CHAPTER 47

886 19 0
                                    


"Kamahalan... magpahinga na po kayo. Mag-uumaga na po. Kanina pa kayo umiinom." Mahinahong wika ni Ginoong Khut sa hari dahil simula noong iwan nito si Consort Xiao sa hardin ay umiinom na ito ng alak.

"Si Imperial Noble Consort Ling... nasaan siya?"

"H-ho? Kamahalan sa oras na ito, malamang ay nasa loob po siya ng silid niya at tulog pa."

"Sa tingin mo hindi ko alam yun?! Ang sinasabi ko eh kung nagpakita manlang ba siya dito sa palasyo!!!"

"Ah kamahalan, h-hindi po."

"Hindi?! Hahha!!! Imposibleng hindi pa nakakarating sa kanya ang mga usap-usapan tungkol sa kanya at Prinsipe Ri!"

"Hindi ko batid Kamahalan ngunit ayun sa mga kawal natin hindi po siya lumabas ng greenhill palace ngayung araw."

"Huh! Hahaha! Hindi ako makapaniwala!"
Sarkastiko pang bulalas ng hari bago lumagok muli ng alak.

"Kamahalan... Batid ko pong hindi maganda ang timpla niyo ngayun dahil sa natuklasan ninyo ngunit meron pa po kayong mahalagang bagay na gagawin bukas. Makikipagpulong pa po kayo sa punong heneral ng hilagang border at para dalawin narin po si Concubine Lhan tulad ng napagkasunduan."

"Hindi ko nakakalimutan ang tungkol dun! Iwan mo na muna ako at matulog kung gusto mo!"

"M-masusunod po kamahalan."

****

Hapon na nang makarating ang hari sa hilagang border kung saan sila nagpulong ng ama ni Concubine Lhan na siyang punong heneral ng hukbong tagapagbantay ng nasabing border.

Napag-usapan nila ang tungkol sa siguridad ng border at iba pang mga bagay.

Matapos ang pagpupulong ay lumapit na si Concubine Lhan sa kanya.

"Mahal kong hari... kumusta po kayo, sa wakas ay nadalaw niyo narin ako dito. Kung hindi pa dahil sa pagpupulong ay baka hindi kayo tutupad sa kasunduang dalaw-dalawin ako dito sa Green Valley Palace." Malambing ngunit may pagtatampo sa tinig na saad nito.

"Pagpasensyahan mo na ako. Marami lang talaga akong ginagawa sa inner-palace kaya naman wala akong pagkakataong lumabas para puntahan ka."

"Hmm, naiintindihan ko mahal na hari. Naglalambing lamang ako ngunit huwag mo sanang iisiping totoong nagtatampo ako." Nakangiting tugon nito.

"Maraming salamat kong ganun." Malamig niya lamang na saad habang blanko ang mukha kaya naman agad iyung napuna ni Concubine Lhan.

"Kamahalan, mukhang malalim po ang iniisip ninyo, may problema po ba?"

Bumuntong hininga muna ang hari bago siya gawaran ng tipid na ngiti.

"Ang ibig sabihin po ba ng ngiting iyan ay oo? Alam mo mahal na hari meron akong epektibong gamot sa problema mong iyan para kahit papaano ay makalimutan niyo saglit."

"At ano naman kaya iyun Concubine Lhan?"

"Pangangaso mahal na hari! Maaga-aga pa naman,  ilang oras pa bago magdilim kaya tara na po. Isa pa balak ko sanang masaksihan kung gaano ka kagaling na arkero." Masigla nitong saad kaya naman ngumiti na din siya kahit tipid lamang.

"At saan mo naman nabalitaan iyan?" He asked curiously but at the same time smiling.

"Naikwento po sa akin ng aking ama bilang matagal na po siyang naninilbihan sa emperyo sa iyung ama." Nakangiti muli nitong saad.

"Eh ikaw, magaling ka bang pumana?"

"Hah ako? Oo naman kamahalan, ako pa ba!!!" Pagyayabang naman nitong pabirong wika kaya naman kapwa sila nagtawanan.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon