**TWO YEARS EARLIER***Dahil sa haba ng paglalakbay at sa katahimikan ng gabi ay nakaidlip si Lady Ling sa loob ng kanyang karwahe.
Nang magising siya ay mag-uumaga na dahil maliwanag na ang loob ng karwahe. Umunat unat pa siya nun noong mapansin na hindi umaandar ang karwahe at maingay sa labas.
Nang sumilip siya sa bintana ay natigilan siya noong makita na sila ay nasa malawak na kapatagan. At nagtaka naman siya noong makita ang isang puting chopper na naroon.
Doon na siya lumabas ng carriage kasama ang dalawa niyang babaeng lingkod.
"Ginoong Khut, ano't tumigil tayo rito? Isa pa, bakit mayroong sasakyang panghimpapawid?" Tanong niya. Agad namang nagsitayuan ang mga ito at yumukod sa kanya.
"Lady Ling, gising na po pala kayo. Hinihintay po namin ang iyung paggising." Magiliw namang saad ni Ginoong Khut na lumapit pa sa kanya.
"Hinihintay niyo akong magising? Bakit hindi niyo na lamang ako ginising?"
"Mahal na Lady Ling, hindi ho namin maaring gawin iyun."
"K-kung ganun ay, ano't tumigil tayo rito at bakit may sasakyang panghimpapawid riyan? Hindi ba't nasa loob tayo ng emperyo?" Lito niyang saad.
"Ah Lady Ling narito po ang kasagutan sa inyong mga katanungan. Hayaan niyo po akong basahin ang liham mula sa mahal na hari."
"Liham?"
"Oo Lady Ling, narito, tanggapin niyo po." Mungkahi ni Ginoong Khut kaya naman ay lumuhod na siya bilang pagtanggap at paggalang sa mga salita ng hari. Noong lumuhod na siya sa harap ni Ginoong Khut ay nagsimula na itong magbasa.
***
Ikaw Lady Ling ng Greenhill palace na nahatulan ng tatlong taong pagkakakulong sa templo sa Timog na bahagi ng emperyo upang pagnilayan ang nagawang kasalanan ay inaatasang lisanin ang Mainland Empire.
***Nanlaki ang mga mata niya dahil sa narinig. Labis na kalituhan ang hatid nito sa kanya kaya naman napatitig siya kay Ginoong Khut.
"G-Ginoong Khut, anong nangyayari? Lisanin ang Mainland Empire?"
Iniabot muna sa kanya ni Ginoong Khut ang liham that she accepted hesitantly because accepting the King's decree means accepting what was written on it.
"Lady Ling, hangad po ng mahal na hari ang inyong kaligayahan sa pagbabalik niyo sa Pilipinas. Ang alam po ng lahat sa inner-palace ay nasa templo kayo bilang pagsunod sa batas ng emperyo ngunit ang mga kawal lamang po at mga lingkod na kasama niyong lumisan sa inner palace ang tutungo sa templo upang manatili roon ng tatlong tao bago bumalik sa inner-palace. Habang kayo naman ay malayang makakabalik sa inyong bansa upang mabigyan ng kalayaan at pagkakataong mag-isip isip sa loob ng tatlong taon." Mahabang saad ni Ginoong Khut.
"A-at pagkatapos ng tatlong taon?" Tanong niya pa.
"Lady Ling, nasa inyo po ang desisyon, yan po ang nais iparating ng mahal na hari."
"N-ngunit Ginoong Khut hindi ko maintindihan bakit kailangan niyang gawin ito? Paano siya, kapag nalaman ito ng reyna o ng matataas na opisyales ng emperyo, maaring manganib ang hari. Hindi ako dapat basta bastang lumisan at mawala na lamang sa empery--"
"Lady Ling makinig po kayo sa akin. Huwag niyo na pong alalahanin ang tungkol doon. Ang mahal na hari na po ang bahala. Sige na po Lady Ling, naghihintay na po ang sasakyan niyo. Kailangan niyo nang umalis ngayun din."
"Ngunit Ginoong Khu--"
"Lady Ling, sige na po. Paalam." Putol na saad sa kanya ni Ginoong Khut kaya naman ay wala na siyang nagawa pa.
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
РазноеSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...