CHAPTER 7

2.2K 41 1
                                    

Habang tanaw tanaw ang napakalawak na karagatan at mountain views mula sa veranda sa aming silid ay laman parin ng aking isipan ang mga sinabi sa akin ni Ivanka at ang malaking katanungan sa aking isipan kung bakit ako pinakasalan si Argus. Alam kong sinabi na niya sa akin kong bakit ngunit alam kong hindi lang iyun ganun kababaw.

“Anong dahilan mo Argus?” Tanong ko pa sa aking sarili noong magring ang aking cellphone na hawak hawak ko.

Subra akong kinabahan at bumilis ang tibok ng puso ko nung makita ko kung sino ang tumatawag kasama ang isang imahe na rumihistro sa aking screen.

“M-Marro?!” Mahina kong bulalas ngunit punong-puno iyun ng emosyon.

Ang tagal ko lamang tinititigan ang aking cellphone habang nagriring dahil hindi ko alam ang gagawin. Kapag sinagot ko hindi ko alam ang sasabihin ko, kapag hindi naman tama lang kasi may asawa na ako ngunit hindi ko naman magawang patayin ito. Miss na miss ko na yung taong ngayun ay tumatawag sa akin.

Maya maya pa ay nanlaki ang aking mga mata nung may marealize ako. "T-teka, Philippine number niya to ah, n-nasa Pilipinas na siya?!" Bulalas ko.

Lumipas pa ang ilang Segundo at sasagutin ko na sana yung tawag nung mamatay na iyun. Agad akong nataranta dahil doon.

“Marro! Marro?!” pagtawag ko sa pangalan niya habang sinusubukan siyang i-dial ngunit wala pala akong load. “Marro!!!” Saad ko pang muli at inuulit ulit siyang sinusubukang i-dial kahit na alam kong wala akong load. Nagsimula nang magsilabasan ang galante kong mga luha dahil doon. “Bakit wala na, Marro please, tawag ka ulit! Please!” Umiiyak ko pang saad at napasalampak na lamang sa sahig.

Napasandal ako sa glass barriers at paulit-ulit na inuuntog ang ulo ko dun.

“I’m so sorry Marro, mahal na mahal kita...sana mapatawad mo ako.” Saad ko pa habang umiiyak parin nung mapasandal na lamang ako at mapapikit.

Sumilay sa aking isipan ang mga ala-alang sumusugat sa aking puso.

********flashback narration********

Pauwi na nun si Sabina galing sa part time job lulan ng bus. She’s a first year college student who is self supporting kaya after class ay dumederetso siya sa coffee shop para magtrabaho at alas-syete na ng gabi kung umuwi.

Tahimik siya noong nags-soundtrip wearing  earphones nung may tumabi sa kanyang isang lalaki.

Hindi na sana niya ito papansinin ngunit bigla na lamang sumiksik yung lalaki at halos makiupo na sa upuan niya.

Inis niya itong binalingan para sana pagsabihan nung makita niya ang mga kamay nito. May dugo-dugo ang mga ito at tila may mga sugat din lalo na ang kanyang kamao. Nakita niya din ang isang pocket knife na nakasukbit sa bewang nito. Sa suot pa lamang nitong itim na ragged pantalon, white sando at black leather jacket ay alam na niya na gangster ito.

Napalunok lamang siya nun at hindi halos makahinga dahil sa kaba nung biglang tanggalin nung lalaki ang  leather jacket nito bago dinampot ang kanyang varsity jacket na nakatabing sa kanyang hita dahil nga maiksi ang kanyang uniform na palda. Nagulat siya dahil doon ngunit natigilan siya nung muling icover nung lalaki sa kanyang hita ang leather jacket nito at isinuot naman ang jacket niya. Mas nagulat pa siya at hindi nakaimik nung kunin nung lalaki ang kanyang eyeglasses para isuot.

Tahimik niya lamang itong inoobserba dahil nga natatakot siya.

Maya-maya pa ay kinuha nito ang kabilang bahagi ng earphone niya at inilipat sa tenga nito bago siya inakbayan holding her tightly on her shoulder. Alam niya ang ibig sabihin nun kaya naman kesa masaktan ay sumandal siya dito at inihilig ang kanyang ulo sa balikat nito.

Mas humigpit pa ang pag-akbay nung lalaki sa kanya  dahilan para magdikit sila ng husto.

Maya maya pa ay biglang napa-preno yung bus sa madilim na parti ng highway dahil hinarang sila ng mga gang na noon ay armado at nagsipasok na sa bus, tila meron silang hinahanap.

Nung hindi nila makita yung hinahanap nila ay nagsibabaan na rin sila.

Noong wala na sila ay ibinalik na nung lalaki yung earphone sa tenga ni Sabina at dumistansiya na kunti. Hinubad niya yung jacket ni Sabina at ibinalik iyun sa kanyang hita kasabay ng pagkuha niya nung kanyang leather jacket. Ibinalik  na rin nito yung eyeglasses niya bago pumara nung marating nila ang kabahayan.

"See you again..." Bulong lamang nung lalaki sa kanya at umalis na ito.

Sinundan na lamang ni Sabina ng tingin yung lalaki habang ito ay naglalakad papalayo.

Hindi sukat akalain ni Sabina na ang estranghero palang lalaki na iyun ang magiging malaking parti ng buhay niya at kanyang pakamamahalin dahil ang lalaking iyun pala ang magiging instructor niya sa defense class niya. Doon nabuo ang affection nila sa para sa isa't isa.

Second year college siya nung maging sila. It was a student and teacher relationship kaya naman tinago nila iyun dahil bawal.

When Sabina is about to graduate, the school found out about their relationship dahilan para matanggal si Marro sa pagtuturo, hindi lamang sa school kundi  sa pagkaguro. Kahit na part time teacher lamang siya at originally an NBI agent ay nakaapekto parin yun sa credibility niya as a person, as teacher, and as an NBI agent kaya tanggal siya sa trabaho. That's the time when he decided to work abroad.

"3 years kang mawawala?" Malungkot na saad ni Sabina noong ibalita sa kanya nun ni Marro ang plano nito.

"Babe, kailangan kong umalis. Wala na akong trabaho dito, and it's killing me dahil hindi ako makatulong sayo at sa pamilya mo. Gagraduate ka na, marami kang mga pangangailangan. I've been there. Internship palang and trainings marami ka nang pangangailangan na gagastusan. Saan ka kukuha ng pera, saan tayo kukuha ng pera. Baka mamaya hindi ka makagtaduate ng dahil lang dun. Pangarap mong grumaduate at maging respetadong NBI agent Babe kaya aabutin natin yun." Mahabang saad ni Marro habang hawak hawak sa mukha si Sabina with their longing eyes pinned to one another.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon