"Mahal kong hari..." Malumanay nitong saad kasabay ng pagyukod nito.
"Aking Reyna narito ka pala." Malamig lamang niyang tugon.
"Oo kamahalan, a-anong nangyari kay Lady Xiao?"
"Hindi mo pa ba nabalitaan ang tungkol sa nangyari kagabi?"
"Hindi kamahalan, ang alam ko lamang ay may nangyaring hindi maganda kay Lady Xiao."
"Kung ganun ay ako na ang magsasabi sa iyo. Kanikanina lamang ay natagpuang wala ng buhay si Lady Xiao dahil sa lason."
"Mahal kong hari, isang kahindik-hindik na pangyayari ang naganap kay Lady Xiao! S-sa tingin mo ba ay nilason niya ang kanyang sarili?"
"Nawawala ang dalawang bantay dito kagabi kaya wala pang sapat na inpormasyon tungkol dito ngunit huwag kang mag-alala, kasalukuyan akong nagpapaimbistiga." Malamig lamang muling saad ng hari.
"N-nagpapaimbistiga? S-sino, s-saan?"
"Ikinalulungkot ko ngunit kasama ka at si Lady Ling dito lalo na't kayong dalawa lamang ang naitalang bumisita kay Lady Xiao kagabi." Seryoso ngunit mahinahong saad ng hari.
"Ah-ummm, K-Kamahalan, naiintindihan ko ang proseso ngunit-- n-naniniwala ka bang ako ang gumawa niyan kay Lady Xiao?"
"Ummm, mahal kong reyna sa ngayun ay wala pa akong malinis na dahilan para hindi isipin iyun ngunit bakit mo naman natanong ang tungkol sa bagay na iyan, dapat ko bang isipin na ikaw ang may gawa?"
"H-hah? M-mahal Kong hari hindi! W-wala akong kinalaman sa nangyari kay Lady Xiao. Kung hindi man siya ang gumawa niyan sa sarili niya at ibang tao ito, makakaasa kang hindi ako yun."
"Mapapatunayan mo bang hindi nga ikaw ang gumawa?"
"Mahal na hari oo naman. Totoong dinalaw ko si Lady Xiao kahapon dito sa cold palace dahil nais kong siguraduhin na nasa maayos siyang kalagayan ngunit hindi ibig sabihin nun na ako ang nagbigay sa kanya nung maliit na jade na may lamang lason." Depensang saad ng reyna dahilan para matigilan ang hari at kumunot ang noo ngunit hindi niya iyun ipinahalata.
"Jade na sisidlan?" Usisang saad niya bago napatingin sa nasa sahig paring tasa ng tsaa.
"Mahal kong hari pakiusap, huwag niyo na akong pagsuspetsahan. Hindi ako ang nagdala ng lason kay Lady Xiao, maaring ito ay dinala sa kanya ng taong sumunod na dumalaw sa kanya." Mapanlinlang pang wika ng reyna.
"S-sinasabi mo bang si Lady Ling ang gumawa nito sa kanya?"
"Mahal na hari bakit hindi? Bago pa man mamatay si Lady Xiao ay si Lady Ling ang kasama niya rito."
"Kung si Lady Ling nga ang gumawa ang nagdala ng lason, bakit naman ito iinumin ni Lady Xiao kung gayong alam niyang lason ito?"
"Simple lamang kamahalan, dahil maaring may sinabi si Lady Ling na ikinagalit o ikinasakit ng damdamin ni Lady Xiao na siyang nagtulak sa kanya para uminom ng lason."
Hindi pa man nakakasagot ang hari ay nakabalik na si Ginoong Khut.
"Ah s-sige na aking reyna, maari kanang umalis. May pag-uusapan pa kaming mahalaga ni Ginoong Khut."
"Ah m-masusunod Mahal ko." Malambing na lamang na saad ng reyna at umalis na ito.
....
"Ah- K-Kamahalan, naniniwala po ba kayo sa sinabi ng mahal na reyna?"
"Na ano?"
"Na s-si Lady Ling ang may gawa nito kay Lady Xiao?"
The king just smirked bago umupo para pulutin yung tasa na naroon sa kinaroroonan ng bangkay ni Lady Xiao kanina.
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
RandomSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...