CHAPTER 51

969 21 0
                                    


Nang sila na lamang dalawa ay tinungo ng hari ang gazebo at doon naupo.

Sumunod lamang siya dito at naupo rin sa kaharap nitong upuan.

"A-alam mo bang-- alam mo bang nais kang hilingin sa akin ng aking kapatid?" Walang ano ano'y seryosong ngunit mahinahon nitong saad kaya naman nagtigilan siya saglit. Tinitigan niya lamang ang hari.

"Ngunit hindi po kayo pumayag tama ba?" Mahina niyang tugon habang nakatitig parin dito.

"Kung-- kung sakali bang pumayag ako, gugustuhin mong sumama sa kanya?" She's quite startled ngunit bumawi siya agad.

Nagpakawala lamang siya ng isang tipid na ngiti bago tumayo at dahan dahang lumapit sa hari. She stood up behind him bago niya ito hinawakan sa magkabilang balikat. Tahimik lamang nun ang hari.

"Mahal na hari, hindi ko alam kong maniniwala pa kayo sa akin o hindi ngunit 'hindi' yan ang sagot ko. Kahit pa pumayag kayong ipaubaya sa kanya, hindi ako susunod dahil hindi ako laruan na maaring ipamigay kapag hindi na gusto." Dahil sa sinasabi niyang iyun ay tumayo ang hari at hinarap siya.

"Iniisip mo ba na ganun ang tingin ko sa iyo? Isang laruan na hindi ko na gusto kaya ipapamigay ko na?" Seryoso ngunit mahinahong saad nito habang nakatingin ng deretso sa kanyang mga mata kaya naman sinuklian niya rin ito ng pagtitig.

"Hindi mahal na hari, ngunit kung ipapamigay niyo ako ay maaring iyun ang iisipin ko." Mahinahon niya ding tugon.

"Naniniwala ka bang kaya kong gawin iyun?"

"Hindi Mahal na hari, alam kong galit ka lamang sa akin kaya hindi mo ako pinapansin ngunit nakatitiyak akong hindi mo ako ipapaubaya ng ganun ganun na lamang at iyun ang pinanghahawakan ko." She said confidently kaya naman napangisi ang hari at humakbang pa papalapit sa kanya.

"And why do you say so hmm?"

"Do I have to answer that your Majesty hmm?" Magaan ang tinig niya lamang na saad habang nakatitig parin dito ng deretso.

"You sure know how to get me... Imperial Noble Consort Ling..." Tanging saad na lamang ng hari bago siya hapitin sa bewang papalapit sa katawan nito kaya naman napangiti siya ng bahagya.

"Anong magagawa ko kamahalan, mahina ako sayo eh. Dapat ba akong humingi ng tawad dahil doon hmm?" Sutil niya pang saad bago nagpakawala ng matamis na ngiti kaya naman napangiti na rin ang hari.

"Mahina raw..." Sarkastiko pang saad ng hari bago ngumiti kaya naman tumawa siya ng bahagya.

"Hayss kung hindi mo lamang sana ako gustong gustong ginagalit... Alam mo namang ayaw ko sa mga sekreto." Maya maya pa ay saad ng hari matapos siyang bitawan at tumalikod papaharap sa hardin.

Ngumiti lamang siya bago ito sinundan ay niyakap ito mula sa likod before she rested her chin sa balikat nito.

"Mahal na hari, inaamin kong isa nga iyung malaking kasalanan. Isa pa naiintindihan kong malalim ang naging galit niyo sa akin na umabot ng halos pitong buwan dahil pinagtaksilan ko kayo ngunit matagal na iyun. "

"Alam ko naman iyun at hindi ako gait nang dahil doon. Nagalit ako dahil alam mo nang alam ko ang tungkol sa bagay na iyun ngunit hindi ka manlang nag-abalang puntahan ako para magpaliwanag, para ipagtanggol ang sarili mo, sa halip at nagkulong ka lamang dito sa iyung palasyo na parang walang pakialam sa kung ano ang nararamdaman dahil sa usap-usapang nagkalat sa buong palasyo, parang wala lang pakialam sa ano mang maari kong isipin tungkol sa iyo." Mahaba at mahinahong saad ng hari habang nakapako parin ang tingin sa hardin.

Napalunok siya sa sinabi nito ngunit ngumiti din siya pagkatapos at hinigpitan ang pagkakayakap sa katawan nito.

"Kamahalan, wala akong valid reason to justify my mistake, patawad." Muli ay malambing niyang saad ng pumihit papaharap sa kanya ang hari at siya naman ang hinawakan sa bewang muli.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon