Chapter 43

38.1K 933 26
                                    

ANNA

"Janna kanina ka pa kapit na kapit sa'kin. Nanga-ngalay na kaya ako." Sabi ko.

Nandito kami sa labas ng ICU. Gusto niya daw makita si Lucifer.

"Natatakot ako eh!"

"Bakit ka ba natatakot? Nandito naman ako. Tsaka maliwanag naman oh." Sabi ko.

Mas humigpit ang yakap niya sa braso ko.

"Eh basta, natatakot ako! Sabi mo kasi nakikita mo pa din siya eh. Ay oo nga pala! Binabawi ko na 'yong sinabi ko kanina. Alam mo Anna? Na-realized ko na... Mabait nga pala talaga si Lucifer!" Sabi niya.

Napatawa ako.

"Talaga lang ah?" Tumango naman siya.

"Yes! Oo! Mabait pala talaga siya! And look, ang gwapo niya pala talaga. Comatose pa lang yan ah? Paano kaya kapag nagising na 'yan?" Sabi niya habang sinisilip niya si Lucifer sa loob.

"Gwapo naman talaga siya." Sagot ko.

Tumingin siya sa'kin.

"Paano kapag nagising na siya? From horror to fairytale na?" Napatawa ako lalo.

Bumitaw na siya sa'kin.

"Comatose na nga si Lucifer tinatawanan mo pa. Ang bad mo Anna. Dapat umiiyak ka. Tawa ka pa ng tawa loka ka. Nababaliw ka na 'no?" Natawa ako ulit.

"Hindi ah! Natatawa lang ako sa'yo. Kanina halos murahin mo na siya, tapos concern na concern ka." Natawa din siya.

"Pinapatawa lang kita. Ang lungkot mo kasi kanina eh. Tsaka, mukha kang nagluluksa eh 'di pa naman siya patay." Sabi niya.

"Janna!"

"Joke lang!"

"Tara na muna sa kuwarto ipapakilala kita kay Mina."

"Mina? Ay Anna baka multo 'yan ah! Nako masasakal kita!"

"Hindi ano ka ba! Katulong siya ni Lucifer. Na kaibigan ko na din."

Tumaas ang kilay niya.

"So pinagpalit mo na 'ko ganon?"

"Huy hindi! Tara na." Hinila ko ang kamay niya at pumasok na kami sa loob.

🍼🔱

"Ma'am—sino po siya?" Tanong ni Mina pagka-pasok pa lang namin.

Ngumiti agad si Janna.

"Hi, I'm Janna! Ikaw si Mina diba?"

Tumango agad si Mina at tsaka ngumiti sa kanya.

"Hi, po ma'am Janna! Ano po kayo ni ma'am Anna?"

"She's my best friend." Sagot ni Janna.
Naka-ngiti lang ako habang pinagmamasdan ko sila. Pansin ko na nagka-palagayan na sila agad ng loob. Parehas silang madaldal eh.

"Mina, Janna. Lalabas muna ako saglit. Mag-usap lang kayo ah? Babalik din ako." Paalam ko.

Ngumiti naman sila sa'kin kaya lumabas ako.

I saw Thomas.

"Thomas." Tumayo siya.

"Yes?" Seryosong tanong niya.

"Paano 'yung mga naiwan ni Lucifer? 'Yong tungkol sa kompanya? Paano na 'yon? Walang mag-aasikaso." Sabi ko.

Nilagay niya ang kamay niya sa magka-bilang bulsa ng pants niya.

"Don't worry. Ako muna ang gumagawa ng mga bagay na naiwan niya."

Tumango na lamang ako. Sa bagay, best friend naman siya.

"Anna."

"B—bakit?"

"Lagi kang binibilin sa'kin ni Lucifer. Kayo ng mga anak nyo. Kaya ako na ang nakiki-usap. 'Wag kang magtatangka na tumakas lalo na't wala siya para mapigilan ka. Busy din akong tao. Kaya 'wag ka na sanang dumagdag pa sa mga responsibilidad na naiwan niya. Just stay Anna." Sabi niya.

"Sinasabi mo ba na tatakas ako?"

"I am not saying that. I'm just warning you." Lumapit ako sa kanya.

"Wag kang mag-alala. Hindi ako aalis kahit na wala siya ngayon dito. Bakit naman na 'ko tatakas? N—napatawad ko na siya." Sabi ko.

Malamig niya lang akong tiningnan. Wala naman na talaga akong balak na tumakas. Kailangan ako ngayon ni Lucifer.

"Then good. Maayos ang usapan natin." Sagot niya.

Pumasok siya sa loob ng kuwarto kung nasaan sina Mina at Janna. Napa-irap na lang ako ng makaalis ito. Naiinis pa din ako sa ugali niya.

🍼🔱

Nagdesisyon akong lumabas muna saglit para magpahangin.

Dire-diretso lang akong naglalakad sa kahabaan ng kalsada.

Maraming pumapasok sa isip ko, marami—

"Anna! Watch out!"

Napa-talon ako ng may sumigaw.

Lucifer?

"Ano ba miss?! Magpapa-kamatay ka ba?!" Singhal sa'kin ng driver.

Napatingin ako kung nasaan na ba 'ko.

Bakit nandito na 'ko sa gitna ng kalsada?!

"Tabi na miss! Nagmamadali ako eh! Naman!" Tumabi naman ako at humingi ng sorry.  

Grabe naman 'yong driver na 'yon. Galit na galit—

"Muntik ka ng mamatay. Buti na lang naka-iwas ang driver. You're lucky..." Bulong sa'kin.

"Lucifer..."

Loving The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon