CHAPTER 74

939 14 0
                                    

***3 years ago***

"Kamahalan... s-sigurado po ba kayong hanggang dito lang kayo? Hindi parin ba kayo magpapakita kay Lady Ling?" Usyusong saad ni Ginoong Khut sa hari na noo'y nasa dating spot where they hide while looking at the veranda wherein Lady Ling's favorite spot.

"H-hindi na, nakita ko na siya at mukha namang mas magaan na ngayun ang itsura niya kumpara noong mga nakaraang dalaw natin sa kanya kaya masaya na ako roon." Magaang saad naman ng hari bago ngumiti ng bahagya.

"Pero Kamahalan, lumipas na po ang tatlong taon, maari na pong magbalik sa emperyo si Lady Ling. Isa pa tapos na po ang mga problema sa emperyo, tungkol naman po sa reyna malapit niyo nang maisiwalat ang mga nagawa niyang kasalanan ng hindi na kailangang magkagulo pa ang Northern Empire at ang ating emperyo."

"T-tama ka Ginoong Khut ngunit sa susunod na linggo pa nakatakdang magbalik si Lady Ling sa emperyo at nasa kanya ang desisyon, kung magpapakita ako sa kanya baka mapilitan lamang siyang sumama sa akin kaya hayaan nalang natin at hintayin ang magiging desisyon niya sa darating na linggo." Seryoso ngunit magaan ang tinig na saad ng hari.

"K-kung gayun ay m-maaring hindi na makabalik pa sa emperyo si Lady Ling kung sakali mang iyun ang naisin niya?"

Sumilay ang lungkot sa mukha ng hari dahil sa tinurang iyun ni Ginoong Khut ngunit gayun pa man ay pinilit nitong ngumiti.

"Ginoong Khut, tatlong taon na ang lumipas simula noong huling magkasama kami ni Lady Ling. Sa tatlong taon na iyun ay unti-unti kong inihanda ang aking sarili sa posibilidad na hindi na siya bumalik sa akin. Kung iyun nga ang naisin niya, tulad ng sinabi ko noon, bago pa man niya iyun hilingin sa akin ay kusa ko iyung ibibigay."

"N-ngunit paano kayo kamahalan, h-hindi niyo na ba siya mahal?"

"Ano namang klasing tanong iyan... Lady Ling deserves so much more kaya kung hindi ako iyun, I would gladly step back to let her move forward. Besides, letting go is just another way of saying I love her, if that's what we are going..." Malamlam ang mga matang saad ng hari kahit na pinipilit niyang ngumiti.

Napatango na lamang nun si Ginoong Khut kahit na ang totoo ay nasasaktan din siya.

Maya maya pa ay bumuntong hininga ng malalim ang hari matapos muling pagmasdan si Lady Ling na noo'y nasa veranda lamang kasama si Ivanka bago siya hinarap.

"Sige na Ginoong Khut, kailangan na nating bumalik ng emperyo at naghihintay na si Prinsipe Baikun para sa ikalawang kaarawan niya."

"Ah- t-tama po kayo kamahalan, kaarawan din po pala ni Young Master Chatri kaya tiyak na darating ang inyung kapatid ngayun sa inner-palace para sa kaarawan ng anak niya.

"Ah oo nga pala, nakalimutan ko ang tungkol jan. Magkapareho ng kaarawan si Prinsipe Baikun at Young Master Chatri."

"Siyang tunay mahal na hari.

"Kung gayun ay kailangan na nating bumalik. Gawin mo nang iisa ang celebrasyon at gaganapin ito sa aking palasyo."

"Masusunod po Kamahalan. Gagawin ko po iyan agad agad pagbalik natin sa emperyo."

"Mabuti. Kung gayun ay tayo na."
Kaswal lamang na saad ng hari bago muling sinulyapan si Lady Ling ng ilang segundo bago tuluyang umalis patungo sa chopper na nasa di kalayuang malawak na kaparangan malapit lamang sa mansion.

****

Samantala, kahit abalang nag-aayos ng bulaklak sa veranda si Sabina ay nakatulala na naman siyang nakatingin sa magubat na likod ng mansyon at napansin naman agad iyun ni Ivanka.

"Hey Sab, bakit nakatulala ka na naman jan? May nakikita ka na naman ba?" Usisang saad nito.

"Ah- p-parang meron eh."

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon