CHAPTER 44

936 17 3
                                    

Makaraan pa ang ilang sandali ay hindi mapakali si Ginoong Khut dahil ano mang sandali ay darating na si Imperial Noble Consort Ling.

Subalit wala pa man si Imperial Noble Consort Ling ay may tumawag sa kanyang kawal kaya iniwan niya muna ang bulwagan ng hari upang tingnan ang dahilan ng pagtawag sa kanya. Kasunod naman nun ang pagdating ni Imperial Noble Consort Ling at ni Pim.

Nagmunimuni muna siya sa bulawagan nang wala siyang mahintay alin man sa hari at kay Ginoong Khut kaya naman ay iniwan na niya si Pim para tunguhin ang silid ng hari.

Hindi niya alam kung bakit ngunit tila nakaramdam siya ng kaba habang papalapit siya ng pinto ngunit tumuloy parin siya.

Nang marating ang pinto ay bumuntong hininga muna siya. Itutulak na sana niya ang pinto nang matigilan siya dahil sa isang hagikgik na narinig niya mula sa loob.

Bigla siyang napabitaw sa pinto dahil doon.

"N-narito si Consort Xiao..." Mahina niyang bulalas dahil nakilala niya yung tinig. Si Consort Xiao lamang ang may matinis na boses sa kanilang lahat.

Napalunok na lamang siya at napahakbang papaatras nang maatrasan niya si Ginoong Khut na naroroon na pala sa kanyang likuran.

"G-ginoong Khut! Ano't nariyan kayo?!" Gulat niyang saad ngunit sa mahinang tinig.

"M-mahal na Imperial Consort Ling, naririto na po pala kayo. Alam niyo na din siguro kung ano ang nangyayari sa loob." Asiwa nitong saad bago nagpakawala ng nahihiyang na ngisi.

"Siyang tunay ngunit-- ngunit para saan ang pagpapatawag sa akin ng hari kong naririto pala si Consort Xiao?" Mahinahon ngunit mariin  niyang saad dahilan para magpakawalang muli ng naiilang na ngiti si Ginoong Khut.

"K-kasi po naunang dumating ang Consort Xiao, hindi ko na po siya napigilan sa pagpasok niya sa silid ng mahal na hari kaya wala na akong nagawa." Asiwa nitong tugon.

Bumuntong hininga muna siya bago magsalita. "Kung gayun ay aalis na ako. Wala nang dahilan pa para manatili ako dito." Mahinahon niya lamang na saad matapos ay umalis na sila at hindi na pinakinggan pa ang sinasabi  ni Ginoong Khut na wala nang nagawa kundi magpaalam.

"Mahal na Imperial Consort, maayos lang po ba kayo, kanina pa kayo tahimik."  Puna pa sa kanya ni Pim nang makabalik sila sa greenhill palace.

"Pim napagod ako sa biyahe, matutulog na ako." Tanging tugon niya lamang at siya na mismo ang nagsara ng kanyang pinto.

Hindi niya maintindihan kung anong nararamdaman niya. Malinaw sa kanyang isipan na merong ibang mga babae ang kanyang asawa at pinagtatabuyan niya pa nga minsan ang hari para puntahan naman ang iba nitong mga asawa ngunit ngayung she just witnessed Argus sleeping with someone else just making her feel uneasy that she doesn't even understand what's going on inside her.

.......

Kinabukasan ay maaga namang nagpunta ang mahal na reyna sa palasyo ng hari para saluhan ito sa umagahan tulad ng palagi niyang ginagawa.

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nung magsalita ang hari.

"Mahal kong reyna, matagal na nating hindi napag-uusapan ang emperial harem dahil abala ako sa mga kaganapan sa labas ng emperyo. Ano na nga ba ang mga kaganapan ngayun?" Walang ano-ano'y tanong ng hari nang matigilan ang reyna at ibaba ang hawak niyang chopsticks bago nakangiting tumitig sa hari.

"Maayos naman ang emperial harem mahal kong hari. Madalas lamang magkaroon ng bangayan sina Imperial Noble Consort Ling at Consort Xiao dahil sa mga bagay bagay ngunit naaayos naman iyun agad." Mahinahong tugon ng reyna nung titigan siya ng hari.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon