CHAPTER 58

933 24 0
                                    

"Imperial Noble Consort Ling, maraming salamat po at dumating kayo. Kung hindi po kayo dumating ay malamang, bukas na bukas din ay isisilang kong dugo itong aking anak."

"Sa susunod ay kailangan mo nang mag-ingat. Huwag ka nang lalabas ng iyung palasyo o kaya'y dalaw-dalawin mo na lamang ako kong gusto mong lumabas. Delikado para sa iyo at sa iyung anak ang lumabas o lumapit manlang sa kahit na kaninong palasyo dito sa inner-palace." Tugon naman ni Imperial Noble Consort Ling habang sila ay nakasakay sa sedan.

"Tatandaan ko po iyan mahal na Imperial Noble Consort. Ngunit-- sadya po bang nataon lamang ang pagdating niyo sa palasyo ni Noble Consort Xiao o sinadya niyong puntahan ako roon upang sagipin sa ano mang maaring mangyari?"

"Ano ba sa tingin mo? Abala ako sa aking hardin nitong hapon noong dumating ang iyung palace guard na sinenyasan mo raw upang puntahan ako. Wala akong maisip na dahilan para puntahan si Noble Consort Xiao sa kanyang palasyo ng ganitong oras na kaya naman kung ano na lamang ang naisip kong gawin."

"Iyun po ba ang pagkakaroon ng ritwal sa templo bukas ng umaga?"

"Siyang tunay. Agad akong nagtungo sa reyna upang ipaalam ito dahil iyun batas ng emperyo  bago ako dali-daling nagtungo sa Redhill palace upang puntahan ka. "

"Maraming salamat mahal na Imperial Noble Consort, utang ko po ang lahat sa inyo. Kanina po ay talagang inaabot na sa akin ni Noble Consort Xiao ang tsaa upang siguruhing inumin ko iyun ngunit tamang tama ang pagdating niyo. Maraming salamat muli. Isa pa, maraming salamat dahil ginagawa niyo po talaga ang lahat ng inyong makakaya upang tulungan ako. Hindi kayo isa sa amin ngunit naisipan niyo ang ritwal bilang rason."

"Tama ka. Hindi ako isa sa inyo kaya naman hindi ako sumusunod sa ritwal na isinasagawa ninyo bilang panalangin sa templo dahil isa akong Kristiyano, iba ang aking kinikilang Diyos sa mga diyos ninyo. Ngunit gayun pa man, dadalo parin ako bukas sapagkat ideya ko ito at para narin walang masabi ang iba lalo na si Noble Consort Xiao. Ngunit kong mananalangin man ako, ito ay sa aking Diyos at hindi sa mga diyos ninyong kinikilala." Mahinahon niyang pahayag.

"Naiintindihan ko mahal na Imperial Noble Consort. Alam kong hindi basta basta ganun kadaling baliin ang kinagawian nating tradisyon lalo na ng relihiyon."

"Siyang tunay. O siya sige, magkita na lamang tayo bukas. Magpahinga ka ng mabuti at siguraduhing gising ang nakararami sa iyung palace guards buong gabi upang mabantayan ka. Batid kong abot langit ang galit at inis kanina ni Noble Consort Xiao. Hindi ko batid kung ano ang mga maaring mangyari ngunit kailangan nating mag-ingat." Pagkasabi nun ay nilisan na niya si Consort Lawana at ang mga tagapaglingkod nito sa labas ng tarangkahan ng Lake Yard Palace.

Yumukod na lamang noon si Consort Lawana at ang kanyang mga lingkod bago sundan ng tingin ang Imperial Noble Consort at ang mga tagapaglingkod nito na nasa di kalayuan na patungo sa Greenhill palace.

Kinabukasan ay maagang nagsimula ang ritwal na pinamunuan ng mga punong Monghe ng Mainland Empire na siyang gumagabay sa mga palace people.

Matagal ang ritwal na iyun kaya naman ay tanghali na noong matapos ito. Iba man ang paniniwala ay nakibagay at nakisama parin si Imperial Noble Consort Ling sa mga tao bilang pagrespeto.

Dumeretso na sila sa pag-uwi ng matapos ang ritwal at katulad ng palagi niyang ginagawa ay nasa hardin siya ng Greenhill palace upang magtanim ng mga bulaklak o kaya naman ay ayusin ang mga ito.

Hapon na noon at abala siya sa pagdidilig ng mga halaman noong puntahan siya ni Pim.

"Mahal na Imperial Noble Consort..."

"Oh Pim, ano't naparito ka? Hindi ba't ipinapaayos ko sa inyo ang mga halaman sa labas ng ating palasyo?" Pagtataka niyang saad nang ngumiti ito.

"Mahal na Imperial Noble Consort, naparito lamang po ako upang maghatid ng balita."

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon