Chapter 77

33.9K 804 72
                                    

3rd PERSON POV

Pinagmamasdan ni Lanna ang sarili niya sa harap ng salamin. Maputla, at marami ng pasa ang kanyang katawan. Mula sa sopistikada nitong dating, malayong-malayo na ang kanyang itsura. Mahahalatang may sakit siya dahil sa sobrang putla niya. Gusto man niyang maawa sa sarili, pero hindi niya magawa. Karma ito sa kanya. Kaya magdusa siya.

Hinawakan niya ang bawat parte ng katawan niya na may pasa. Iniinom niya pa din ang gamot niya. Pero kapag naubos na, tigil na.

"What are you doing Aurora? Pleasuring yourself?" Napalingon siya sa likod niya.

Nandoon na naman sa kuwarto niya ang makulit na lalaki. Sa bagay, lagi naman itong nasa tabi niya. Hinihintay na mamatay siya. Naka-sandal ito habang pinagmamasdan siya. Lumipat na siya ng bahay. Naisip niya na magpaka-layo layo. Kaya nga lang, may kasama siya. Itong makulit na 'to.

"Tinitingnan ko lang ang mga pasa ko. Masama ba?"

Umiling ito at lumapit sa kanya.

"You know what... I want to touch you." Nanindig ang balahibo niya sa sinabi nito.

"Bastos! Ako hahawakan mo?" She crossed her arms. "Kung kaya mo... Hanggang tingin ka lang naman sa'kin." Ngumisi lang ito.

"'Wag mong maliitin ang kakayahan ko Aurora. Baka isang araw, magulat ka na lang sa'kin."

"I don't care. Ni wala ka ngang pangalan."

"I have my own name. Hindi lang sikat katulad ng kay Lucifer. But trust me, my name is dangerous."

Napatawa siya.

Ang yabang!

"Yabang."

"It's natural. Eh, ikaw? Sino ang matinong babae ang magsosoot ng manipis na tela? You're too bold for this morning." Nanlaki ang mata niya.

"Ano?! Hindi mo ba alam ang tawag dito? This is lingerie!"

"Lingerie?"

"Pantulog!"

"Pantulog? Why? You'll sleep again? Kagigising mo lang ah."

Napapikit siya para pigilan na masigawan ito.

"Kaya nga! Soot ko 'to kagabi diba?" Sagot niya.

Tinawanan lang siya nito.

"Oh, alright." She rolled her eyes.

Pumasok siya sa banyo para magpalit ng matinong damit.

Nasa loob siya ng cr ng may marinig siyang katok.

Dali-dali siyang lumabas. Para kasing sisirain ang pinto ng bahay dahil sa lakas.

Padabog niya itong pinagbuksan.

"Sino ba ya—L—Lucifer..." Nanlaki ang mata niya ng makita ito.

Nabigla siya dahil nasa harapan niya ito ngayon. Bigla siyang nakaramdam ng tuwa dahil ayos na 'to. Gising na ang lalaking minsan niyang minahal. Seryoso itong nakatingin sa kanya. Hindi na siya nagduda kung paano siya nito nahanap. Ma-pera kasi ang lalaki. Nagtataka lang siya kung bakit ito nandito ngayon.

"L—lucifer... A—ayos ka na? Bakit ka nandito?"

"Let's talk LANNA."

Ngumiti siya.

"Pasok ka."

🍼🔱

Bumalik ulit siya kuwarto at naglagay ng konting lipstick. Ayaw niyang mapansin siya nito dahil sa itsura niya.

Hindi niya pinansin ang makulit na kasama niya na naka-kunot ang noo habang titig na titig sa mga kilos niya. Lumabas siya ng kuwarto at bumaba agad.

"Maupo ka muna. Gusto mo ng juice? Teka kukuha—"

"No. I just went here to clarify everything."

Hinarap niya ito.

"Ano 'yon?"

Humakbang ito at hinablot ang braso niya.

Nagulat siya.

"Umamin ka! Niloloko mo lang ba 'ko, huh?!" Naguguluhan niya itong pinagmasdan.

"Lucifer... A—anong sinasabi mo?"

Nag-igting ang panga nito.

"Hindi ikaw si HANNAH diba? Hindi ikaw! Niloloko mo lang ako!" Nagulat siya.

Alam naman na niya 'yon ah?

"Teka lang Lucifer, alam mo na ang bagay na 'yon! Matagal mo ng alam na 'di ako ang totoong HANNAH o ANNA!" Napatigil ito.

Nasasaktan na siya dahil doon pa mismo ito nakahawak kung saan siya may pasa.

"Bitawan mo na 'ko... N—nasasaktan na 'ko..." Binitawan siya nito.

"What? Matagal ko ng alam?"

Tumango siya.

"O—oo Lucifer... M—matagal na. Galit na galit ka sa'kin ng malaman mo. Kaya nga, lumayo na 'ko." Sabi niya.

Sinabunutan nito ang sarili niya kaya nabigla siya.

Ano bang nangyayari?

"So Anna and Thomas were telling the truth?! Argh! T*ngina!"

Natataranta siyang lumapit dito.

"M—may amnesia ka ba?" Tanong niya.
He nods at her.

Kaya pala...

"N—nasaan ang kapatid ko, si Anna?"

Hindi ito naka-sagot agad. Parang may ideya na siya sa ginawa nito.

"P—pinalayas ko. Lumayas sila." Napatakip siya sa bibig.

"Lucifer..."

"Sorry okay?! It's my fault!"

"Wala ka ng ginawang tama sa kapatid ko Lucifer! Lagi na lang siya ang nasasaktan..." Sabi niya.

"Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan sa mga nalaman ko? T*ngina Lanna, gulong-gulo ako! Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan at hindi ko alam ang gagawin ko para lang makuha ulit ang mag-iina ko!"









UL*L LUCI! CHAROT HAHAHAHA! MAHAL NATIN SIYA DIBA? 😂

Goodnight!!!
-BSL

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon