Nang makalabas na kami ng tarangkahan ng palasyo ay nakahinga na ako ng maluwag habang si Pim naman ay napakalawak ng ngiti.“Oh Pim, ano’t nakangiti ka jan?” Puna ko sa kanya.
“Wala naman mahal na consort, natutuwa lamang po ako sa inyo.”
“At bakit naman?” Lito kong tanong.
“Napakatalino niyo po pala. Kaya po pala hindi na kayo nag-abala pang puntahan ang mahal na hari para magpaliwanag at humingi ng tawad. Alam na alam niyo po pala na alam ng haring wala kang ginagawang masama dahil oo nga naman, dapat kahapon pa lamang ay may mga kawani taga-paglilitis nang emperyo na nagtungo na sa greenhill palace para kunin ka at ikulong para siyasatin para sa parusang naghihintay sa iyo ngayung araw din mismo.” Hindi makapaniwala niyang saad kaya naman ngumiti lamang ako ng tipid.
“Hindi ba’t sinabi ko sa iyong magtiwala sa akin?”
“OO nga po kamahalan, patawad po sa pangungulit ko sa inyo. Paano po kasi eh mukhang galit na galit sa inyo ang mahal na hari nang umalis siya sa hardin. Kung gayun ay marahil nagseselos lamang pala siya. Yiehhh, kamahalan, bilib na talaga ako sa inyo!” Masaya at sutil niyang saad kaya naman ngumiti na din ako ngunit muli din akong nagseryoso.
“Ngunit Pim, maaring nagtagumpay tayo ngayun, ngunit halatang hindi titigil si Consort Xiao kaya naman kailangan nating mag-ingat.” Saad ko kaya naman tumango siya ngunit tila may naalala naman siya kaya nagsalitang muli.
“Ngunit Imperial Consort Ling, paano po pala iyun eh halatang nagtatampo parin sa inyo ang mahal na hari. Paano kayo magkakasundong muli?”
Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. “Pim, simula sa araw na ito, hindi muna tayo aalis ng palasyo. Magkukulong muna tayo roon ng ilang araw.”
“Magkukulong po, hindi natin pupuntahan ang mahal na hari? Paano po yung nalalapit na pagkakatalaga ni Lady Lawana bilang Consort, hindi po ba tayo dadalo?”
“Pim, uulitin kong muli ito sa iyo, magtiwala ka lamang sa akin. Magiging maayos din ang lahat.” Kalmado kong tugon at sumakay na ako sa sedan na kanina pa naghihintay sa akin.
3rd Person POV
Lumipas nga ang ilang mga araw at hindi lumabas ng greenhill palace si Imperial Noble Consort Ling o kahit na si Pim. Ito ay ipinagtaka ng hari. Sinasadya niya pang maglakad-lakad tuwing umaga sa hardin baka sakaling makasilayan roon ang kanyang Imperial Consort ngunit wala ito.
“Mahal na Hari, pang-apat na araw na po tayong nagtutungo rito sa hardin tuwing umaga ngunit wala ho ang Imperial Consort Ling. Bakit hindi niyo na lamang po siya puntaha—“
“Ano? Hindi, hindi ko siya pupuntahan. Hindi dahil napalampas ko ang nakita kong ginawa nila ng aking kapatid ay ibig sabihin na napapatawad ko na siya. Nilinaw nga nang aking kapatid ang nakita ko ngunit dapat lamang na kausapin niya rin ako. Dapat siya ang unang lumapit sa akin para suyuin ako. Isa pa, hindi ko muna kakausapin, nais ko lamang naman siyang makita kahit sa malayo lalmang ngunit bakit hindi siya lumalabas.” Nagtatampong putol ng mahal na hari kay Ginoong Khut na noon ay nagpakawala ng sutil na ngiti.
“K-Kung ganun ay matagal-tagal pa po tayong maghihintay mahal na hari.”
“Matagal? At bakit mo naman nasabi iyan?!”
“Kamahalan, nais niyo po ba talagang sagutin ko iyan? Sa atin pong dalawa kayo ho ang nakakakilala sa mahal na Imperial Consort Ling at m-may pagkamatigas din po ang ulo niya.” Naiilang ngunit nakangiting tugon nito kaya naman napaisip ang hari.
“Tama ka, ngunit mas matigas ang ulo ko sa kanya. Ayaw niya akong puntahan para makipag-ayos dahil komportable pa siya at ang mga taga-paglingkod niya habang nagkukulong sa kanyang palasyo!”
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
RandomSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...