Matapos uminom ng tsaa ay naglakad-lakad muna sina Imperial Noble Conbsort Ling at ang hari sa hardin sa likod ng palasyo ng hari.
“Ang buong akala ko, maayos ang takbo ng emperial harem kahit na batid ko namang hindi magkakasundo ang mga asawa ko sa ilang mga bagay bagay.” Walang ano-ano’y saad ng hari kaya naman ay napatigil sa paglalakad si Imperial Noble Consort Ling at lumingon dito.
“A-anong ibig niyong sabihin mahal na hari?” usisa naman ng saad kahit na alam na niya ang ibig nitong iparating. Bumuntong hininga muna ang hari bago magsalita habang patuloy parin sa paglalakad with hishands placed behind him.
“Bilang hari hindi dapat ako magpadalos-dalos at basta basta na lamang gumawa ng aksyon lalo na kung tungkol ito sa emperial harem ngunit tama ang iniisip mo, batid ko ang mga nangyayari.”
“Kung ganun—“ hindi na niya naituloy ang sasabihin ng putulin ng isang tinig ang usapan nila ng hari.
“Mahal na hari, magandang araw sa inyo. Ikinagagalak kong masilayan kang muli sa labas ng iyung palasyo matapos ang pagkukulong mo ng ilang araw dahil sa sinapit ng ating anak.” Malumanay ang tinig na saad si Noble consort Xiao bago ngumiti sa hari matapos yumukod. “Imperial Noble Consort ling…” bati naman nito sa kanya pagkatapos bago yumukod.
“Noble Consort Xiao, kumusta ka.” Malumanay din naman niyang saad dito.
“Ito, pinipilit makabangon, salamat sa pagtatanong.” Mailap namang tugon nito bago bumaling muli sa hari.
“Noble Consort, maayos na ang iyung lagay at lumabas kana ng iyung palasyo?” tanong naman ng hari dahilan para umarte ito.
“Iyun na nga kamahalan, hindi pa maayos ang aking lagay, ngunit mas lalo lamang akong mababaliw at mamatay sa lungkot kapag nanatili lamang ako sa loob ng aking palasyo kakaisip kay Prinsipe Kunkih. Higit pa ro’n ay mas nalulungkot pa ako dahil hindi mo ako dinadalaw, mahal na hari.” Pagdadrama nito kaya naman lumamlam ang mga matang tinitigan ito ng hari na napansin naman niya agad kaya naman nagsalita na siya.
“Ah—m-mabuti pa ay maiwan ko na kayo para makapag-usap. Mahal na hari, aalis na ako.” Mahinahon niyang saad.
“Oh siya sige.” Saad lamang ng hari kaya naman ay yumukod na siya rito at sinenyasan na si Pim na noon ay kasama lamang nina Nam at Ginoong Khut sa gilid. Nang makalapit si Pim sa kanya para alalayan siya ay umalis na sila.
Isang lihim na pag-ngiti naman ang sumilay sa mga labi ni Nobvle Consort Xiao dahil doon bago muling bumalik sa pagkamalumbay nang titigan siya ng hari.
“Patawad sa hindi ko pagdalaw sa iyo nitong mga nakaraang araw. Sarili kong emosyon lamang ang aking iniisip at hindi manlang inisip ang iyung nararamdaman gayong ikaw ang ina ng aking anak.”
“Kamahalan, inaamin kong nagtatampo ako dahil doon ngunit naiintindihan kita. Ngayung maari na muli tayong magkasama, nakatitiyak naman akong babawi ka sa akin hindi ba?” Malagkit ang mga labing saad niya ngunit hindi nakapagsalita ang hari at nagpakawala lamang ng tipid na ngiti.
“Kamahalan? Bakit natahimik kayo?"
“Wala naman. Mabuti ay magtungo na tayo pabalik ng redhill palace upang makapagpahinga kana.”
“Sa aking palasyo? Kung gayun ay sasamahan niyo ako roon?” Masaya niyang saad kaya naman tumungo ang hari bago siya igiya sa likod.
“Ito na simula mo Xiao, tama, maari kong gamitin ang pagkamatay ng aking anak para mapalapit kang muli sa akin, mahal kong hari.” Sambit niya sa kanyang isip-isip habang pinagmamasdan ang hari kasabay ng pag-alalay nito sa kanya sa pag-lalakad dahil sa pag-aarte niya.
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
CasualeSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...