CHAPTER 49

900 16 0
                                    


"Mahal na Noble Consort, ayos lamang po ba kayo?" Alalang tanong ni Nam sa amo nung ito ay biglang mapatigil sa paglalakad habang sila ay nasa hardin at naglalakad-lakad. Nakayuko ito at nakahawak sa noo.

"Ayos lamang ako. Nahilo lamang akong muli ng biglaan."

"Mahal na Noble Consort, madalas na po ang pagkahilo ninyong iyan noing isang linggo pa. Nagsusuka na din po kayo paminsan-minsan. Magpatingin na po kayo sa emperial physician."

"H-hindi kaya-- n-nagdadalang tao ako Nam?" Walang ano ano'y bulalas ni Noble Consort Xiao at napahawak pa sa tiyan.

"M-maari mahal na Noble Consort..." Nakangiti namang tugon ni Nam habang ang Noble Consort ay hindi maipinta ang mukha.

Tiyak na matutuwa po ang mahal na hari kapag nabalitaan ito. Muli pang saad ni Nam.

O-oo naman, nakatitiyak ako roon lalo na at nakatitiyak akong isa itong prinsipe hindi katulad ng ipinagbubuntis ng mahal na reyna na isang prinsesa. Nakangisi namang tugon ng Noble Consort kaya nagtaka si Nam.

Ano po ang ibig niyong sabihin mahal na Noble Consort?

"Wala naman. Napag-alaman ko lamang. Anim na buwan nang nagdadalang tao ang mahal na reyna kaya maari nang mapag-alaman ang kasarian ng kanyang dinadala. Narinig ko silang nag-uusap ng kanyang manggagamot." Mahaba nitong paliwanag bago muling nagpakawala ng pag-ngisi.

"Kung gayun ang inyung anak ang magiging tagapagmana ng trono sapagkat lalaki ang inyong magiging anak."

"Siyang tunay kaya naman halika na't samahan mo ako kay Physician Pong lalo na't hindi ko pa tiyak kung ilang buwan na ba akong nagdadalang tao."

Matapos ngang magpatingin kay Physician Pong si Noble Consort Xiao ay napag-alaman niyang tatlong buwan na siyang buntis.

Ikinatuwa niya ito ng lubusan lalo na at ayon kay Physician Pong ay malaki ang tsansang lalaki ang kanyang magiging anak dahil sa posisyon nito. Alam niyang ang magiging anak niya ang magdadala sa kanya sa tugatog ng tagumpay bilang bagong reyna lalo na at ang magiging anak niya ang magiging tagapagmana ng trono sapagkat ito ang panganay na prinsipe.

Bagama't nais na niya itong ibalita sa hari, kinailangan niya pa itong kimkimin ng ilang mga araw dahil wala ang hari.

Nasa Green Valley Palace nun ang hari para dalawin si Consort Lawana kaya wala ito sa inner palace.

Wala kasi itong makausap sa palasyo patungkol sa mga pinagdadaanan niyang mga komplikasyon kaya naman si Consort Lawana ang pinupuntahan niya lalo na't ito ang kagaya ni Imperial Noble Consort Ling sa pag-iisip at pag-uugali.

May ilang araw pa sana siya para manatili sa palasyo ni Consort Lawana ngunit nakarating sa kanya ang isang balitang nakapagpabago ng kanyang pag-iisip at nagbigay sa kanya ng labis na pag-aalala.

"Kamahalan, babalik ka na ba talaga sa inner-palace?" Malambing na tanong sa kanya ni Consort Lawana habang sila ay nasa-silid nito. Madaling araw nun at kagigising lamang nila.

Naghahanda na nun ang hari para sa kanyang pag-alis nung maalimpungatan ang Consort.

"Hindi man kami magkasundo ng Imperial Noble Consort Ling ngayun, asawa ko parin siya kaya nararapat lamang na puntahan ko siya upang malaman ang tunay niyang kalagayan lalo na't meron daw siyang sakit." Mahinahon namang tugon ng hari.

"Kung ganun ay mag-iingat ka sa iyung paglalakbay pabalik sa iyung palasyo. Ipabatid mo rin kay Imperial Noble Consort Ling ang aking pagnanais ng mabilis niyang paggaling." Malambing naman nitong muling tugon bago tumayo mula sa kama para lapitan ang hari at hagkan.

Became The King's WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon