CHAPTER 57

899 18 0
                                    


Sa kalagitnaan ng pag-uusap nina Consort Lawana at Noble Consort Xiao ay hindi mapakali si Consort Lawana at namamawis na din sa takot at kaba lalo na noong dumating na ang tsaa na ipinakuha ni Noble Consort Xiao kay Nam.

"Sa wakas narito na ang tsaa. Consort Lawana, masarap ang tsaa na iyan na galing pa sa halamang gamot mula sa Tsina. Huwag mo sanang sayangin ang kahit na maliit na patak nito." Noble consort Xiao said eloquently habang nakatuon ang pansin sa tsaa na nasa harap ni Consort Lawana.

"Ah- o-oo naman Noble Consort Xiao, hindi ko ito sasayangin lalo na kung galing pa ito mula sa tsina tulad ng iyung tinuran." Pagsang-ayon naman niyang saad kahit na ang totoo ay masama ang kutob niya sa tsaa ayun pa lamang sa mga tinginan nina Noble Consort Xiao at ang lingkod nitong si Nam.

"Kung gayun ay bakit hindi mo pa ito tinitikman. Lumalalim na ang gabi, hindi ka na dapat magtagal pa dito kaya sige na, inumin mo na iyan para makauwi ka na at makapagpahinga." Maamo nitong saad bago ngumiti.

"Ah- k-kasi mahal na Noble Consort, naalala ko masama nga pala ang lagay ng sikmura ko kaninang umaga, baka bumalik ito kapag may ininom akong hindi maganda kaya naman bago ko inumin iyan ay nais ko munang tanungin kung saan gawa ang tsaang iyan?" Malumanay naman niyang lakas loob na tanong dahilan para ngumisi si Noble Consort Xiao.

"Iniisip mo ba na may lason iyan o hindi makakabuti para sa iyo? O baka naman may itinatago ka?"

"Hah? Naku w-wala naman. Ang nais ko lamang malaman ay kung saan gawa ang tsaa na iyan?" Kalamado niyang depensa kaya naman napabuntong hininga ang noble consort.

"Huwag kang mag-alala ligtas ito. Tulad nga ng sinabi ko ay isa itong halamang gamot. Hindi nito pasasakitin muli ang iyung sikmura sa halip ay gagamutin ka nito." Paliwanag nito ngunit hindi soya kumbensido lalo na at kilala niya ang itsura at kulay nung tsaa maging ang amoy nito. Ito ang tsaa na ipinapainum sa mga babaeng hindi dinadatnan upang duguin at maglinis ng katawan kaya naman ito din ang ginagamit ng mga babaeng nabubuntis ng hindi ayun sa kanilang kagustuhan upang patayin ang kanilang mga anak sa sinapupunan ng hindi napapansin dahil sa pamamagitan ito ng pagdurugo katulad ng dinadatnan.

Kahit na apat na buwan na ang kanyang ipinagbubuntis ay malalaglag at malalaglag ito sa oras na inumin niya ang tsaa.

"Consort Lawana, ano't tila balisa ka at malayo ang isip?" Sambit ni Noble Consort Xiao noong mapansin ang pag-iisip niya.

"Ah wala naman, may naisip lamang ako."

"Mukhang malalim ang iyung iniisip kaya naman inumin mo na ang tsaang ipinahanda ko para sa iyo upang sa gayo'y makabalik ka na sa iyong palasyo at magpahinga. Hito inumin mo." Pamimilit pang saad ni  Noble Consort Xiao habang inaabot sa kanya ang tsaa.

Napalunok siya dahil doon. Natatakot siyang hindi iyun kunin dahil baka magalit ang Noble Consort ngunit hindi din naman niya alam kong paano niya Hindi iyun iinumin sa oras na kuhanin niya iyun.

"Hay, nasaan kana ba. Nakarating ba sa iyo..." Pikit mata niyang bulong sa sarili ng biglang may magsalita sa likod.

"Noble consort Xiao, magandang gabi. Pumasok na ako dahil mukhang abala kayo rito sa loob at hindi napansin ang pagdating ko." Nakangiting saad ni Imperial Noble Consort Ling na noo'y nakatayo sa kanilang likuran.

"Imperial Noble Consort Ling?!" Gulat namang bulalas ni Noble Consort Xiao na agad ding ibinaba sa lamesa ang hawak na tsaa kasabay ng kanyang pagtayo para batiin si Imperial Noble Consort Ling ng pagyukod.

Agad ding tumayo si Consort Lawana upang bumati at yumukod na noo'y nagawa ng ngumiti dahil tila nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Imperial Noble Consort Ling, ano't naparito kayo ng ganitong oras ng gabi?"

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon