CHAPTER 22

1.4K 29 0
                                    

Katatapos ko lamang nun maligo at nakaupo sa harap ng dambuhalang salamin. Sinusuklay ni Pim ang aking buhok.

Nasa aking isipan ang naganap na kasalan kanina at ang isiping kung tama ba ang buhay na pinili ko.

I was sure at first, but then it's a whole different thing now that I have just witnessed my husband married to another woman making me the second wife when I was the first one he married. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, it's not that I'm jealous, I just feel like pitying myself for the life I ended up with, pero sana mali ako.

"Lady Ling, ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Pim nung mapansin ang pagiging malamlam ng aking mga mata.

"O-oo naman. Marami lamang akong iniisip." Malamig kong tugon.

"Ang mahal na hari po ba ang iniisip niyo?" Usisa niyang saad kaya naman natigilan ako at hindi na nagsalita ngunit nakatitig parin siya sa akin. Kitang kita ko sa salamin kaya naman nagsalita akong muli.

"Pim m-may nais ka bang sabihin?" Kunot ang noo kong tanong.

"Ah, ang totoo po niyan, a-alam ko po ang totoong namamagitan sa inyo ng mahal na hari. Naipaalam po sa akin ng Old Madame (the former queen). Alam ko po ang lahat kaya naman hindi niyo kailangang magtago sa akin. Maari niyo po akong hingaan ng inyong mga saloobin." Malumanay niyang saad.

Tiningnan ko lamang siya bago ngumiti ng tipid.

"K-kung ganun, maari mo ba akong payuhan sa kung ano ang dapat o kung ano ang pwede kong gawin sa sitwasyon kong ito?" Saad ko sa kanya.

Nagpakawala lamang siya ng buntung hininga bago magsalita.

"My lady, alam ko pong nahihirapan kayo at marahil ay iniisip niyong baka mali ang disisyon niyong piliing pumasok dito sa palasyo ngunit hindi po ba masyado pang maaga para mag-isip kayo ng hindi maganda. Ang ibig ko pong sabihin, maaring may halong lumbay ang pananatili niyo dito sa palasyo sapagkat tila kayo ay nasa isang kulungan ngunit kung matututo po kayong iwanan ang ibang pangarap mo para sa sarili at buong-buong yakapin at mahalin ang bagong buhay na meron kayo dito sa palasyo, mahahanap at nararamdaman niyo rin ang kaligayahang hindi pilit, kundi tunay at puro."

"Kahit na pangalawang asawa ka lang?" Muli kong saad.

"Lady Ling, sa mundo ng mga asawa ng hari, hindi mahalaga kung ikaw ang reyna, pangalawa o kahit pa panghuli kung sa puso naman ng hari ikaw ang nangunguna sapagkat kung sino ang makakakuha ng puso ng hari ang siyang magiging panalo." Wika niya bago ngumiti.

"Kaya Lady Ling, huwag po kayong mag-aalala, gagawin ko po ang lahat para tulungan kayong mapalapit sa hari lalo na kapag itinalaga na kayo bilang emperial noble consort."

"Ano ba ang pagkakaiba ng sitwasyon ko ngayon sa magiging sitwasyon ko kapag isa na akong emperial noble consort?" Usisa kong tanong. Ngumiti muna siya bago sumagot.

"Ang pagiging isang emperial noble consort po ay isang mataas na estado kung saan kikilalanin at gagalangin din po kayo ng lahat ng tao dito sa palasyo katulad ng pagkilala nila sa mahal na reyna. Isa pa, kapag naitalaga na po kayong emperial noble consort, maari na po kayong maglabas pasok sa palasyo ng hari kung kanya pong nanaising makita o makasama kayo." Nakangiti niyang saad.

"Eh dito sa palasyo, anong maari kong gawin?"

"Maari niyo pong gawin ang anumang naisin niyo, mag-ikot, mamasyal sa ibang mga palasyo, o gumawa ng sarili niyong libangan. Basta lamang po hindi taliwas o hindi bawal sa batas ng palasyo.

"Kung ganun, batid kong mas magiging makabuluhan ang magiging pamumuhay ko dito sa palasyo."

"At sisiguraduhin po nating masaya dahil tulungan ko po kayong mapalapit sa hari. Titiyakin ko pong sa inyo siya mahuhulog." Pilya niyang saad kaya naman ngumisi ako.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon