CHAPTER 61

851 18 0
                                    

"Consort Lawana, medyo matagal akong mawawala upang gawin ang isang importanting bagay. Utos ito ng Reyna kaya naman ay kailangan kong sumunod."

"Naiintindihan ko Imperial Noble Consort. Huwag ho kayong mag-alala dahil panatag naman ang aking loob kahit na wala ka dahil narito na ako sa greenhill palace."

"Tama ka. Wala kang dapat ipag-alala dahil ligtas ka rito. Mapopotektahan ka ng aking mga lingkod. Isa pa, iiwan ko itong si Pim upang mayroon kang kasama."

"S-si Binibining Pim po iiwan niyo? Ngunit Imperial Noble Consort paano po kayo? Walang mag-aasikaso sa inyo."

"Huwag kang mag-alala dahil magsasama naman ako ng iba pang mga tagapaglingkod na babae sa aking pag-alis upang merong umasikaso sa akin. Mahalagang maiwan si Pim dito upang mayroon kang makasama ano mang mangyari. Ibinilin ko na sa kanya ang lahat kaya siya na ang bahala sa iyo."

"Imperial Noble Consort..." Malamlam na lamang na sambit ni Consort Lawana bago hawakan ang kamay ni Imperial Noble Consort Ling. "Maraming salamat po. Hindi niyo ako kaano-kaano ngunit napakabuti niyo sa akin. Utang ko po lahat sa inyo." Emosyonal na dagdag pa nitong saad.

Ngumiti lamang nun si Imperial Noble Consort Ling bago hawakan sa balikat si Consort Lawana.

"Walang anuman. Basta pagbutihan mo lamang at maging malakas ka para sa iyong sarili at sa iyong anak." Saad nito.

Dahil dito ay napatungo na lamang si Consort Lawana bago yakapin ang Imperial Noble Consort.



Five days later....

Matapos ang  limang araw na paglalakbay ay sa wakas narating din nina Imperial Noble Consort Ling ang probinsya ng Shaondong. Dahil marami silang mga daladalang donasyon para sa mga tao sa probinsya ay nagtagal sila ng limang araw sa biyahe sapagkat kailangang magpahinga ng mga kabayong sinasakyan nila at magpalipas ng gabi sa daan. Kung deretso ang byahe ay tatlong araw lamang ang paglalakbay.

Sa labas ng tarangkahan papasok sa Shaondong Province ay nakaabang na ang gobernador-heneral ng probinsya na si Heneral Daobou kasama ang ilan sa mga hukbo nito.

Tahimik lamang na nagbabasa nun ng libro si Imperial Noble Consort Ling habang nasa loob ng covered-carriage kasama ang dalawang babaeng lingkod.

Maya-maya pa ay natigilan siya noong bigla tumigil ang sinasakyan niya. Akmang hahawiin na sana niya ang kurtina ng maliit na bintana sa tabi niya para sumilip sa labas ng matigilan siya dahil nagsalita ang punong kawal na siyang pinuno ng hukbong kasa-kasama niya.

"Imperial Noble Consort Ling, narito na po tayo sa tarangkahan ng Shaondong Province at narito pp ngayun ang gobernador-heneral kasama ang ilan sa kanyang hukbo upang batiin kayo." Magalang nitong saad sa kanya mula sa labas ng karwahe.

"Kung ganun ay sige, bababa na ako." Mahinahon niyang saad bago siya inalalayang lumabas at bumaba ng karwahe ng kanyang mga lingkod.

Pag-apak na pag-apak niya pa lamang sa lupa ay nagsilhod na ang lahat sa pangunguna ng punong kawal at ng gobernador-heneral.

"Pagbati sa inyo mahal na Imperial Noble Consort Ling! Ikinagagalak po namin ang inyong pagdating sa probinsya ng Shaondong!" Ito ang sabay sabay nilang sambit bago magsitayo.

"Magandang araw din sa inyo. Ikinagagalak ko ang mainit niyong pagsalubong." Mahinahon at elegante niyang saad habang magkahaw ang kanyang mga kamay sa harapan ng kanyang tiyan bago tumango ng bahagya.

"Maligayang pagdating Imperial Noble Consort." Muli pang saad ni Heneral Daobou ng sa wakas ay makalapit ito sa kanya. Hindi ito nag-abot ng kamay sa kanya dahil bawal ito. Bawal hawakan ng kahit na sinong lalaki ang kamay ng asawa ng hari maliban na lamang kapag ito ay manggagamot.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon