CHAPTER 27

1.3K 26 0
                                    

Pigil ang hininga kong inihakbang ang aking mga paa papasok sa tarangkahan ng palasyo ng reyna. Bumuntong hininga muna ako bago tuluyan ng tinungo ang kanyang silid tanggapan o ang malawak at malaking silid na nagsisilbing living room ng kanyang palasyo.

Isang round table na puno ng pagkain ang nabungaran ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang. Kung ang aking palasyo ay luntian, sa kanya naman ay kulay ginto maging ang kanyang mga kagamitan.

"Emperial Noble Consort Ling, maupo na po muna kayo tatawagin ko lamang po ang mahal na reyna." Saad ni Khut bago yumukod sa harap ko at umalis na.

Pagbalik niya ay kasama na niya ang mahal na reyna na deretso lamang ang tingin sa akin kaya naman napalunok ako.

"Mahal na Reyna." Bati ko sa kanya bago ako yumukod.

"Emperial Consort Ling, masaya  akong pinagbigyan mo ang aking paanyaya. Maupo na tayo at tikman ang aking ipinahanda para sa iyong pagbisita."

"Maraming salamat sa pag-aabala mahal na reyna, akin itong pakakatandaan." Tugon ko naman. Ngumiti lamang siya at sinimulan na namin ang kainan habang nagkukwentuhan nang may masabi siyang ikinagulat ko.

"Consort Ling, bago ka ihandog ng dating reyna sa hari, k-kilala niyo na ba ang isa't isa?" Bigla niyang tanong out of nowhere.

"Hindi ko batid kung bakit niyo naitanong iyan ngunit hindi mahal na reyna. N-ngayun lamang kami nagkakilala ng mahal na hari." Pagsisinungaling ko. I didn't mean to lie to her but I think it's better to do so.

"Bakit niyo naman naitanong mahal na reyna?" Tanong kong muli.

"Wala naman, hindi ko lamang kasi inakalang ang magiging trato sayo ng mahal na hari ay higit pa sa inaakala ko." Mahinahon ngunit mariin niyang wika bago ngumiti.

"Ah m-mahal na Reyna, tungkol kanina--"

"Hindi mo kailangang mag-paliwanag. Karapatan mo iyun bilang Emperial Consort. Ang akin lamang inuusisa ay ang inyong koneksyon.  Tila mayroon kayong koneksyon na higit pa sa mga taong kakikilala pa lamang. Bweno, hindi na iyun mahalaga, marahil ay masyado lamang akong nag-iisip tungkol sa mga bagay bagay. Nararapat lamang na ikaw ang piliin niyang kasalo at hindi ako sapagkat ninakaw ko ang oras na dapat sana ay para sa iyo kahapon, ang araw ng iyong pagkakatalaga bilang emperial noble consort. Marahil ay naisipan niyang bigyan ka ng kahit kunting panahon manlang ngayun para makasama siya. Ano sa tingin mo?"

"A-ah... S-siyang tunay mahal na reyna." Tugon ko na lamang bago ngumiti ng pilit.

Matapos naming kumain ay naglakad-lakad na kami sa malawak na bakuran ng golden palace para magpahangin lalo na at gabi na.

"Emperial Noble Consort Ling..." Walang anu-ano'y seryoso niyang saad.

"Narito ako, your highness." Mahinahon ko namang tugon.

"Ang totoo niyan, isa sa mga dahilan kung bakit kita ipinatawag ay may nais akong tiyakin." Seryoso niyang saad.

Napalunok naman ako dahil doon. She sounded inquisitive.

"Ano yun your highness?" Mahina kong tugon.

"Bilang reyna ng palasyo, batid kong hindi ako dapat nangingi-alam sa usaping politika dahil trabaho ko lamang na pamahalaan ang buong emperial harem ngunit... trabaho ko ring pagaanin ang kalooban ng hari. Isa pa, may kinalaman din naman ang nais kong itanong sa iyo sa emperial harem."

"Patawad ngunit-- hindi ko kayo masundan your highness." Lito kong sagot. Ngumisi lamang siya bago magsalitang muli.

"Emperial Noble Consort Ling, maraming problemang kinakaharap ang hari patungkol sa pangangalaga at pamamahala sa buong emperyo ngunit isa dito ang bumabagabag sa kanyang puso't isipan. Ito ay isang bagay na hindi niya parin mapagdesisyonan dahil sa isang pangakong binitawan niya sa isang tao na ayaw niyang sirain. Ngunit kapalit sana nun ang magandang kasunduan para masiguro ang siguridad ng buong emperyo."

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon