Chapter 61

32.2K 825 43
                                    

ANNA

Hindi ako nakagalaw ng marinig ko ang boses niya sa loob. Parang huminto lahat ng nasa paligid—

Hinila bigla ni Thomas ang kamay ko at sinama ako sa loob. Naiwan naman si Mina sa labas.

"Thomas, where have—Anna?" Kumunot bigla ang noo niya ng makita ako.

Napatitig ako sa kanya. Gising na nga siya. May galos pa din ang kanyang mukha pero pagaling na ang mga 'yon. Hindi mo aakalain na isang buwan siyang tulog sa itsura niya.

Ilang segudo kaming nagkatitigan hanggang sa magsalita na si Thomas.

"Iwan ko na muna kayo." Kalmadong sabi nito at tsaka lumabas at ni-lock ang pinto.

"What are you doing here Anna? Bakit bumalik ka?" Tanong niya.

Totoo nga, na ang naalala niya ay ang pag-alis ko 2 years ago.

"Ah..." Hindi ako maka-tingin sa kanya ng diretso. Diyos ko, paano ko ba sisimulan?

"What?" May halong inis na sa tono ng boses niya.

Napatingin naman ako agad sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula dahil tiyak na 'di naman niya maiintindihan lahat. Baka lalong gumulo ang sitwasyon. Hindi niya din naaalala ang kambal. Paano na lang kaya kapag nakita niya na ang dalawa?

"Ano ba Anna? Tatayo ka lang ba dyan at tititigan ako? Speak." Sabi nito.

Napa-kurap naman ako.

"S—sorry... K—kamusta ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?" Lumapit ako sa kanya hinawakan ang braso niya.

Kumunot lalo ang noo niya sa ginawa ko.

"What are you doing? Tsk." Inalis niya bigla ang kamay ko.

"T—tinatanong lang naman kita kung okay ka na—"

"I'm fine. Kita mo naman." Masungit na sabi niya.

Gusto kong matawa.

Bumalik na nga talaga siya.

Pinagmasdan ko siya. Ang mga noo niyang naka-kunot lagi ay nanumbalik na. Pati ang aura niya na laging parang manununtok anumang oras.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit ka bumalik? Huh? Dahil wala ka ng pera?" Nasaktan ako sa sinabi niya.

Anong akala niya? Mukha akong pera?

"Hindi Lucifer. Hindi ako bumalik dahil sa pera."

"Kulang pa ba ang pera na binigay ko sa'yo?" Tanong niya.

Umiling ako.

"Hindi ko tinanggap ang pera na binigay mo sa'kin."

Ngumisi siya.

"Really, huh?"

I nodded.

"So why are you here, then?" Sumandal ito.

Paano ba 'to? Ang hirap!

"Uh... N—nandito ako kasi, tinawagan ako ni Thomas." Palusot ko na lang.

Hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanya lahat.

"Yeah, I know. Kaya ka nga nandito. Now tell me, ngayon ka lang ba dumalaw? Or habang comatose ako ay nandito ka na?" Tanong niya.

Napatigil ako saglit. Napa-yuko muna ako bago sumagot sa kanya.

"Oo... Nandito na 'ko simula ng maaksidente ka. B—binabantayan kita."

Wala siyang sinabi dahil bigla siyang nanahimik. Nag-angat ako ng tingin. Titig na titig siya at 'di makapaniwala sa mga sinabi ko.

"Come here." Biglang sabi niya.

"H—huh?"

"Lumapit ka!" Sigaw niya.

Napaatras ako ng kaunti dahil sa gulat. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Umupo ka." Sabi niya.

"S—saan?"

Tinapik niya ang kama. Na-gets ko naman kaya umupo na agad ako.

"Lumapit ka pa." Utos niya.

Lumapit ako.

Sa iba ako naka-tingin habang pinaglalaruan ko ang mga daliri ko.

Napatigil ako ng maramdaman ko ang kamay niya braso ko.

Anong ginagawa niya?

Napatingin ako sa kanya.

"Lucifer..."

Tumitig siya sa'kin.

"Since you watched me, dapat siguro kitang pasalamatan diba?" Sabi niya.

Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Parang may binabalak na naman siya.

"A—ayos lang sa'kin—" Sagot ko.

"Alam mo ba ang naghihintay sa'yo dahil bumalik ka sa'kin?" Naguluhan ako sa sinabi niya.

Inalis niya ang kamay sa braso ko at hinawakan ang leeg ko. Napalunok ako sa ginawa niya.

Our gaze met.

Nilapit niya ang mukha niya sa'kin at pinagmasdan ako na parang binabasa niya ang nasa isipan ko. Pero wala naman siyang mababasa dahil ang puso ko, ang madaming gustong sabihin. Kung ano na ang mangyayari. Marami akong katanungan. Lalo na kung naaalala niya ang kakambal ko. Kahit may alam ideya ako na naaalala niya nga si Lanna, ay umaasa pa din ako na sana, hindi na lang.

"Anna... Did you miss what we were doing before?"

"Lucifer..." Inalis ko ang kamay niya pero nahuli niya agad ako.

"Sa oras na makalabas ako rito, sa akin ka. Aangkinin kita ulit. Naiintindihan mo ba?"

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon