Gusto kong umiwas ng tingin ngunit hindi ko iyun maaring gawin dahil siya ang reyna, hindi kung sino sino lang.
"Lady Ling." Sambit pa ni Pim na bahagyang siniko ang aking tagiliran kaya naman nagbalik ako sa ulirat at agad tumango bago ngumiti sa reyna na noon ay nakatingin parin.
Inakala kong lulubayan na niya ako ng tingin matapos ko siyang batiin ngunit nakatingin parin siya sa akin at nagsimula ng maglakad papunta sa akin.
"Pim, bakit siya lumalapit sa akin, s-sa tingin mo ba kilala niya ako?" Baling ko pa kay Pim ngunit hindi na siya naka sagot dahil nasa harap ko na ang reyna.
"M-mahal na Reyna." Utal kong saad before I bowed to her to greet her.
"Lady Ling..." Nakangiti niyang tugon kaya naman nagulat ako.
"K-kilala niyo ho ako mahal na Reyna?" Nanlalaki ang mga matang saad ko.
"Oo naman. Nakita kita noong araw na bumalik ang mahal na hari dito sa palasyo. Nabanggit sa akin ng inang reyna na siya ang nagdala sa iyo dito sa palasyo. Ikaw ang handog niya sa kanyang anak para maging pangalawang asawa, tama ba?" Mahinhin at eleganteng saad niya. Nagulat man ako sa sinabi niya ngunit sinakyan ko na lamang. I get it that Argus's mother is making up story to expalin my existence here in the palace.
"Ah-- siyang tunay, mahal na reyna." Nakangiti ko na lamang na pagsang-ayon.
"Kung ganun ay ikinagagalak kitang makilala." Nakangiti niya paring saad kaya naman nilakasan ko na ang loob ko at nagtanong.
"Ahmm your highness, h-hindi ho ba nakakaapekto sayo ang mapag-alamang narito na sa palasyo ang magiging pangalawang asawa ng inyong hari?" Naiilang kong tanong ngunit ngumiti lamang siya bago naglakad at tinungo ang gazebo na nasa tabi lamang namin. Naupo siya roon bago niya ako tiningnan kaya naman sumunod na ako at naupo na rin. Sa pagitan namin ay may bilog na lamesa kung saad inilgay yung tsaa na kararating lamang.
"Alam mo Lady Ling, bilang isang reyna hindi ang pagkakaroon ng hari ng iba pang mga asawa ang aking ikinakatakot dahil alam na alam kong mangyayari iyun. Kailangan ng hari ng maraming asawa para bigyan siya ng mga prinsipe at mga prinsesa para sa susunod na henerasyon ng emperyong ito. Ang dapat ko lamang ikatakot ay ang pagkakaroon niya ng pagmamahal, oras at atensyon sa iba niyang asawa at hindi sa akin." Mariin niyang saad kaya naman napainom ako ng tsaa sa sinabi niyang iyun bago siya ngumiting muli.
"Huwag kang mag-aalala, hindi ko sinasabing posibleng mangyari iyun sa inyo ng mahal na hari dahil hindi naman siya ang personal na pumili sa iyo upang mapangasawa niya. Kaya wala na akong dapat ipag-alala na mahulog siya sa iyo. Sa katunayan, kahit na matagal nawala si Gi dito sa palasyo, lumaki kaming kilala ang isa't isa. Hindi man kami nagkaroon ng relasyon dahil bawal noon ngunit alam kong may lugar kami sa puso ng isa't isa. Kaya naman ang maging reyna niya ang pinakapinapangarap ko sa lahat, at ngayung naganap na iyun, subra akong nagagalak." Mahaba niyang pahayag at kitang kita ko ang saya sa kanyang mga mata.
"Ikaw Lady Ling, ito ba ang pinangarap mong buhay?" Mayamaya pa ay baling niya sa akin matapos niyang uminom ng tsaa.
"Ang totoo po niyan your highness, ang pagpasok dito sa palasyo upang maging pangalawang asawa ng hari ay hindi po ang buhay na pinangarap ko ngunit ito po ang buhay na pinili ko kahit na alam kong mahirap at komplikado." Sagot ko.
"Tunay ngang mahirap ang buhay nating mga asawa ng hari lalo na kung ikaw pa ang reyna, ngunit kung ito ang buhay na pinangarap mo magiging masaya ka kahit na minsan nakakalungkot. Tulad ko na lamang, labis ang sayang nararamdaman ko kahapon sapagkat araw ng kasal ko sa lalaking pinakamamahal ko ngunit napalitan ito ng pagkalumbay. Gabi ng kasal namin ngunit hindi siya dumating kahit na hinintay ko siya buong magdamag." Kitang kita ang lumbay sa kanyang mga mata ngunit ngumiti din siya at nagsalitang muli.
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
RandomSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...