Chapter 49

33.8K 859 84
                                    

ANNA

Tahimik lang akong nakatitig sa natutulog na kambal. Hindi mawala sa isipan ko yung mga sinabi sa'kin ni Lory kanina.

"I'm a devil! Stay away from me!" Hala nagalit.

"Bakit ka nagsha-shout?! Tinatanong lang naman kita eh!"

Humarap siya sakin. Ang gwapo niya. Pwede na ba 'ko magka-crush? Eh, hindi pa nga daw ako malaki!

"I'm... I'm Lucifer." Huh? Ano daw? Luciter?

"Luciter? Ang ganda ng name mo."

Bahagya akong napa-ngiti ng maalala ko noong una ko siyang nakilala. Noon pa naman talaga, napaka-mainitin ng ulo niya. At isa pa, ayaw na ayaw niya talaga sa pangalan niya. Gusto niyang itawag ko sa kanya ay Angel.

"Angel..." Biglang sambit ko.

Hinaplos ko ang mukha ng kambal. Nahihirapan talaga ako sa sitwasyon namin ngayon. Minsan nga hindi na talaga ako nakakatulog dahil magdamag ako minsan sa hospital. Pati si Mina ay ganoon din.

Humiga ako sa tabi ng kambal at tumabi sa kanila. Niyakap ko sila.

"Hmmmm." Nag-humming ako habang tinatapik ko ang maliit na hita ni Casper. I saw him smiled. Gustong-gusto niya talaga na tinatapik ko siya. Natutuwa kasi siya.

Napatigil ako ng magising naman si Jasper. Bumangon naman ako agad.

"Baby... You want milk?" Tanong ko.

Hindi siya umiyak kaya ayaw niya. Pero napansin ko na lagpas ang tingin niya sa'kin. He's reaching for something. May tinuturo siya at parang gusto niyang magpa-buhat sa'kin. Hanggang sa may maramdaman na naman ako ulit.

Bakit kaya ganon?

Binuhat ko si Jasper. Sinasayaw ko siya habang kumakanta ako ng mga lullaby songs.

Sinilip ko si Jasper habang nakasubsob ito sa'kin. Nakatingin ito sa may balkonahe.

Sinundan ko naman ang tingin niya.

May nakikita ba siya?

Lumakad ako at sinarado ang sliding door. Medyo kinakabahan ako para kay Jasper.

"Anna.." Napatalon na naman ako sa gulat.

Nilingon ko siya.

"Bakit? Ano na naman?" Tanong ko.

Niyakap ko si Jasper.

Nakatayo lang siya sa harapan ko at titig na titig sa'kin. May napansin ako sa itsura niya. Malungkot siya at parang masaya na makita ako.

Anong nangyari dito?

Inayos ko ang pagbuhat kay Jasper.

"Bakit?" Tanong ko.

Titig na titig lang siya sa'kin.

Kumunot ang noo ko.

"You can see me... Thank god..."

Naguguluhan na pinagmasdan ko siya.

"Anong sabi mo? Nakikita naman talaga kita."

Umiling siya.

"No..."

"Huh?"

"Anna..." Lumapit siya sa'kin.

Pinagmasdan ko siya. Bakit parang ibang Lucifer ang nakikita ko ngayon?

"What happened Lucifer? Bakit parang..."

"Anna... I'm so happy..."

"Lucifer..."

Bigla siyang humagalpak ng tawa.

Kumunot ang noo ko.

"Lucifer?"

Tumigil siya sa pagtawa.

"Oh, I'm sorry! Your face was priceless!" Sabay tawa niya ulit.

Hinigpitan ko ang yakap ko kay Jasper.

Siraulo.

"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?" Tanong ko.

Tumingin siya sa'kin. Halatang pinipigilan niyang matawa ulit.

"Oh nothing! Siguro iniisip mo na naalala na kita? Tama ba 'ko? Kitang-kita sa mukha mo." Sabi niya.

Sabay tawa niya ulit. Pinapanood ko lang siya. Ibang-iba talaga siya sa tunay na ugali ni Lucifer. Hindi ko pa nga nakikitang tumawa ng ganito si Lucifer eh. 'Yong parang mababaliw na sa kakatawa.

"Why you're doing this to me? Pinagtatawanan mo 'ko? Hindi nakakatuwa. Nagagawa mo pa 'kong pagtawanan sa sitwasyon kong 'to." Sabi ko.

Tumigil naman siya.

"Oh sorry. I just love playing someone's mind!"

"Mapapaniwala ka nila sa mga bagay na hindi naman totoo. He also told me na mapag-laro sila minsan. Or should I say, they're good players? Kaya ka nilang maisahan."

I suddenly remembered what Lory told me awhile ago.

Pinagmasdan ko siya.

"What?" Tanong niya.

"Umamin ka nga sa'kin." Humakbang ako palapit sa kanya.

"Umamin ka... Ikaw ba talaga si Lucifer? Nililinlang mo lang ba 'ko? Sagutin mo 'ko."








MAY MGA NAGTATANONG KUNG MAGKAKA-STORY SINA MINA AT THOMAS.

GUSTO NIYO PO BA?

PS: Kain na mga b3h. 😊

-BSL

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon