FINAL CHAPTER

2.1K 28 0
                                    

***7 years after***

Nakatanaw lamang nun ang hari sa training ground kung saan nagsasanay sina Prinsipe Baikun, Isra at Young Master Chatri.

Noon naman lumapit si Imperial Noble Consort Ling dito dahil tila malalim ang iniisip nito.

"Your majesty, what's the matter bakit tila malalim ang iniisip mo?" Marahan niyang tanong.

"Oh nandito ka pala..."

"Umm kararating ko lamang at napansin kong malalim ang iyong iniisip. Your majesty, t-tungkol ko ba ito sa nalalapit na pagtatalaga ng susunod na crown prince?" Tanong niya kasunod nun ang malalim na buntong hininga ng hari.

"Tama ka, iyun nga ang iniisip ko. Sampong taong gulang na sila kaya naman kailangan ko ng mamili kung sino ba sa kanila ang karapat-dapat maging crown prince at humalili sa akin sa trono sa tamang panahon."

"Umm tama ka, ngunit Kamahalan, ano ba ang nagpapahirap sa iyo sa pagpili kung gayung matagal na nating nakikita kong sino ba sa kanila ang nararapat mapili." Marahan niyang saad ngunit hindi parin mapakali ang hari.

"My Queen, alam ko naman iyun kaya lamang ay hindi ko parin maialis sa aking isipan ang pagnanais na sana ay isa sa mga anak ko ang humalili sa akin ngunit a-alam kong hindi ko dapat iyun ipilit..."

"Your majesty, maari ko bang sabihin ang aking nasa isipan tungkol sa bagay na ito?"

"Go on... I'm listening." Tugon lamang ng hari na nakatuon parin sa mga Prinsipe na abalang nagsasanay.

"Your majesty, alam kong si Prinsipe Isra ang nais mong gawing crown prince, matagal ko na iyung nakikita sa iyung mga mata sa tuwing titignan mo siya ngunit Kamahalan, alam mo na hindi mo siya dapat gawing crown prince. Prince Isra was destined to be the heir of her mother's clan. Ilang taon na lamang ay iiwan na niya ang inner-palace upang harapin ang kapalaran niyang maging susunod na pinuno ng Green Valley Palace who will soon to guard the border, to protect the empire and the next king. Your majesty, that's his fate. Huwag mo sanang kakalimutan na iyan ang dahilan ng pag-iisang dibdib niyo ni Consort Lhan at nangako ka sa kanya kaya naman hindi mo iyun basta basta na lamang baliin." Mahaba niyang saad kaya naman napatango ang hari.

"Tama ka, ngunit nanghihinayang lamang ako dahil alam kong magiging magaling siyang pinuno. Bata pa lamang ay mahusay na siya sa akademya, literatura, at sa pakikipaglaban. Si Prinsipe Baikun naman ay walang interes sa akademya at sa taktika't pakikipaglaban naman magaling. For you to become a King, you must excel in every aspects just like Prince Isra--"

"And young master Chatri." Pagtutuloy niya sa sinabi ng hari kaya naman napatingin ito sa kanya.

"Your majesty, alam kong nakikita mo rin si young master Chatri noon pa man dahil magkatulad na magkatulad sila ni Prinsipe Isra. Hindi mo lamang siya mapili pili dahil ang gusto mo sanang gawing crown prince ay sarili mong dugo't laman ngunit Kamahalan hindi mo na dapat isama si Prinsipe Isra sa choices mo. Si Prinsipe Baikun, si Prinsipe Anurak at young master Chatri na lamang ang iyung pagpipilian at alam kong alam mo kung sino sa kanila ang karapat-dapat." Hindi nagsalita ang hari at nilingon lamang ulit ang mga bata kaya naman nagsalita siyang muli.

"Kamahalan, it's been seven years since I have started taking care of them kaya naman kilalang kilala ko sila at alam ko ang kakayahan at kagustuhan ng bawat isa sa kanila. Si Prinsipe Baikun ay parang ang iyung kapatid lamang na si Prinsipe Ri, walang interes sa akademya ngunit magaling sa taktika't pag-hawak at paggamit ng iba't ibang sandata kaya naman ang nais niya ay maging isang magiting at matapang na sundalo na siyang magtatanggol sa kanyang hari at sa emperyo. Tulad ng kapatid mo, hindi niya nais maging hari Kamahalan. Si Young Master Chatri naman ay ang kabaligtaran, dahil katulad na katulad mo siya, magaling at mahusay sa akademya, literatura, at sa paghawak ng sandata kaya naman ang pangarap niya raw ay maging hari katulad mo. Si Prinsipe Anurak naman ay bata pa, walong taong gulang pa lamang siya at iba ang daang nais tahakin sa buhay. Mahilig siya sa medicina at laging tumatambang sa bahay gamutan kaya naman ang nais niya ay maging isang emperial physician paglaki niya kaya naman kamahalan--" hindi na niya natapos ang sasabihin nung magsalita ang hari.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon