ANNA
"Hi." Bati ko sa batang lalaki na nakasimangot at nag iisa. Wala siyang kasama?
"Sino ka?" Hala! Ang cute naman niya. Ay, hindi! Ang guwapo niya! Huhuhuhu!
"Ako si Hannah. Ikaw? Ano name mo?" Inayos ko ang bangs ko na tumatakip sa mukha ko.
Nag-iwas siya ng tingin sa'kin.
"Ako si Hannah. Ganito. Dapat may 'h' ganito, haaaaa-naaaah."
"Ikaw? Sino ka?" Tanong ko ulit.
"Huy! Ano name mo?"
"I'm a devil! Stay away from me!" Hala nagalit.
"Bakit ka nagsha-shout?! Tinatanong lang naman kita eh!"
Humarap siya sa'kin. Ang gwapo niya. Pwede na ba 'ko magka-crush? Eh, hindi pa nga daw ako malaki!
"I'm... I'm Lucifer." Huh? Ano daw? Luciter?
"Luciter? Ang ganda ng name mo."
"No! Lu-si-fer."
"Ah okay. Luciter."
"You're annoying. Whatever."
"Huh? Ano sabi mo?" Tanong ko.
"Tsk. Never mind. Ilang taon ka na?"
"8! Ikaw Luciter?"
"It's Lucifer, Hannah."
"Oo nga, Luciter."
"Tsk. I'm 11 years old." Nagbilang ako sa daliri ko. Matanda na pala siya.
"Big ka na pala." Sabi ko.
"Bakit ka nandito?" Tanong niya.
"Wala. Magpa-play sana 'ko dito eh. Kaso nandito ka. Kaya di na 'ko nag-play." Sabi ko.
Umalis siya sa duyan.
"Here, ikaw na ang maupo. Itutulak kita."
"Bakit? Bakit mo ko itutulak Luciter?"
"Tsk. No, hindi kita itutulak. I mean, itutulak ko para makapaglaro ka." Ngumiti ako.
"Bakit ganyan ka ngumiti?"
"Eh kashi kulang pa ang ngipin ko." Tumawa siya. Ang cute niya! Para siya yung puppy ko.
"Oh, okay. Maupo ka na." Binuhat niya ko para makaupo sa duyan.
"Are you sure you're 8? You look like a 4-year-old kid."
"Huh?"
"Nevermind." Pumunta siya sa likod ko at tinulak na ang swing. Tuwang-tuwa ako.
"Lakasan mo pa Luciter! Gusto ko yung lumilipad. Yung parang may wings ako like angels—ah!" Nahulog ako sa duyan ng pigilan niya yung duyan.
"Hannah! I'm sorry." Umiyak ako dahil sa sakit.
"Luciter may sugat ako. Yari ako kay papa." Sabi ko. Binuhat niya ko at inupo ulit sa duyan.
"Shhh. I'm here." Hinipan niya ang sugat ko. Masakit!
"Masakit pa ba?" Tanong niya.
"Kunti."
"It will heal. I-uuwi na kita."
"Thank you, Angel ha!" Niyakap ko siya.
And that moment, I knew that he's the guy.
End
"No, you're not." Hindi pa din siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Hindi naman kita pinipilit." Sagot ko.
"And you must not. Because you're not HANNAH." I smiled.
He still remembers me.
"Close to Anna, right?" Sagot ko.
Noong bata pa kasi ako ay akala ko may 'H' ang pangalan ko. But it doesn't have. It's just as simple Anna."Close to your name, but too far to be you. That girl is strong, jolly, and funny to be with. Not like you. You're too boring and weak." Nasaktan ako sa sinabi niya.
"That was before Lucifer. You don't know what I've been through." I said.
I was diagnosed with leukemia. Simula ng malaman ko na may sakit ako ay di na 'ko nakakalabas ng bahay. Kaya nag-migrate kami sa ibang bansa noon para ipagamot ako. And I survived. Bumalik kami sa Pilipinas noong nagdalaga na 'ko.
"I don't care what you've been through. You're not her." He said.
"She's the one I love. After 17 years, and at any moment. She'll come back." I stopped. So he thought, it was me. But it's Lanna. My twin.
She'll come back?
![](https://img.wattpad.com/cover/98767240-288-k548431.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving The Devil
Mystery / ThrillerThere are things we do not foretell to happen in the realm we live in. Anna, a loving woman and a mother of twins, needs to deal with the wickedness of Nick Lucifer Madrid to stay alive so as not to be separated from her children. Anna has once live...