Matapos niyang magshopping ay wala parin si Argus kaya naman ay naglakad-lakad muna siya sa labas ng clothing section kung nasaan yung iba pang mga shops. Nakatapat siya nun sa Wedding Portrait shop at malayang pinagmamasdan ang malaking wedding portrait doon habang nakangiti.
Maya-maya pa ay nilapitan siya nung may-ari ng shop.
"Hello Ma'am, how may I help you? Papagawa po ba kayo ng wedding portrait?" Nakangiting saad nito.
"W-wedding portrait?"
"Yes Ma'am. Kanina pa po kasi kayo nakatingin sa loob staring at the wedding portraits inside. Would like to have yours po? Kasal naman po kayo hindi ba?"
"H-hah? Paano mo nalaman?"
"Your wedding ring Ma'am. I supposed, you have a very wealthy husband who loves you so much that's why he gave you that kind of ring. That's a real gem, rare and priceless." Nakangiti nitong saad habang nakatitig parin sa suot niyang singsing. Natigilan siya saglit sa sinabi nito kaya maging siya ay napasulyap sa wedding ring niya.
"H-how do you say so?" Maya-maya pa ay tanong niya.
"Well as you can see Ma'am, I'm a wedding portrait artist, not to brag but I've been in other countries as well dealing with different couples. So far, tatlo palang ang nakita kong may ganyang wedding ring and if you must know, you're one of them and other two were royals." Nakangiti pa nitong pagkukwento kaya naman sinuklian niya din ito ng ngiti.
"Well anyways, going back Ma'am, magpapagawa po ba kayo ng portrait?"
"H-hah...ah h-hindi. Nagagandahan lang ako sa mga wedding portraits sa shop mo kaya tinititigan ko."
"Umm, it must be your husband." Walang ano ano'y konklusyon nito kaya naman nagtaka siya.
"W-what do you mean my husband?"
"Well it's always the case po kasi Ma'am. I mean, gusto ng mga wife pero ayaw ng mga husband. Just a single picture frame is enough na for them. Hindi nila maintindihan yung sayang naibibigay ng mga ganitong bagay sa mga asawa nila. Hindi nila alam na yung simpleng pagpapagawa ng portrait ay malaking effort na at special enough for their wife."
"Umm y-yeah, you're maybe right. I would love to have that too kaya lan--" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya noong may magsalita sa likod niya.
"You like it?" Ani Argus na noo'y nakatayo na pala sa likuran niya habang nakapamulsa at nakatitig din sa portrait.
"A-Argus?" Bulalas niya na biglang napalingon dito.'
"Hmmm?" He just responded.
"A-ah...w-wala naman. N-nanjan kana pala."
"Yeah, kanina pa."
"K-kanina pa? Since when?"
"Since you stopped here. I saw you walking kanina heading this direction kaya sinundan kita."
"S-so n-narini--"
"Yes I heard it all. So, do you like a portrait of our wedding picture too?" Natigilan na naman siya at utomatikong napatitig dito.
"Why? What's the matter?" Sambit muli nito.
"G-gusto mo? K-kasi kung ayaw mo okay lang naman sa akin. I don't wanna do anything in your discomfort." Mahina at naiilang niyang saad.
"Uhmm, no. We can do it if you like."
"Hmm?"
"We're married Sab and it's not like we're in a fake marriage that's why I realized that I should give you the freedom to do and have what you want too. Hindi puro gusto ko."
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
RandomSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...