CHAPTER 65

890 20 0
                                    

Nang makabalik sa greenhill palace si Imperial Noble Consort Ling ay wala na roon si Consort Lawana.

Maging si Pim ay wala rin doon that's why she knew something big is coming her way and she has to get ready.

"Phaita, si Consort Lawana kailan pa umalis ng greenhill palace? At nasaan si Pim?" Tanong niya sa lingkod na pumapangalawa kay Pim sa greenhill palace.

Ito kasi ang sumalubong sa kanya at ang greenhill palace guards.

"Ah- M-mahal na Imperial Noble Consort, si Consort Lawana po noong nakaraang araw pa pong umalis dito sa greenhill palace at si Pim naman po ay sumama rito." Natigilan siya sa narinig niya tungkol sa pag-alis ni Pim ngunit hindi na niya ito ikinagulat.
Batid niya na mayroong hindi magandang nangyayari sa inner-palace at alam niyang anytime soon, she will be implicated.

"Ah mahal na Imperial Noble Consort, a-ayos lamang po ba kayo? Bakit natahimik po kayo?"

"Wala naman Phaita. May iniisip lamang ako."

"Ah uhmm, Kamahalan, gusto niyo po ba ng makakain o tsaa? Sigurado po akong napagod o nagutom kayo sa biyahe." Muling saad ni Phaita lalo na't napasandal siya sa back-rest ng kanyan upuan habang ang isa niyang kamay ay hinihilot hilot ang kanyang noo.

"Phaita, isa pang tanong. Alam mo ba kung kailan nakabalik dito sa inner-palace ang mahal na hari?"

"Ah iyun po ba, kahapon po sila dumating kamahalan."

"Ganun ba... Ohh siya sige na, ipaghanda mo na lamang ako ng aking panligo. Nais kong maagang magpahinga sapagkat napagod ako sa ilang araw na biyahe."

"Masusunod po kamahalan. Oh ito, mag-tsaa po muna kayo." Pagwika nun ni Phaita ay lumisan na ito.

Tumayo naman siya pagkaalis nito at tinungo ang nakabukas na bintana at doon ay tumanaw kasabay ng isang malalim na buntong hininga.

"Ano man ang ibigay sa akin ng umaga, haharapin ko ito..." Bulong niya sa kanyang sarili habang nakahalukipkip.

"Ah mahal na Imperial Noble Consort, handa na po ang panligo niyo." Walang ano ano'y saad sa kanya ni Phaita kaya naman tumalima na siya.

Noong gabing iyun ay kasalukuyan ring naliligo ang mahal na hari. Habang nakababad ito sa kanyang bathtub ay napapikit ito. Maya maya pa ay pumasok sa kanyang isipan ang mga kaganapan sa Shaondong Province nitong mga nakaraang araw.

"You're a coward Argus! You're building a monster inside you with your suspecions and with all your stupid suppositions! Bakit hindi mo ako tanungin? Natatakot ka sa kung ano man ang maari kong isagot? Tama b--"  These lines from Imperial Noble Consort Ling resounds in his head kaya naman agad siyang napaangat ng mukha mula sa pagkakalublob niya rito sa tubig.

"Maybe you are right Sabina, maybe-- t-this is cowardliness. Maybe I'm not brave enough to really face or accept the truths behind the three of us. Maybe I'm really afraid of whatever you might tell me kapag tinanong kita tungkol sa inyo ng aking kapatid. I exactly know who he is in your heart. Truth always hurts, and that's what I'm afraid of." Sambit ng hari sa kanyang isipan.

***

Pagdating ng bukas ay tahimik lamang ang greenhill palace. There's to summon or any order from the King kaya naman ay nagtaka si Imperial Noble Consort Ling.

Kahit nasa hardin na siya at abalang mag-trim ng mga halaman ay laman parin ng kanyang isipan kung bakit wala pang inuutos ang hari regarding punishment for her past behavior kaya naman balisa siya.

"Ah- M-mahal na Imperial Noble Consort, ayos lamang po ba kayo? Bakit tila malalim ho ang iniisip niyo?" Usisa namang saad ni Phaita na noo'y nakabantay lamang sa kanya.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon