(Note: so obviously I can’t speak thai haha so I’ll be using original Filipino as the language representation of the palace people except for the honorifics syempre:)
Hindi pa man nakakalapag ang private plane na sinsakyan namin ni Argus at ng mga kasama naming palace guards ay tanaw ko na ang tumpok ng mga taong naghihintay sa ibaba. They’re like an array of armies waiting for the general to arrive. Sumilay na naman sa loob ko ang pag-kakaba kaya naman tagaktak ang aking pawis.
“You’re ready?” Nakangiting saad sa akin ni Argus.
“A-ah, o-oo naman. Kinakabahan lang.” Utal kong saad bago siya ginawaran ng pilit na ngiti.
“Nandito na tayo. Nandito ka na sa bago mong tirahan.” Nakangiti niyang saad kaya naman nginitian ko siya pabalik nung tuluyan ng lumapag ang plane.
Naunang bumaba ang mga guards na kasama namin bago si Argus. Sinalubong siya agad nung mga grupo ng taong naroon na may sari-sariling klase ng kasoutan.
“Maligayang pagbabalik your highness. Ikinagagalak naming makita kayong muli matapos ang napakahabang panahon.”Natutuwang salubong sa kanya ng isang lalaki na nasa edad na rin. Maayos at magara ang kasuotan nito at inakala ko pang siya ang Hari.
“Natutuwa rin akong makita kang muli vice premier.”Nakangiti namang tugon ni Argus.
“Karangalan ko pong pagsilbihan kayo bilang kapalit ng mahal na hari.”
“Kung ganun ay tayo na.”
“Tayo na po at naghihintay na ang lahat sa palasyo maging ang Prinsesa Kirah maging ang kanyang inang reyna at amang hari ay naroon na rin.” Nakangiting wika nito kaya naman kung may ano akong narmdaman. Tiningnan ko ang reaction ni Argus at ngumiti lamang ito.
"Excited kang makita ang mapapangasawa mo?" Sarkastikong bulong ko sa sarili bago ko siyang muling tiningnan ngunit simula nung bumaba siya ay hindi niya ako nilingon.
"Masyadong masaya ang lahat ng tao sa palasyo sa pagdating mo kaya nakahanda na ang lahat. Dumating na rin ang mga envoy galing sa Ming Dynasty at sa Southern Palace para dumalo sa pagkakatalaga mo bilang bagong Hari."
"At ang aking amang hari?"
"Kilala mo ang iyung ama. Hindj siya mahilig magpahiwatig ng kanyang nararamdaman ngunit alam kong natutuwa siya at nagpapasalamat na sa wakas umuwi na ang tagapag-mana ng trono."
"Kung ganun ay tayo na."
Ito pa ang narinig kong usapan nila at akmang lalabas na sana ako sa isiping isasabay ako ni Argus nung may pumasok na babae kaya naman napaupo akong muli dahil sa pagkagulat.
Sa ayos at itsura niya pa lamang ay masasabi ko nang isa siya sa mga maids ng palasyo yun nga lang at naiiba ang suot niya sa ibang mga babae sa labas. Mas marami din siyang palamuti sa buhok.
Tumango muna siya sa harap ko bago magsalita habang ang kanyang mga kamay magkahawak sa bandang tiyan niya. Well it’s not surprising thu. Marami na akong napanood na historical drama.“Maligayang pagdating Lady Ling.”
“A-ah sorry?” Lito kong tanong nung marinig ko ang itinawag niya sa akin. Tiningnan niya lamang ako nun nung marearilze kong informal pala ako dahil natigilan siya.
“Ah, ang ibig kong sabihin, ano ang iyung itinawag sa akin?” Pag-uulit ko.
“Lady Ling, ito po ang ipinangalan sa inyo ng mahal na reyna at ipinapasundo ka na po niya sa akin.”
“Ah ganun ba. Bakit niya ako binigyan ng ibang pangalan kung gayong meron naman ang sariling pangalan?” Seryoso kong tanong.
“Ang ibig pong sabihin ng iyong pangalan ay ligaw na bulaklak.” Pagkasabi niya nun ay hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis ngunit tumango na lamang ako.
BINABASA MO ANG
Became The King's Woman
RandomSabina Maliari is a woman of an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smart and dignified woman. The only fault in her is that she was born to a poor family and have a father l...