CHAPTER 81

1K 27 0
                                    

“Anong ginagawa mo dito?!” Galit na sambit ni Madam Khao nang dalawin siya ng reyna sa cold-palace.

“Narito ako para ibalita sa iyo ang kalagayan ni Imperial Noble Consort Ling ngayun dahil sa ginawa mo…” Nang-iinis na saad ng reyna bago humalakhak ng sarkastiko.

“Nababaliw ka na! Sa ating dalawa alam mong wala akong kasalanan dahil ikaw naman talaga ang gumawa nun, ikaw ang gumawa sa lahat ng masasamang naganap dito sa emperyo!”

“Hay… hindi mo na kailangang sabihin iyan dahil wala namang nakakarinig kasi kung ako, madali ko lamang ipapasa sa iyo ang sisi! Mas naniniwala sila sa akin kesa sa iyo, maging ang asawa mo na natitiyak kong katulad ng hari ay nagkukumahog ngayun para makarating agad dito sa inner-palace matapos malaman ang kahabag-habag na kalagayan ni Imperial Noble Consort Ling.” The Queen asserted evislishly* before letting out a lil’ smirked.

“Ang sama sama mo! Bakit mo ito ginagawa sa akin? Hindi mo naman ako kaagaw sa mahal na hari bakit kailangan mo akong idamay?!”

“Tama ka, hindi nga kita kaagaw sa mahal na hari ngunit ang anak mo… kaagaw ng anak ko sa trono!”

“Ano? Bakit, natatakot ka na ngayun pa lamang ay malaki na ang tsansa ng anak ko sa trono lalo na’t mas magaling siya sa anak mo!”Sarakastiko niyang saad.

“Pakkk!!!” Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi mula sa reyna dahil sa tinuran niya.

“Lapastangan! Masyado pang bata ang anak ko para makitaan ng husay at talino kaya huwag na huwag mo siyang mamaliitin!”

“Ah talaga, kung ganun ay ano ang ikinakatakot mo sa anak ko?!” Sarkastiko naman niyang wika.

“Alam ko kung paano mag-isip ang mahal na hari kaya naman inuunahan ko na para sa huli, ang aking anak ang maging hari.”

“Ah kaya pala ngayun pa lamang ay unti-unti mo nang nilalason ang mga batang prinsipe upang lumaki silang mahina at sakitin na hindi kayang pamunuan ang emperyo! At dahil hindi mo magalaw ang aking anak, sinusubukan mo akong alisin sa landas mo para magalaw mo siya katulad nina Prinsipe Isra at prinsipe Baikun!”she concluded.

“Dapat ba kitang palakpakan sa iyung tinuran?” Sarkastiko naman nitong saad bago tumawa ng malakas.“Hay Madam Khao, masyado kang maraming alam kaya naman nararapat lamang sa iyung manatili na dito habang buhay.” Nakatawa parin nitong saad muli at akmang aalis na sana ngunit nagsalita siyang muli.

“S-sandali!”

“Anu iyun, may ibibilin ka ba para sa anak mo? Inumin ba? Gusto mo ako ang magpainom?” Pang-aasar nitong sarkastikong saad kaya naman nabahala siya bigla.

“Huwag--- huwag na huwag mong gagalawin ang anak ko! Bata pa siya’t walang muwang, hindi mo siya dapat idamay sa nangyayari!”

“Uhmm sige pag-isipan ko…. yun ay kung… susundin mo ang gusto ko.”

“A-ano bang gusto mong gawin ko?”

“SImple lang, isarado mo ang mga bibig mo at tanggapin na lamang ang iyung kapalarang manatili dito habang buhay…” Saad nito at tuluyan ng umalis.

Napahandusay na lamang sa malamig na sahig si Madam Khao dahil doon.

****  

Dalawang araw pa ang nakalipas bago makabalik ang hari sa inner-palace at halos lumipad na ito sa tulin ng kanyang kabayo papasok sa greenhill palace.

Noon ay kababalik lamang ng malay ni Imperial Noble Consort Ling na hindi parin maganda ang kalagayan.

“MAHAL NA HARI!!!” Ito ang nalulumbay na pagbati ng mga lingkod ng greenhill palace at ang mga emperial Physicians na naroon kasama na si Physician Chakru na noo’y siyang kumakausap kay Imperial Consort Ling.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon