

"Kamahalan, masyado kang nag-iisip. Sa tingin ko ay pagod ka na't kailangang magpahinga. Mabuti pa ay magbalik kana sa iyong palasyo para makapagpahinga." Tanging nakangiting tugon na lamang niya rito kaya naman ay tinapunan na siya nito ng masamang tingin bago tumalikod ngunit hindi pa man ito humahakbang ay nagsalita itong muli.

"Imperial Noble Consort Ling... Ang mahal na hari at ang emperial harem ay dalawang bagay na pinakamahalaga sa akin kaya naman puputulan ko ng kamay ang sino mang magtangkang umagaw nito sa akin!" Mariin nitong saad at tuluyan ng umalis.

Napabuntong hininga lamang siya nun ng malalim bago maupo hawak hawak parin ang kanyang selyo bago ipinatong iyun sa lamesa.

"Phaita!"

"Mahal na Imperial Noble Consort, ano po iyun?"

"Ikuha mo ako ng tsaa."

"Masusunod po." Agad naman nitong saad bago umalis.

Nang makabalik ito at maiabot sa kanya ang tsaa ay agad itong nagsalita.

"Ah-umm, K-Kamahalan, m-mukhang ginalit niyo po ng husto ang mahal na reyna kanina ah..." Marahan nitong saad kaya naman ay ngumisi siya.

"Sinadya ko iyung gawin Phaita. Sinadya ko talaga siyang galitin upang sa gayun ay lumabas ang tunay niyang kulay." Kaswal niya lamang na saad.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?"

"Ayuko nang makipagsabayan pa sa pagpapakitang tao niya, mas mahirap iyun kesa ang makaharap ang totoong siya. Isa pa mas nababasa ko siya kapag totoo siya't hindi nagtatago sa mga peke niyang ngiti."

"Ngunit pinagbantaan ka po niya kanina, ano na ang gagawin mo Kamahalan?"

Ngumiti siyang muli bago magsalita. "Wala tayong gagawin Phaita. Ngayung nailabas ko na ang totoo niyang pag-uugali madali na lamang mahulaan ang mga kilos niya. Isa pa, mas madaling kalabanin ang taong galit kaya gagalitin ko lamang siya ng gagalitin. Dahil ang taong galit mas mapusok at pabigla-bigla ng desisyon. Hindi na nakakapag-isip ng tama at hindi nakakapagplano ng maayos, kapag ganun ang sitwasyon, madali lamang siyang mabibisto lalo na kung alam ng lahat na galit siya sa akin.

"Kung ganun ay ano po ang plano ninyong gawin para mahuli na sa kanyang maling gawain ang reyna."

"Wala tayong gagawin Phaita. Kailangan lamang nating maghintay ng maiksi pang panahon dahil si Madam Khao at ang reyna na mismo ang maghuhukay ng sarili nilang libingan."

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Ah- oo nga pala, hindi ikaw si Pim kaya naman hindi mo pa alam kung paano ako gumalaw at mag-isip. Ngunit huwag kang mag-alala, matututunan mo rin akong basahin kapag di nagtagal." Nakangiti niya pang saad noong matigilan siya dahil mayroon siyang naalala.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon